One shot ( Crush kita. BYE! )
Kringgggggggggggggggggg ...
Napabangon ako sa lakas ng alarm clock ko! Ogawd! istorbo ilang oras nalang pala at new year na, bagong buhay na naman Tatangkad pa kaya ako? sana naman oo bawat taon tumatalon ako e namamag asang tatangkad pa.
Bumangon ako at pumunta agad sa cr at ginawa ko na ang daily routine ko, alam nyo na yun. Pagkatapos ko nun bumaba na ako at nakikita ko na sila mama na nagluluto para mamaya.
" Goodmorning mommy "
" Goodmorning din babygirl "
" Ih! mommy naman e 17 na ako at hindi na ako baby "
" Eh bunso kita e kaya ikaw pa din ang baby ko "
Hahaha si mommy talaga ang sweet sweet. Umupo nalang ako sa sofa kasama ang nag iisa kong poging kuya.
" Stacey, wag ka ngang tumabi sakin! " Sabi nya aba! ang aga aga ang sungit neto.
" Meron kaba kuya? " Asar ko sakanya
" Tss! " Sungit!
Lalo akong tumabi sakanya hihihi gusto ko lang syang asarin ang aga aga kasi sinusungitan ako e.
" Ano! ba wag mo nga akong isiksik dito! " Galit talaga sya
" Bakit ba kase kuya! " Naiinis na ako
" Wala ang panget mo kasi " Sabi nya sabay takbo
Ano daw? ako panget! humanda ka sakin, hinabol ko sya at paikot ikot na kami dito sa bahay, ihh! bat ba kasi ang bilis tumakbo ni kuya e nakakainis!
" Kuya! pagod na ako pwede ba! tumigil ka na! "
" Ang liit kasi ng legs mo e, talon ka mamaya ha? hahahahaha " Sabi nya habang tumatawa at akyat sa kwarto nya
Nakakainis na talaga! ih!
" I HATE YOU KUYAAAAAA! "
Napasigaw na ako sa sobrang inis kainis kainis kainis kainis kainis! Umakyat na din ako at pumasok sa kwarto ko, diretso ako sa kama at kinuha ang laptop ko mag ffb muna ako.
Pagkabukas ko ng fb, bumungad agad sa home ko ang post ni krasss!
"GUSTO KONG ICHAT SI CRUSH, BAKA ISEEN NYA LANG KASE AKO EH. "
Crush? may crush na si krasss! :( sino kaya ang napaka swerteng babaeng yun, ano ba yan mag babagong taon na ganito pa ang makikita ko ang sakit lang e!
* Bloink * Hahaha what the! ang cute ng sound effect no? Hmp! may nag message.
-
Kim ; Bessy, umamin ka na sa crush mo dali!
Ako ; Ha? bakit? ayoko nga at tsaka may crush syang iba no :(
Kim ; Malay mo ikaw yung crush nya tange neto! basahin mo kase yung post nya daliii!
Clinick ko ang profile ni krasss ko at nabasa ko ang new status nya...
" ONLINE SI CRUSH! SANA ICHAT NYA AKO :( "
Ouch! busit na kim na to lalo akong sinasaktan ng gagang to e!
-
Ako ; Hoy! kim, bakit ko sya ichachat e hindi nya naman ako crush nakakainis ka! sinasaktan mo naman ako e.
Kim ; Grabe ka naman sakin, try mo lang naman e wala namang mawawala diba? ganito lang sabihin mo oh! CRUSH KITA ganyan lang tss!
Ako ; Madali lang para sayo kasi hindi ikaw ang may crush ts! bye na
Nakakainis! ang sakit ng puso ko, makapost na nga lang
" NAHIHIYA AKO I CHAT SYA :( KASI MAY CRUSH NA SYANG IBA. "
After 30seconds. May naglike! Omy krasss ko.- maya maya
Kent Adrian Commented on your post.
Kent Adrian Commented on your post.
Kent Adrian Commented on your post.
Kyaaaaaaa! Totoo ba to? nag comment si krasss sa post ko mygawd! clinick ko na yung comment nya
" Ako din e, nahihiya ako kasi may crush na din ata syang iba "
Omy! rereplyan ko ba? ih! nakakainis, nahihiya ako bakit ba ako natutuwa e hindi naman ako yung crush nya piste! replyan ko nga.
" Haha parehas lang pala tayo "
Ouch! talaga may crush na iba yung krasss ko :( naiiyak ako tae. Hindi na sya nag comment back, clinick ko ang message para sakanya at tinype ang...
" Crush kita. BYE! "
At sabay higa ko, naiiyak talaga ako sobrang tagal ko na syang crush tapos may crush din pala syang iba, ansakit lang sa puso.
* Bloink * Hmp! may nagmessage. Kyaaaaa! Si kent nag message :)Pagka click ko nag message nya nanlaki ang mata as in parang ganito oh. O.O
-
Kent ; Really? stacey? crush moko? totoo ba? ako ba yung tinutukoy mo sa post mo kanina? god! sa wakas at napansin mo din ako :)
Teka? ano bang password ng wifi ng kapit bahay namen bat hindi ako maka connect tae! dejoke ano ba to?! gosh! nasend ko pala yung message nakakahiya! what to do? what to do? ay stacey tanga tanga tanga! :(
Kent ; Seen :(
Ay anuba! na seen ko na pala sya! kyaaaaaaaaaaaa :D Ako yung crush ni krasss! Grabe uy <3
-
Ako ; Ha? Oo.
Grabe kinakabahan ako.
Kent ; Seryoso? crush moko? crush din kita ceyy, matagal na simula pa nung firstyear tayo akala ko hindi moko mapapansin, pinasaya moko promise! nahihiya talaga ako sayo sorry kung hindi kita pinapansin sa school ha? nahihiya talaga kase ako sayo e sinasabihan na nga nila akong torpe e. Anong magagawa ko taob ako pag nasa harapan kita e. CRUSH kita stacey! Can i court you?
Speechless! kaya pala, omy omy omy! crush din ako ni kent kyaaaaaaaaaaa!
Ako ; Ah kent, sige :)
Grabe! yun lang talaga ang irereply mo stacey! ang konti ha? ang konti.
Kent tagged a post on your wall ...
SA WAKAS CRUSH DIN PALA AKO NG CRUSH KO <3 HAPPY NA TALAGA ANG NEW YEAR KO THANK YOU Ceyy :* - with stacey mendoza.
Grabe kinikilig talaga ako! :D
Nag comment nalang din ako ng ...
" Your welcome krasss! :* "
-
Start and End : 12-31-2015
HAPPY NEW YEAR :*
Ang corny no? bawi ako nextime. Pabasa na din ng dalawa kong ONE SHOT.
My umbrella BOY.
PROMISE ( One-shot sad story )
Thankyou. Mwaaaaaaa :*
BINABASA MO ANG
Crush kita. BYE! ( One-shot)
Short Story- " CRUSH KITA BYE! :D " Ay shocks! nasend ko -.- HAPPY NEW YEAR.