Luminga-linga ako
Nagbabakasakaling
nariyan siya
sa paligid
Nagbabakasakaling
sumunod siya
sa akin
Umikot-ikot ako
Tumingin-tingin
Sa mga taong
pumaparoo't parito
Sa mga taong
pumapasok at lumalabas
sa paliparan
Sa mga taong
umaalis at dumadating
sa Pilipinas
Subalit
hindi ko siya
mahanap
Hindi siya makita
ng aking mga mata
Siguro nga'y
hindi siya sumunod
Bakit
ba ako umaasa?
Hindi ba't
nakalimutan ko na siya?
Subalit
isip ko lang pala
ang nagsabi niyon
Ang totoo
ang puso ko
ay nagsasabing
huwag akong umalis
Ang puso ko
ay nagsasabing
huwag siyang iwan
Inabangan ko siya
Nagbabakasakaling
dumating siya
Nagbabakasakaling
maisip niya
na iniisip ko siya
Nagbabakasakaling
maisip niya
na nagsisinungaling
ang aking bibig
Nagbabakasakaling
maramdaman niya
ang tunay na pinipintig
ng puso kong
siya lang ang iniibig
Hanggang sa
tinawag na
ang mga pasahero
na sasakay sa eroplano
na sasakyan ko
Tumingin-tingin ako
sa paligid
sa huling pagkakataon
Wala siya
Hindi dininig ng langit
ang hiling kong
sumunod siya
Humakbang ako
patungo
sa eroplano
dala ang bagahe
ng pagsisisi
dahil hindi ko
pinakinggan
ang nais niyang
makipagbalikan
"Raffy!"
Napahinto ako
nang mayamaya
ay aking marinig
ang tinig
ni Rose Marie
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoetryIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].