Inihanda ko
ang aking sarili
sa pag-alis
patungo sa ibang bansa
Doon na ako
magtatrabaho
upang mamuhay
ng panibago
Nang bumaba ako
mula sa aking kuwarto
nakita ko siya
sa sala
Nag-aabang
Naghihintay
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Sinabi namin
sa mga magulang niya
na aalis ka."
Kunot-noong
napatingin ako
sa nagsalitang si Mama
Itatanong ko na sana
kung ano
ang ibig niyang sabihin
nang may nagsalita
At dito ako napabaling
"Kinausap namin
ang mga magulang mo,"
wika ng kanyang ina.
"Patawarin mo sana
ang aming anak,"
anang kanyang ama.
"Nais namin siyang
maging masaya.
At batid namin,
sa iyong piling
lamang siya liligaya."
"Mabuti pa siguro,
iwan muna namin kayo,"
mungkahi ni Papa.
"Huwag ka nang umalis.
Please,"
pakiusap niya
nang kaming dalawa
na lamang ang natira
sa sala.
"Bakit ako
makikinig sa iyo?
Sino ka ba
para pigilan ako?"
"Dahil alam ko,
mahal mo pa rin ako.
Ako ito,
ang babaeng nagmamahal
pa rin sa iyo."
"Nagkakamali ka.
Hindi na kita
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoetryIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].