Gorgeous Mr.Noodles

9 1 0
                                    

Gorgeous Mr.Noodles
by: HanLijinWan
(A one-shot story)

A/N: Pampalipas oras lang po to.
Boring samin eh, so don't expect it to be that good. And besides it's just a one shot story. But I do hope you'll still enjoy it. :) Okay?

PROLOGUE:
Lumaki ako sa magulong pamilya.
Nag iisang anak na nga lang ako, ni hindi ko pa rin makuha ang kaligayahang matagal ko nang hinahangad.

Oo, mayaman kami.
Lahat ng materyal na bagay na gustuhin ko nakukuha ko.
Ngunit yung pagmamahal ng mga magulang ko, ni hindi ko naramdaman.
At ngayon, mukhang ang pagmamahal din nila sa isa't-isa mukhang nawawala na din.
Palagi nalang silang nag aaway.
Gabi-gabi, nagbabangayan.
Araw-araw nagsisigiwan.
Ni minsan hindi nila ako tinanong kung okay pa ba ko.
Kung okay pa ba ko kahit naiipit na din ako sa alitan nilang dalawa.
Nauubos lahat ng kanilang oras sa pag aaway.
Pero kahit ganun, ni minsan hindi ako nagreklamo sa harap nila.
Pero sa tuwing naririnig ko ang sigawan nila gabi gabi, umiiyak nalang ako. Hinahayaan ko nalang yung mag luha ko na tumulo sa unan ko.
Pero noon yun. Nung 3rd year highschool pa ako.
At ngayon, 4th year na'ko.
Oo ganun pa rin sila.
Pero hinahayaan ko nalang sila, dahil narealize ko na nakakapagod din palang umiyak.
Bahala na silang mag away dyan. Hindi ko sila pipigilan.

"Bakit ngayon ka lang ha?! San ka galing?! Siguro nambabae ka ano?? Ano? Sagutin mo ko."
sigaw ni Mama kay Papa na bagong dating pa lang galing sa trabaho.

Trabaho nga ba?? Ewan.

"Ano?? Pang ilang beses ko na ba yang sinagot?! Sabing wala! Ano ba, Palagi nalang bang ganito ha? Kada uuwi ako sa trabaho yang tanong na yan ang bubungad sakin?!! Eh bwisit pala eh!!" sigaw din ni Papa pabalik.
"Eh ba't ka nagagalit?? Siguro totoo noh?!!"
" Eh ba't di magagalit eh nakakagago eh!! nakakabwisit! Sabing WALA! WALA!"

Di ko na pinakinggan ang sagot ni Mama kay Papa. Tuluyan na kong lumabas ng bahay at pumunta sa pinalamalapit na convenient store sa bahay para bumili ng cupnoodles.
Gawain ko na to sa tuwing nag aaway sila Mama't Papa, lalabas ako ng bahay para pumunta dito at bumili ng cup noodles.
Yun lang kasi ang naging karamay ko sa panahong malungkot ako. Hhaha pati cupnoodles ginawanang tao. Haha baliw na'ko.

Pumunta ako sa left side ng convenient store dahil dun naka display ang mga cupnoodles na paborito ko.
Habang patungo ako, nakita kong nag iisa na lang pala ang noodles na nandun.
Binagalan ko nalang ang lakad ko dahil sigurado naman akong sakin yun mapupunta.
Pero parang gumuho ang mundo ko nang may kamay naglakbay patungo sa pinakamamahal ko at kinuha ito, na ikina alarma ko.
Tumakbo ako patungo sa side na yun para i-rescue ang noodles ko sa kamay ng kriminal.
"Hoooy!! Tekaa!! Akin yan ehh."
Sinubukan kong hablutin yung noodles sa kamay nya pero maagap ito, itinaas nya ang kamay nya para di ko ito maabot.
Lecheng lalaki to'! Gutom na ko!
"Says who??" sabay smirk.
"Says who ka dyan?! Di ba halatang ako?? Ehh kasasabi ko lang ganina eh! Amnesic lang?!"

Bwesit na lalaki to'! Nakakaimbyerna! Gutom na nga akoooo!
Di nya ko sinagot, instead tinago nya yung noodles sa likod nya.
"Akin na nga yan'! Ano baa!"
sinubukan kong kunin ulit yung noodles sa kanya pero wala pa din.
"Eh ano ka din?! Di mo ba kitang ako yung unang nakakakuha?? Eh bulag lang, ganun?"
Peste. Ba't ba kasi ang bagal ko kanina. Aish.
"Oo ikaw nga yung nakakuha, ano naman yung unang nakakita. So ako talaga una kaya akin na yan."
"Ayaw ko nga. Ano ka sinuswerte??" sinipa ko sya sa tuhod kaya napabitaw sya sa noodles at nahulog ito kaya naman dali dali ko tong kinuha at tumakbo patungo sa counter.
Tapos ko nang bayaran yun nang makita ko syang naglalakad patungo sakin habang nakahawak sa tuhod nya.
Napalakas nga yata yung sipa ko.
Eh wala eh, may lahing horsie horsie.
"Hoy ikaw! kriminal ka! Akin yan eh'! Aghhh." nakahawak pa din sya sa tuhod nya habang naglalakad patungo sakin.
Pero dahil dakilang pasaway ako, kinuha ko agad yung noodles at tumakbo palabas bg convenient store. Nabayaran na din naman to. Kaya ayun, umuwi nalang ako at kinain yun sa kwarto ko.

Gorgeous Mr.NoodlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon