I took my coffee and went out from that shop. Naglakad-lakad ako habang dinadama ang hangin at nag-oobserba sa paligid. It feels great to take a walk where no one will take pictures of you and none will come near you, squealing and begging for your autograph.
I love my fans. Really. I wouldn't be here if it weren't for my supportive fans. I guess ABS-CBN did a great job pairing me with DJ. Hindi naman maikakailang patok na patok talaga ang loveteam namin.
KathNiel.
It sounds pretty. As what fans say, KathNiel wouldn't be KathNiel without Kath or DJ. Dapat palaging magkatabi. Dapat palaging partners. Dapat hindi mawala 'yong isa sa amin. And I guess boto rin sa amin ang tadhana. Isama na rin si Kupido. Pareho kaming pinana ni DJ and we both fell in love with each other.
Kung iisipin, everything goes out well. 'Yong gusto ng mga tao para sa isa't isa, gusto rin talaga nila ang isa't isa. But we just can't easily admit it to the public. There's one problem. We have different religions. Different beliefs. Different churches. But we do share the same feelings.
I sighed. I don't really know when will we end this. I mean, when will we stop acting that we're not in a relationship. That we don't just have that mutual understanding. We're more than friends. We're dating. DJ's my boyfriend.
I gave out another sigh. I'm here to have a vacation and not to stress myself. I should stop overthinking.
Naglakad-lakad lang ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaninang umaga kasi while having breakfast, napag-isip-isip kong I need to do things by myself. At kung susundin ko 'yong mga plinano namin ni Mama, parang ang boring. I want the thrill and excitement. Kaya I decided to take the other road.
Hindi ko sinunod kung saan dapat ako pupunta ngayon. Basta lakad lang ako nang lakad. I'm with my phone and money naman kaya there wouldn't be a problem.
Nakarating ako sa isang street na kakaunti lang 'yong tao. I guess I'm away from the busy streets of San Francisco. 'Yong iba dito ay halatang mga turista din. 'Yong iba nga eh nagkukumpulan pa at may kasamang tour guide.
Napangiti ako. Mabuti nalang at hindi ako kasama sa isa sa mga taong nando'n. Ang boring kaya no'n. It's better to discover things all by yourself. Hindi 'yong may ibang magpapaalam sayo tungkol sa mga nakikita o napupuntahan mo. Tsaka mahirap din 'yon kasi marami kayo. Hindi ka pwedeng mawala o gumala. Baka maiwan ka nila.
Nakarating ako sa isang lugar na may mataas na building. Tiningala ko ito.
"Ang ganda. Ang taas," I smiled and continued walking.
"Give it back to me or else—!"
Natigilan ako nang may marinig akong malalim na boses na sumisigaw. Nakakatakot. Nakakakilabot. It even frightens me to turn around to see him. Pero ewan ko. Ginawa ko pa rin. Umikot ako at nakita ko na hindi lang siya nag-iisa. Maraming lalaki na malalaki ang katawan. 'Yong may pinakamalaking katawan sa kanila ay may hawak na isang lalaki sa leeg nito. Mukhang nahihirapan na ito pero nagawa niya pa ring tumingin sa akin. Actually, lahat sila nakatingin sa akin.
Unti-unting lumingon sa likod niya ang mukhang leader nila. At 'yong tingin na 'yon...alam kong dapat na akong tumakbo. Nang makita kong naka-isang hakbang na 'yong isa sa kanila, do'n na 'ko kinabahan at kumaripas ng takbo.
Nagpapasalamat talaga ako at kaya kong itakbo 'yong sarili ko ngayon. At nagpapasalamat rin ako na hindi mabigat ang bag na dala ko. Wallet, cellphone, at mapa lang ang dala ko. Of course I brought a map. Para in case of emergencies, may magagamit ako kahit pa ma-low batt. 'yong cellphone ko.
YOU ARE READING
San Francisco
FanfictionMemories from her last month's vacation haunts Kathryn. As she continue her work in the Philippines, she tries to forget everything that happened in San Francisco. But unexpectedly, she and the guy she met in California is seeing each other more oft...