A Letter from YOU

9 0 5
                                    

12.17.2011
HER POV
Akala ko'y magiging espesyal para sa aming dalawa ang araw na ito, ngunit mali ako. Isa ito sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan hindi dahil naging sobrang masaya ako kundi dahil ito ang araw na sinaktan niya ako, ito ang araw na pinili niyang talikuran ako. Tanging isang puting sobre lamang ang nadatnan ko sa paborito naming lugar, nakalagay ito sa 'Tree of Love' namin, ang punong naging saksi sa limang taon naming pagmamahalan. Hindi ko inaasahang sa lugar kung saan ako naging labis na masaya ay mararamdaman ko rin ang sakit na kailanma'y hindi ko inasahang ipaparamdam niya sa akin. "Nagtiwala ako, nagtiwala sa lahat ng pangako mo, pero sinaktan mo lang ako."

HIS POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa araw na ito. Napakabigat ng lahat, parang unti-unting gumuho ang mundo ko sa mga desisyong kinailangan kong gawin. Sana'y maintindihan niya ang dahilan ko sa aking mga hakbang, alam kong labis ko siyang masasaktan ngunit kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti ng lahat. Sana'y hindi niya isiping naging makasarili ako, dahil hindi naging madali para sa akin na gawin ang bagay na ito. Kailanma'y hindi sumagi sa aking isipan na saktan siya at hindi ko ginustong talikuran siya. Sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako at maintindihan mo ang mga rason ko.
"Mahal kita, yan ang tatandaan mo. Nasaktan man kita ngayon, para rin iyon sa ikabubuti mo pagdating ng panahon."

Jen,
Sorry kung kinailangan kong talikuran ka't iwan. Hindi ko gustong saktan ka pero kailangan, dahil kung hindi ko pa gagawin ngayon mas tatagal pa ang paghihirap nating dalawa. Alam mo kung gaano kita kamahal at kahit kailan hindi ko ginustong magkaganito tayo. Balang araw alam kong makakalimutan mo din ako, yung sakit na idinulot ko sayo'y mawawala rin at lahat ng sugat sa puso mo'y maghihilom din. Patawarin mo ako kung kailangan kong gawin ito, patawarin mo ako sa pagsira ng pangako ko sayo, patawarin mo ako kung kailangan ko pang lumayo at iwanan ka, patawarin mo ako dahil hindi ako naging isang mabuting kasintahan, patawarin mo ako sa lahat ng problema at pasakit na idinulot ko sayo. Kung sa tingin mo'y naging makasarili ako, patawarin mo rin ako ngunit ginawa ko lamang ito sapagkat mahal kita at ayaw kong dumating ang araw na pagdurusahan mo ang lahat ng mga bagay na resulta ng pagmamahalan nating dalawa. Siguro nga masakit sa ngayon, pero darating din yung araw na papasalamatan mo ako dahil sa ginawa kong ito. Alam ng Diyos kung gaano kasakit para sa akin ang pag-iwan sayo triple ng sakit na nararamdaman mo ang nararamdaman ko ngayon pero kinakaya ko dahil alam kong para sayo. Hindi ko ginusto na magkahiwalay tayo ngunit ito lamang ang paraan upang mas mapabuti ka at ang buhay mo sa hinaharap. Mas magiging maayos ang lahat kung malayo tayo sa isa't isa, mas mapapabuti ang kalagayan mo kung malayo ako sayo. Simula sa araw na ito, hindi mo na kailanman maririnig pa ang sinasabi sa atin ng ibang tao, hindi mo na kailangang mangamba na baka makita tayo ng mga magulang o kamag-anak mo sa tuwing magkasama tayo, hindi mo na kailangang gumising ng may takot na baka isang araw ay matuklasan ng mga kaibigan mo ang tungkol sa atin at higit sa lahat hindi mo na poproblemahin pa kung paano natin ipagpapatuloy ang relasyon natin dahil tutol ang buong mundo sa namamagitan sa ating dalwa. Magkakaroon kana ng normal na buhay at wala ka nang kailangang itago pa sa ibang tao. Patawarin mo ako. At kahit ano pang mangyari ikaw lang ang babaeng mananatiling laman nitong puso ko habambuhay  at lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita, Jen.
                                                                                      -Alvin.

A Letter from YOUWhere stories live. Discover now