Aaliyah: Clark? Anung ginagawa mo dito?
Clark: Kanina pa kita binabantayan. Nahihiya lang ako lumapit. Aaliyah, ayokong matapos ang araw na to na galit ka sakin.
Aaliyah: Kasalan ko Clark. Sorry.
Bigla nya kong niyakap. Pero sabi nya di niya naman ako gusto bat niya ko sinundan. Para saan to?
Clark: I don't wanna lose you. Please, sana wag tayo magbago. Let's be friends.
Aaliyah: Okay Clark.
Mali ba to? Hindi ba dapat kalimutan ko na siya. Di ba dapat tapusin ko na to para di nako mahirapan..
Nagiging martyr bako para ko nang niloloko sarili ko nito..
Pero ayoko din siya mawala. Ayaw ko din na may bago samin..
Hinatid niya ko pauwi. Di kami nagusap. Magkasama kami pero parang anlayo niya sakin.
...
Kinabukasan..
Clark: Sabay na tayo maglunch?
Aaliyah: Sige ba. Treat mo ha.
Clark: Sureee.
Kahit masakit pinilit ko nalang magmukhang masaya..
Clark: Pwede ba ko magtanong?
Aaliyah: Sure.
Clark: Bakit mo ko nagustuhan?
Aaliyah: Kelangan pabang malaman yan. E di mo naman ako gusto.. Hahaha
Pabiro ngunit masakit kong sinabi..
Clark: Gusto ko malaman.
Aaliyah: Alam mo may mga bagay na mahirap ipaliwanag sa salita. May mga bagay na mararamdaman mo nalang. Yung tipong kahit ayaw mo pero mangyayari sayo. Kalimutan mo na. Hahaha.
Clark: Okay. Alam mo special ka. Maganda ka at mabait. Kaya mo magpasaya ng tao. Napakasipag mo. Pero ayaw ko lang muna talaga na magkagusto or mainlove. I'm just enjoying every moment i spend with you. Lagi mo lang tatandaan na special ka sakin.
Right Love, Wrong Time. Yun agad naisip ko di ko alam kong sinasabi niya lang to para makabawi sa di nya pagtanggap o talagang seryoso siya..
Clark: Tsaka ayaw kong masaktan kita natatakot nako mawalan ng napakaimportanteng tao sakin. Ayaw kong matulad ka sa mga ex ko na special sakin na dahil sa commitments ay nawala. Masaya ako kung anung merun saten ngayon.
Sobrang seryoso ni Clark. Naramdaman kong nasaktan na siya dati na totoo lahat..
Ngayon ko lang siyang nakitang ganto..
Aaliyah: Okay Clark. Salamat at sinabi mo sakin ang reason. Masaya din naman ako kung anung merun tayo. Masayang masaya.
Clark: Darating din tayo dun.
Nagkaroon ako ng pagasa dahil sa sinabi..
Kelan kaya? Sana malapit na..
Siguro sa ngayon ganto muna kami..
...
Nagkita kami at kinuwento ko lahat ng nangyari kay Ayz. Napalo niya ko sa braso ng malakas. Nainis siya sakin kung bakit pako nakipagkaibigan uli..
Ayz: Alam mo ibili mo nalang ako ng pain reliever.
Aaliyah: Huh? Para saan? At ilan?
Ayz: Isa lang kasi ikaw lang naman nasaktan.
Natawa ko sa sinabe niya pero sa birong yun may katotohanan padin..
Sa lahat ng sinabe niya eto tumatak sakin.
"One sided love yan. Wag ka magaassume. Wag na wag kang mageexpect."

YOU ARE READING
"What She's Been Looking For"
RomanceNainlove ka na ba? Nagkacrush? Nagkagusto? o Nahulog? I'm sure OO, hindi ka naman siguro pusong bato diba? Hilig hilig mo nga kay Popoy at Basha. UmaALDUB Nation kapa. (Wag ka magalala ako din) Kaya alam mo na yung feeling na yun At alam kong naran...