Siya si PIA CLYMNESTRYIA ANGEL KIM SASUKI o kilala bilang tria isang simpleng babae lang na mahilig sa mga online games o kahit na anong laro gaya nalamang ng flappy birds, Piano tiles 2, at kung ano ano pa. Isa lang siyang simpleng babae na may sariling mundo.
"Ma pa-open nga iyong wifi" Sigaw niya sa nanay niya. Oo walang ginagawa yan sa pamamahay nila. Dahil alam ng nanay niya na computer/phones lang hawak niya. Kaya niyang mag tutok sa computer or phone niya ng 7 oras. Oo 7 oras
"Ubos na ang wifi anak, next time mo nalang paloadan" Kunot na ang noo ni tria dahil atat na siyang maglaro ng coc niya. Pero wala siyang magagawa dahil wala naman siyang pera pang load ng wifi nila. Kaya no choice siya kundi mag laro nalang ng mga games na hindi kinakailangan ng wifi.
"Araaaaaaaay" sabi ni tria. Paano ba kasi naglalakad siya sa labas habang nakatutok sa cellphone niya. "Hindi mo ba nakikita na dadaan ako? May mata ka ba ha?" Sigaw niya sa lalaking nakabangga sakaniya, kahit na ang totoo ay siya ang nakabangga. Ayaw niyang nalalamangan siya odikaya natatalo. Pero simpleng babae lang siya.
"Anong ako? Excuse me miss ikaw iyang nakatutok sa cellphone mo at hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Tas ako pa pagbibintangan mo? Aba naman miss? Nakatingin ako sa daan deretso pa" mas lalong nabadtrip si tria, pero di lang niya mailabas dahil madaming tao ang dumadaan kung saan sila nagtatalo ng tinawag niyang MOKONG sa utak niya.
"Ako hindi tumitingin sa dinadaanan? Ha? E bakit ikaw? Na sinabi mong deretso ang tingin mo sa daan bat mo pa ako nabunggo? CS naman sir" nabigla ang lalaki sa sinabi ni tria kaya kamuntikan na niyang masapak ito. Kaya lang naalala niyang bakla lang ang pumapatol na lalaki sa mga babae
"Hindi ko na kasalanan kung bakit ka lumiko. Hindi ko naman kasi alam na liliko ka, oo nakita kita pero hindi ko alam na liliko ka. Kaya miss CS din po! Hindi lang ako. Nakakahiya po kasi sainyo e" hindi na nakapag salita si tria dahil narinig na niya ang mga kaibigan niya na tumatawag sa pangalan niya. May lakad kasi silang barkada ngayong gabi.
"Oh sis? Sino yun? Bat nagsisigawan kayo?" Tanong ng isa niyang kaibigan na si kimi. Pinaliwanag niya ang nangyari kung bakit sila nag sisigawan ng lalaki kanina na nakabunggo DAW sakaniya. "Tria naman! Napaka babaw na dahilan para pagalitan mo yung lalaki. Ang gwapo pa naman". Alam ng mga kaibigan niya na hindi siya interesado sa mga lalaki, dahil mismong tatay niya iniwan sila ng nanay niya.
"Ano naman kung gwapo? Ulol naman! Nga pala saan ang punta natin mamaya?" Ipinaliwanag nila kay tria kung saan ang punta nila. At nalaman nalang niyang sa birthday party ng kaibigan nila na si kiro. Asa may bahay ba sila ni kiro at ang ingay ingay. Ang lakas lakas ng music na halos mag sigawan nalang sila sa loob ng bahay ni kiro.
Lumapit si kiro sakanila tria "Ahm guys I want you to meet my other friends" busy nanaman kakalaro ng coc si tria. Libre kasi ang wifi sa bahay nila kiro. "Hoy tria mag hi ka naman sakanila" sabi ng isa niyang kaibigan pero dinedma lang niya dahil busy siya "hoy" tawag ulit sakaniya. "Hi" simpleng sabi niya sa mga lalaking nasa harap niya. Walang time si tria na makipag shake hands dahil busy siyang nakatutok sa cellphone niya.
"Oh romart andito ka na pala?" Natigilan si tria sa ginagawa niyang paglalaro dahil parang pamilyar yung boses ng romart na tinawag ni kiro. "Ah romart mga kaibigan ko" patuloy siyang nag he'hello sa kaibigan ni tria. "Ikaw?" Pareho nilang sigaw. Hindi alam ni kiro kung anong meron sa dalawa. Pero natuwa siya kasi kilala na pala nila ang isa't isa.
"Bat ka andito?" Sigaw ni tria kay romart dahil sobrang ingay sa loob ng bahay. "Andito ako kasi inimbitahan ako ni kiro. Kiro is my friend, kaibigan mo din pala. What a coincidence right?" Napairap nalang si tria kay romart kasi para sakaniya ang presko ng dating ni romart. "So hi I'm romart, sorry pala kanina kung nagsigawan pa tayo. Sige ako nalang may kasalanan. So tria? Peace na tayo ha?"
BINABASA MO ANG
Hindi Inaasahang PAG-IBIG (One Shot Story)
HumorPIA CLYMNESTRYIA ANGEL KIM SASUKI and ROMART CAPUA's short LOVE STORY. Asa authors note yung reason kung bakit KIM, KIMI, ROMART CAPUA ang name na umiikot sa one shot story na to. Read na ❤️❤️ @chocolatecakegirl