part 2
HAYSE POV
like he said earlier, heto sya ngayon at pinepeste ako dito sa bahay ko.
nakakaasar lang sa sobrang kayabangan!!
nagtitingin kasi siya ng picture albums dito sa sala, at grabe, tawa ng tawa. sobra kung makalaet!!!
"bwahaha!! ah ah, Hayse, tingnan mo oh, kita yung panty mo! haha, at talagang si mojacko pa ang design? XD" peste!!!!! hindi marunong makaramdam tong hayop na to, kanina ko pa pinapatay sa tingin, hindi man lang natinag!!
tapos tumingin siya sakin tapos yumuko parang may tinitingnan. napatingin naman ako sa tinitingnan niya.
O/////O
"ANG MANYAK MO!!!!" binato ko siya ng unan pati ng tsinelas! GRABE!! binosohan niya ko!!
tawa siya ng tawa, "grabe ka Hayse, 1st year highschool ka dito sa picture. hanggang ngayon yang panty na yan parin suot mo?? GRABE, talo mo pa lola ko sa ka-VINTAGE-an!!" nanlaki yung mata niya nung nakita niyang ibabato ko sa kanya yung salamin sa table. nag gesture siya ng wag.
GRABE!! ANG BASTOS!!!
"---huy maghulosdili ka!! wag yan ibato mo! yung panty mo nalang!!" lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok at sakal ko siya!
"napaka-BASTOS MO!!! tinalo mo pa si boy BASTOS!!!" siniko ko yung tyan niya. napabend siya at aray ng aray. naawa naman ako, tinigilan ko na siya.
pero yari ka sakin, isang araw, sasagasaan talaga kita! makikita mo!!
pagkatapos niyang umaray at mukhang nainda na niya yung sakit. tumawa nalang siya. ang saya niya talaga noh? tawa ng tawa eh!
"bakit mo nga pala suot yang pang disguise mo?" tumaas yung kaliwang kilay niya sa tanong ko. yuck, GAY!
"yoko nga, mainlove ka pa pag tinanggal ko to." seryoso pa siya, pero sakin, joke yun!!!!
"napakahilig mo talagang magjoke!" humagalpak na naman siya ng tawa.
"bwahaha, ang cool ko grabe!" tawa parin siya ng tawa.
nagtakip ako ng ilong, "anubayan! tawa kasi ng tawa, ambaho ng utot mo uy!" kinampay ko pa yung kamay ko para mawala yung amoy!
"alam mo, malapit lang ang bunganga sa ilong. hininga mo lang yang naamoy mo."
Arrrgghhhh!! kelan ba ko mananalo sa taong to??
tawa siya ng tawa. kumuha ako ng bamboo stick na nakatirik sa vase namin. mga 2 meters ang haba niya. langya ka, makikita mo! inasinta ko sa kanya.
tumigil siya sa pag tawa. "eto naman, joke lang naman. calm down." mukha namang naging harmless na siya. harmless talaga eh noh? ibinalik ko na yung stick sa vase atsaka nakahinga na ng matiwasay. akala ko, makakapatay na ko eh.
"nga pala, tayo nalang ang walang sinasubmit na title." seryoso na, iniba na yung topic eh.
"eh? sila Hero meron na? akalain mo yun?" tumawa na naman siya. kaya niready ko ulit ang paghugot sa bamboo stick. tumigil naman siya.
"oo, ang title eh, ANG GATA AT ANG LANTANG GULAY" nagpipigil siya ng tawa, pero ako, humagalpak ng tawa!
"haha, ano pa bang i-eexpect mo kay Hero? hahaha, kawawa naman si Jenny." nag apir kami tapos nagkatinginan at napatingin sa kamay namin. agad agad kong nilayo yung kamay ko, ganun din naman siya. okay, awkward.
BINABASA MO ANG
MY GAY-BESTFRIEND IS IN LOVE??? WAIT?? SA BABAE??(on-going)
Novela Juvenilits about friendship, and love.. a gay who is a so called SUPER GAY TO DEATH ang drama, na nainlove sa BESTFRIEND niyang ang drama sa buhay eh, maghanap ng LALAKIng(true man) katulad ng bestfriend niyang bakla.. hindi niya alam nasa tabi tabi lang p...