AJ's POV
*knock knock knock* Nagising ako dahil dun sa malaks na pagkatok. Ano bang problema nun balak niya rin atang gisingin yung kapit bahay eh.
"Hoy! Tanghali na bumangon kana." pagkasabi niya nun tinakpan ko ng unan yung muka ko.
"Ano ba!? Kung hindi ka babangon diyan hihilahin kita." after mga 5 seconds bigla niyang hinila yung paa ko, ako naman napakapit ng mahigpit sa kama.
"Hoy! Ano ba sa tingin mo yang ginagawa mo. Bitiwan mo nga ako."
"Bumangon kana sabi eh. Anong oras na noh, alam mo bang 11:00am na." tapos pilit niya pa rin akong hinihila.
"Ayoko pa nga eh. Inaantok pako. Alis na, bitiw na." tapos sa pagpupumiglas ko nasipa ko siya sa mukha.
*blag
Hala! Lagot napalakas ata yung sipa ko. >_<
"O-okay ka lang ba? May masakit ba?" hindi siya sumagot.
"Hoy, ano ba? Sumagot ka naman."
"Ikaw ah sumusobra kana. Ikaw na nga tong pinagmamalasakitan ikaw patong nananakit. Ano bang problema mo? Tch! Makaalis na nga." tapos yun umalis nga siya, binalibag niya pa yung pinto.
"LETCHE! Ikaw tong bigla biglang nanghihila ng paa tapos magagalit ka. Buti nga sayo!" then nag-belat pako kahit di niya nakita.
Kainis yung taong yun, akala mo kung sino. Hay naku kung di lang siya yung nagbabayad ng renta namin pati sumasagot ng pagkain baka matagal ko na siyang binugbog. Kulang pa nga yung sipa na yun sa kayabangan niya eh. Hmp!
Pagkatapos ng bangayan namin, di nako dinapuan ng antok kaya naman naligo nako. Pagtingin ko sa oras 12:13pm na. Dipa ako nakakakain nagwawala na yung mga alaga ko sa tiyan. Bumaba ako at buti naman wala siya, asan kaya yun? Ahaha bakit ko ba siya hinahanap eh mas maganda ngang wala siya dito eh.
Nakita ko namang may pagkain sa mesa. Sa totoo lang sa halos magda-dalawang buwan ko siyang nakasama okay naman siya eh. Marunong magluto at maglinis yun nga lang ayoko siyang kausapin dahil masyadong mayabang unting pagkakamali nga lang halos kulang na lang magpamisa sa sobrang haba ng sermon daig pa ang pari.
*bzzzt *bzzzt
1 message received
fr: Vince
"AJ!! Punta kang bahay, miss ka na daw ni manang lisa. :)"
Hmm... matagal-tagal na rin akong di nakakapunta kela vince. Miss ko na rin si manang lisa. Mabait kasi yun eh, pag andun ako laging feeling ko at home ako kasi andun siya tinuturing niya akong parang anak. Basta mabait siya. :)
Pagkakain ko nagpalit nako ng damit tapos pumunta nako kela Vince.
---
Pagdating ko sa may gate nila sinalubong ako nung isa nilang maid.
"Miss AJ, kanina pa po kayo inaantay nila Seniroito."
"Ganun ba. Asan ba sila?"
"Nasa may garden po. Halina po kayo ihahatid ko na po kayo."
^Garden^
"AJ!!! Andito kana!" sabay kapit este yakap sakin ni Vince, tinulak ko naman siya agad at lumapit ako kay manang lisa.
"Kamusta po? Namiss ko po kayo."
"Namiss rin kita hija. Halika nga rito." Lumapit ako at niyakap siya. Hays... nakakmiss yung ganitong feeling.
"Anlaki-laki mo na, bakit hindi kana nakakabisita?"
"Medyo busy po kasi sa school. Nagfinals na po kasi kami. Pero wag po kayong mag-alala bibisita na po ako pag may oras para naman di ko na rin po kayo masyadong mamiss."
"Bakit naman ako di mo namimiss?" nakabusangot na tanong ni Vince.
"Sawang sawa nako sa muka mo noh." tumawa naman si manang lisa samin.
Ilang oras kaming nag-stay dun sa garden, kung anu-anong pag-aasaran ang ginawa namin ni Vince tapos si manang lisa naman natatawa lang samin. Namiss ko yung ganito. Yung pag nasa bahay kami ni Vince tapos nag-aasaran tapos magtatalo kami at sabay na magsusumbong kay manang lisa.
"Kayo talagang dalawa hindi pa rin kayo nagbabago, ang kukulit niyo pa rin. Tara na sa loob at kumain na tayo."
"Bilisan mo AJ, nagpahanda ako ng paborito mo."
"Anong paborito ko?" sabi ko habang naglalakad kami papuntang kusina.
"TA-DAH! Strawberry Shortcake with Chocolate chip toppings."
"* O * wow vince. Mukang masarap pwede naba akong kumain ha? ha? Pwede naba?"
"Ano pa bang hinihintay natin? Kumain na tayo."
"WAH!! Sobrang sarap. Ansarap sarap. * Q *"
"AJ ang ingay mo. Hinay lang rin sa pagkain baka bumigay na yang upuan."
"Ewan ko sayo, kumain kana lang diyan. Mmm... sarap talaga."
Pagkatapos naming kumain nung favorite kong cake nanuod lang kami saglit ng TV tapos nagdecide na rin akong umuwi. 7:09pm na kasi eh.
"Sige po manang lisa uwi na po ako."
"Osige, mag-iingat ka ah." tapos niyakap niya ako.
"Sige vince una nako."
"Dika magpapahatid?"
"Wag na. Kaya ko na sarili ko."
"Sure? Baka may rapist diyan."
"Oo sure na sure at kung may rapist man alam ko namang mas mauuna kapa saking tumakbo ahaha. Geh bye." tapos naglakad nako pauwi.
Hmm... nasa bahay na kaya yung Collin na yun? Hayss... medyo naguguilty na kasi ako sa ginawa ko eh.
Pagdating ko ng bahay, wala pa ring tao. Ano ba naman yan. Paano ako magsosorry kung wala siya dito. ~_~ malas naman oh. 7:30pm na at wala pa rin siya. Alam ko na, ako na lang muna ang magluluto ngayong gabi para naman makabawi ako sa kanya. Kinuha ko yung cook book sa may shelve at pumili ng madaling dish... Anak naman ng tipaklong oh puro mahirap eh pero tinry ko pa rin.
*Luto dito
*Basag doon
*Talsik dito
*Paso doon
Nagmukang impyerno yung kusina dahil saakin. T^T Pero kahit na ganun na yung nangyari yung niluto ko parang dinukot sa ilalim ng lupa. Diko alam kung ano ba yung niluto ko halos diko na masabi kung ano ba yung mga ingridients. Wala no choice, nilagay ko na lang sa mesa yung niluto ko at tinakpan. Bahala na kung ayaw niya magluto na lang siya ng pagkain niya. Nilagay ko na lang rin yung inuwi kong cake sa mesa para meron man lang siyang makain.
8:52pm na naglinis nako ng katawan at nagbihis ng pantulog. Maaga pako bukas kukunin ko pa yung results ng final exam ko.
*bzzzt *bzzzt
1 message received
fr: Vince
"Good Night AJ! Dalaw ka ulit ah. Kain ulit tayo. :) Nanayt."
Syempre nagreply naman ako.
"Good night din. Salamat sa pag-imbita saakin kanina enjoy talaga. Next time ako naman magdadala ng paborito mo. Sige kita na lang bukas."
Message send
END OF CHAPTER VI