Chapter 10

5.9K 176 0
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 10...

Nilapitan ni Dinya Zenaida ang anak na lumuluha, mataman niyang pinagmasdan si Czarinna na patuloy ang pagdaloy ng luha nito habang nakatingin sa anak na himihikbi parin.

"Dumating na Czarinna ang sandaling sinasabi namin sa iyo ng daddy mo noon. Narinig mo naman siguro ang lahat ng mga sinabi niya?" nangingilid ang luhang tanong ni Donya Zenaida kay Czarinna at tumango lang si Czarinna at maya maya ay humagulgol na ito......."She asked a lot of things but I can't answer anyone of it, siguro ikaw ay masasagot mo ang mga tanong niya?"

"Mommy, I-I'm not ready for this!" pabulong na sagot ni Czarinna habang nananatiling nakatingin sa kanyang anak.

"Dapat na pinaghandaan mo ang lahat ng posibleng mangyari bago ka gumawa ng isang desisyon! Now look at her, hindi ka ba naaawa sa anak mo?" patuyang tanong ni Donya Zenaida kay Czarinna.

"Mommy, ano ang gagawin ko, Ayaw kong magtampo ang anak ko sa akin? I loved her so much at parang pinipiga ang puso ko sa mga narinig ko sa kanya". ani Czarinna sa kanyang ina at yumakap ito.

"Gawin mo ang alam mong tama na makakapagpalubag ng loob niya. Wag mong itanim sa murang isipan niya ang galit dahil baka magrebelde iyan". may pag aalalang turan ni Donya Zenaida.

"I don't want that to be happen,mommy." agad na sagot ni Czarinna saka dahan dahang nilapitan ang luhaang anak na nakamata sa kanya.

"Mommy!" ani Baby Elizabeth sa papalapit na si Czarinna.

"Anak, I love you so much! Mahal na mahal ka ni mommy, I'm so sorry for everything" humihikbing saad ni Czarinna saka niyakap ng mahigpit ang anak nito.

"I love you too mommy!" tugon ni Elizabeth na gumanti ng yakap sa kanyang ina.

"We will go to Philippines but we will stay there for two weeks only, okay?" mahinahong wika ni Czarinna kay Baby Elizabeth.

"Yes mommy and thank you!" agad na sagot nito sa kanyang mommy at saka pinaghahalikan niya ang pisngi ni Czarinna.

"Always be good girl, anak. Wag na wag kang makulit sa grandpa mo para gumalung siya agad"

"Yes mommy, I'll always be good girl and I will take care my grandpa" si singhot singhot na sagot ni Baby Elizabeth at napangiti si Czarinna kahit na naglalandas parin ang luha nito sa kanyang pisngi.  

"Kaya tumahan kana apo ko dahil uuwi na tayo doon sa bahay natin sa Pilipinas" agaw atensiyon naman ni Donya Zenaida sa kanyang apo.

"I'm so happy mommy, grandma. When we go to Philippines? I can't wait to see my grandpa!" noon ay sumilay ang masayang ngiti sa labi ni Baby Elizabeth.

"I have to fix some matters first sa school mo at sa work ko para hindi ako magka problema pagbalik natin" sagot ni Czarinna sa anak nito.

"Yeheeeyyy!....I'm so excited to go Philippines!" nagtatalon sa saya sa ibabaw ng kama si Elizabeth at kitang kita sa mga mata nito ang kislap ng kasiyahan.

Agad na inasikaso ni Czarinna ang vacation leave niya sa trabaho at nagpaalam din siya sa school ni Elizabeth na uuwi sila para dalawin ang kanyang daddy na maysakit. Agad na nakapag pa booked naman ng tickets nila si Czarinna.

Sa araw ng pag uwi nila sa Pilipinas ay halos hindi na mapakali si Elizabeth sa sobrang excited nito. Hindi siya makatiis na hindi tanawin ang mga eroplanong natatanaw niya mula sa loob ng boarding area kung saan nila hinihintay ang eroplanong kanilang sasakyan.

"Mommy, who will go na fetch us from the airport in the Philippines?" tanong ni Elizabeth sa kanyang mommy.

"Ang mommy ninang mo and the driver because your grandpa is just released from the hospital and he need to take a rest" paliwanag ni Czarinna sa anak nito.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon