"Manang, Nerd, Loser" yan ang tawag nila sa isang katulad ko. T-shirt, Jeans, Rubber Shoes yan ang kalimitan na suot suot ko. Hindi naman kasi ako marunong pumorma. Hindi ako maalam mag ayos lagi lang akong nakapony. Pero wala akong pake eh anu naman eh di ako komportable e.
Wala akong pake kahit na inaaway nila ako o binubully physical man o mental. Di ko sila nilalabanan kasi alam kong mali un. At alam ko namang wala akong ginagawa sakanila.
Palagi lang akong mag isa kumain o kahit san man ako pupunta. Lagi lang din akong nasa library para mag aral at mamaintain ang grades pangarap ko kasing maging Valedictorian.
Pero isang araw ang tahimik kong buhay naiba. Un ay dahil sa isang lalaki. Sa isang heart throb sa school si Robert James Reid o "James". Simula ng lumapit lapit siya sa kin madami na lalong nang away sakin. Physical pati na rin sa social media pero hindi ko sila inintindi. Niligawan ako ni James umabot to ng 7 months. Hindi ko siya sinasagot kahit may feelings na ako sakanya. Dahil natatakot ako na baka niloloko lang niya ako. Sino ba ang maniniwala na ang isang nerd na tulad ko liligawan ng isang heart throb na katulad ni James.
Sinabi ko sakanya lahat ng what ifs ko. Pero ang sabi niya "Proprotektahan niya ako dahil mahal niya ako" nung araw ng Birthday ko. Halloween un nag propose ulet siya ng "Will You Be My Girlfriend" at dahil may tiwala ako sakanya sinagot ko siya.
Simula nung sinagot ko siya walang araw na hindi niya ako sinusundo, hinahatid, binibigyan ng chocolates at tinetext ng I Love you at Good Night. Sobra naman ang saya at kilig ko dahil nakakaranas ako ng ganito.
Pag may nang aaway sakin pinagtatanggol niya ako. At dahil dun panatag na ang loob ko sakanya.
Ilang buwan din ang nakalipas at dalwang linggo nalang Gragraduate na kami ng highschool. Labis ang tuwa at saya ko ng malaman kong valedictorian ako. Ng malaman ko un agad akong pumunta sa condo ni James pero nag kamali ako.
Madaming sana, at Madami ding tanong na gumulo sa utak ko.
Sana di nalang ako pumunta, Sana tinext ko nalang, Sana tumawag nalang ako at Sana di ko nalang siya sinagot.
Bakit niya ako niloko? Minahal ba niya talaga ako o Gaguhan lang talaga.
Pagkatapos ng araw na un ginagawa pa rin niya lahat sakin. Pero ni katiting wala na akong nararamdaman na kilig.
Galing niya umarte siguro mag aartista siya at pinag prapractice-an niya ako. Galing panigurado magiging best actor siya.
Dumating ang araw ng graduation namin. Labis ang tuwa ko. Kahit ang kasama ko lang ay ang mga kapatid ko. Dahil Ofw ang magulang namin.
Pagkatapos ng Ceremony ng Graduation namin. Pinapunta ko si James sa lugar kung saan ko siya sinagot.
"Congrats Nadine My love" Yan agad ang bungad niya. Pero tango lang ang sagot ko sakanya. Tinanong niya ako kung anu problema ko pero sabi ko wala.
"Ayoko na" sabi ko sakanya. Sa una tinanong pa niya ako ng "huh" pero sabi ko "tigilan mo na ang kalokohan mo nakita ko lahat. Lahat lahat. Kaya pwede ba. Alam ko namang niloloko mo lang ako bakit dahil ba sa itsura ko? Dahil hindi ako maganda? Siguro tama nga sila Ambisyosa nga ako." Sagot mo naman "Hindi Nadine mahal kita maniwala ka. Mali ang nakita mo" "ayaw ko ng maging tanga" sagot ko at lumayo.
Simula nung araw na yun nag bago na ako. Ang dating manang tingnan naging isang chick. Naging fashionista na ako, Matapang, hindi nagapapa api at higit sa lahat may poise. Marami ding nakikipag kaibigan sakin pero isa lang ang sigurado kong kaibigan para sakin si Yassi. Dahil alam ko naman ung iba ginagamit lang ako dahil sikat ako. Ilang taon din ang nakalipas. Marami ang nanliligaw sakin at dahil dun nakalimutan ko na ng tuluyan si James.
Di ko alam kung may galit ba sakin si Tadhana o sadyang nagkataon lang. Ng imbitahan ako ni Yassi sa Party ng mommy niya its not the first time pero first time na pupunta ako kasi nagkakataon na laging di ako pwede but this time pwede na.
Ng makarating ako sa party. Agad akong pinakilala ni Yassi sa pamilya niya at ang di ko inaasahan.
Half brother niya pala si James. Sa pagkakataon na un parang bumalik lahat ng sakit. Pero di ko to ininda. Nagpanggap lang ako sakanya na wala lang. Like strangers. Pero pilit niya akong kinausap.
"Nadine." Sabi mo "yes?" Sagot ko
"Kamusta na?" Tanong niya sakin na parang old friend lang. Pero di kita pinansin.
"Nadine mahal pa rin kita" sabi mo
"Mahal? That's Bullshit!!" Galit na sigaw ko "Anu nanaman plano mo ha?! Ung araw na nakita kitang may kayakap na babae sa condo mo maeexplain mo ba un ha? Tss!" Dagdag ko. Pero ngumisi siya. Sabi mo "babae? Ang natatandaan ko lang naman na babae na pumupunta sa condo ko eh si Ate Jasmine." Sabi mo at nagpakita ka ng pic. Siya siya ung babae na kayakap mo! Sabi ko sa isip ko. "Ate?" Tanong ko "oo pinsan ko. Pinsan namin ni Yassi" OhmyGosh nakakahiya pinsan lang niya un? Pero pinagisipan ko sila at nauwi pa sa lahat ng pagkakamali. "So naniniwala ka na? Di kita niloko Nadine mahal kita. Mahal na mahal.." Tumango ako "sorry" sagot ko. "Wala kang dapat ipagpaumanhin. Wala kang kasalanan naiintindihan kita Nadine. Pero sana magsimula ulet tayo. Para maging para tayo sa isa't isa." Marahan akong tumango. "Magsisimula ulet tayo" Sagot ko..Ngayon napatunayan ko na may nagmamahal talaga sakin kahit nerd lang ako.
-The End-