(One Shot)

101 5 5
                                    

"mikaela!" napalingon ako ng tawagin akong boybestfriend kong si janno. Super duper close kami nyan kasi simula bata bestfriend na kami.

"anong problema mo janno?" tanong ko sa kanya hingal na hingal eto dahil tumakbo sya papunta sakin.

"sabay na tayo mag lunch" sabi nya habang hinihingal . hays.

"sige tara na" sabi ko at pumunta na kami ng cafeteria .

Pag pasok namin humanap agad kami ng table . agad naman kaming nakakita dahil konti lang naman ang tao dito sa cafeteria madalas kasi nasa canteen ang mga students.

"ako na oorder mik" sabi ni janno at umalis na papuntang counter. mik minsan tawag nya sakin for short ng mikaela at jan naman minsan tawag ko sa kanya short ng janno.

2nd yr. Highschool na nga pala kami . since elem parehas na kami ng school ni janno dahil mag bestfriend ang parents namin.

"uyy tama na ang pag de daydream , kain na tayo " sabi ni janno na bigla bigla nalang sumusulpot . nilapag nya naman ang pagkain na inorder nya at nag umpisa na kami kumain.

" mik. Pano pag nalaman mo na mahal kita? " tanong ni janno sakin.

"huh? e mahal mo naman talaga ako diba ? bestfriend moko e" sabi ko sa kanya at sumubo ng kinakain ko.

"hindi!, as in mahal kita more than bestfriends" bigla naman namula ang pisnge ko . Oo aaminin ko mahal ko si janno more than bestfriend pero hindi ko to inaasahan.

"aish. Kalimutan mo na yung sinabi ko sayo " sabi nya at pinagpatuloy ang kanyang pagkain.

***

tatlong araw makalipas simula nung kumain kami sa cafeteria ni janno . at tatlong araw narin akong hindi makatulog .

"MAHAL AKO NG BESTFRIEND KO?"
hindi mawala sa isip ko yung pinag usapan namin. Kaya lagi nalang malaki eyebag ko >_< err. aish .

papasok nako sa school ng makasalubong ko si monica ang isa sa girlbestfriend ko.

"mikaela! imissyou" sabi nya sabay yakap sakin . Nawala kasi eto ng isang buwan pumunta ng singapore dahil trip nya lang oh dba yaman?

" i miss youtoo :* pasalubong ko?" sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"nasa bahay pa . kunin mo nalang or ipakuha mo" sabi nya ng nakangiti tsk. Rk talaga to.

"oyy babae my sinasabi sakin si janno!" sabi nya na habang kinikilig
bgla naman akong kinabahan . Hindi ko alam kung bakit.

"anong sinabi?" tanong ko sa kanya Na nagtataka.

"kahapon kasi tumawag ako sa kanya para mangamusta at sabihing uuwi nako at tinanong ko kung kamusta ka. Alam mo kung anong sagot? " pabitin na sabi ni monica . Aish.

"ano? pabitin naman to. " naiiritang sabi ko.

"sabi nya "Si mikaela? ayon mahal na mahal ko na " yung ung sinabi nya sakin grabeee kakeleg" sabi nya na kulang nalang maglumpasAy andito kami ngayon sa hallway naglalakad papuntang room sa 3rd floor -_- .

Pero wyt? "MAHAL DAW AKO NI BESTFRIEND? " sabi ko sa isip ko.

"uyyy natameme ka jan! kilig ka no! hihihi" sabi nya habang tinutusok tusok ng daliri nya ang tagiliran ko. aish.

"che tumigil ka nga! " sabi ko at inunahan sya sa paglalakad.

Paakyat nako ng secondfloor ng my bglang nag bigay sakin ng red rose

"flower for you" sabi nubg lalaki , tinanggap ko naman dahil umalis na agad sya. maya maya lang sunod sunod na . na students ang nagbibigay sakin ng rose. anong meron?

"And the last! " si monica binigyan ako ng rose kaya pala hindi sya sumunod sakin kanina. Pag kabigay nya niyakap nya ako at sinabing .

"mik mahal na mahal ka ng betfriend mo" sabi nya at umalis na. Ng nakangiti huh? MAHAL DAW AKO NI BESTFRIEND? aish. papasok na sana ako kaso napansin ko nasa rooftop na pala ako . Hindi ko napansin dahil sa mga nagbibigay ng rose sakin kanina.

Nagulat ako ng makita ko si janno na papalapit sakin , ngayon ko lang napansin na maraming lobo na nakapaligid sa rooftop my mga nakadikit pang picture namin ni janno my banner din sa likod ni janno na nakalagay

"MAHAL NA MAHAL KITA MIKAELA"
habang papalapit sya sakin naiiyak ako myghad ang effort nya.

"Mikaela eunice Tuazon mahal na mahal kita higit pa sa pagkakaibigan " sabi sakin ni janno ng makalapit sya sakin agad ko naman syang niyakap at sinabing.

"Mahal na mahal din kita Janno louie Marquez higit pa sa kaibigan" pagkasabi ko nun tuluyan nakong naiyak habang yakap yakap sya .

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko. Di ko aakalain.

MAHAL NA MAHAL AKO NI BESTFRIEND ^_^

Akalain mo yun? heaven~

"MAHAL DAW AKO NI BESTFRIEND"

~END~

Authors Note:
Hello guys! alam ko maaaring hindi nyo nagustuhan yung one shot story pero ok lang ^_^ 1st time ko po kasi gumawa ng story kaya medyo lame at jeje HAHAHA thank you nalang po sa pag babasa! kung hindi nyo nagustuhan ok lang , pero kung maganda naman para sa iba thank you! hindi po ako nag eexpect ng magagandahan kayo kasi kahit ako hindi nagagandahan soooo yun lang! thank you :*

×patricederiada×

MAHAL daw AKO ni BESTFRIEND (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon