Ito na Ang Huli

79 0 0
                                    

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Masyado na ata akong nasanay na nandyan ka. Na nandyan ka lang. Nandyan ka para samahan ako kapag may bibilhin ako sa mall. Nandyan ka kapag napakasama ng araw ko at sabay nating minumura ang mga paimportanteng mga prof. na nagpapahirap sa buhay nating dalawa. Na ikaw ang unang tinatawagan ko kapag may magandang nangyari sakin at ikaw din ang iniiyakan ko kapag masyado nang mabilis at magulo ang mundong ginagalawan ko.

Ganun ba ako kahirap mahalin para mapagod ka?

Bakit ako?

Hindi pa rin napapagod ang puso ko kahit na sinabi mong ayaw mo na.

Kahit sinabi mong di mo na kaya.

Naalala ko nung una mong sinabi saking "mahal kita"

Naglalakad tayo pauwi nun. Mabagal. Na para bang nasa atin ang lahat ng oras sa mundo.

Nagkakadikit ang mga kamay nating dalawa. Hindi ako makatingin sayo. Tumitingin ako kahit saan bukod sayo. Bigla mong hinawakan ang kamay ko at tumigil sa paglalakad. Nagtaka ako dahil sa kasiguraduhan na nakita ko sa mga mata mo.

"Diane." tawag mo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang seryoso ng mukha mo nun. Sobrang seryoso na gusto kong matawa at asarin ka. Na para bang nasa gitna ka ng pagsosolve ng isang calculus exam.

"Oh bat ang seryoso ng mukha mo? Para kang natatae dyan eh." biro ko.

Hindi ka sumagot. Mahabang katahimikan ang bumalot satin. Nakatingin ka lang sakin, na para bang may gusto kang sabihin pero di mo masabi.

"Mahal kita."

Natahimik ako. Shit.

"Joke ba to?" yun ang una kong nasagot sayo.

"Hindi. Seryoso ako. Seryoso ako sayo. Siguro hindi ito ang tamang lugar at tamang panahon pero alam mo yung wala kang ginagawa pero bigla ka na lang magkakaroon ng realization. Isa to sa mga yun. Ang iniisip ko lang naman nung una ay kung paanong napakakomportable maglakad kasama mo. Alam mo yung sinagot ng utak ko? Bigla na lang pumasok sa isip ko na masarap talaga kapag kasama mo ang mahal mo, kahit ano pang ginagawa nyo. Kahit siguro nagpapakain tayo ng mga baka o kaya nag-aaral para sa isang madugong exam, magiging okay pa rin ako at nasa mukha ko pa rin ang napakalaking ngiti na to. Na kinakatakot ko at baka ikapunit ng mukha ko."

Napaiyak ako.

"Nakakainis ka naman eh." sagot ko. "Nakakainis ka. Nakakainis ka kasi mahal din kita."

Yung malaki mong ngiti mas lumaki pa nung niyakap mo ako.

"Hallelujah" naibulalas mo.

"Kala ko mababasted mo ako."

Naging masaya naman tayo ah. Sobra sobra pa nga diba.

Naging sobrang saya natin sa tatlong taon.

Yun ba? Napagod ka bang maging masaya?

Ito ba ang kapalit ng pagiging masaya? Masyado ba akong naging masaya kaya sinabi ng Diyos na "Teka, masyadong masaya na tong si Diane, Ibigay naman natin sa iba."

Kaya siguro unti unti kang lumayo. Unti unti kang napagod. Tatlong buwan. Akala mo ba hindi ko naramdaman? Bato na lang siguro ang hindi makakaramdam. Pero alam mo ba kung bakit hindi ako nagsalita? Dahil gusto kong kumapit. Kumapit ako at mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay mo noong naramdaman kong lumuwag ito. Inisip ko, okay lang yan. Ako na lang ang kakapit para sa ating dalawa.

Ito na ang HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon