Sa Ganitong Paraan
-
Ano nga bang Paraan ang pwede mong gawin para siya ay makalimutan? At para..hindi ka na masaktan?
(c) sheisDaisylyn
---
Hindi na ako magpapaniwala sa'yo, alam ko namang kalokohan lang yang puro. Talo mo pa yung kape sa pagsala. Kaso sayo iba. Ang sinasala mo kasi mga kalokohang pwedeng sabihin sa'kin. Na pwedeng pambulag at puro pasakit lang naman dala sakin. Hindi na ako maniniwala sayo. Hinding hindi na.
Sa Ganitong Paraan, hindi na ako masasaktan.
Padalos-dalos? Tatanggalin ko na yan sa bokabularyo ko. Pinahamak na'ko niyan, muntik pang maulit. Pero salamat at nakontrol ko ang sarili ko saglit. Salamat, at hindi naulit. Salamat, hindi naging sabaw utak ko. Dahil simula ngayon, matututo na akong prumeno.
Sa Ganitong Paraan, hindi ko na mababangga ang sarili ko sa katangahang nagawa ko.
Hindi na ako magpapakabulag pa ulit. Mahirap nang maloko. Lalo na ng tulad mo. Gagamitin ko na mga mata ko dahil ayoko ng masayang pa ang mga luha ko sa walang kwentang tao. Lalo na ng tulad mo.
Sa ganitong paraan, unti-unti ko ng maaayos sarili ko.
Kakalimutan na kita. Una pa lang sa una, alam ko namang wala lang ako sa'yo diba? Hindi mo naman ako nakitang tumapak sa mundo mo, diba? Kasi wala lang ako sayo. At ang saklap dahil ngayon lang ako tinapik sa balikat na hindi pala totoo lahat ng ipinakita mo. Pati na ng nararamdaman mo sa akin. Lahat ng yon? Nakabaon na sa gilid ng utak ko. Pipilitin kong burahin, para sayo.
Sa ganitong paraan, masasabi ko na nagkamali ako. Na sa pagkakamaling nagawa ko, unti-unti din akong natuto.
Papakawalan na kita. Kahit na alam kong nasaktan mo ako. Wala rin lang mangyayari kapag papatagalin ko pa'to. Ayoko nang lokohin ang sarili ko at paniwalaang ayus lang ang lahat. Ipapaubaya na kita. Takbo na, dali. Dahil alam ko, ito ang pinakatamang magagawa ko.
Sa ganitong paraan, hindi ako magmumukhang maramot. Hindi ako tulad mo. Na minsan ng naging sakim.
Magiging malakas ako. Sa harap mo man o kahit kanino. Pagod na akong maging mahina. Umiyak at magmukhang kawawa. Kahit ngayon lang sana. Mapanindigan ko to'. Ang maging malakas sa harap mo.
Sa ganitong paraan, makakayanan kong makita kang umalis. Makakayanan kong talikuran ka na at masabing sana'y masaya ka sa piling ng iba.
At kahit na ilang paraan pa maisip ko. Alam ko, dadating yung oras na maibabalik ko yung dating ako.
Maibabalik ko yung ngiti na binibigay mo sa'kin.
Hindi na ako maiilang sayo.
Maibabalik ko yung tingin na alam kong wala na tayo.
At Hindi na din ako yung babaeng naging mahina sa larong ganito.
---
Vrooooooooommmmmmm. Pang-drama ang nasulat. Sinsya, sinsya. Praktis muna ang gawa. Sana umiyak kayo. Sa kakornihan. HAHAHAHAHA. Wala po itong kinalaman sa kahit saan. Naisulat lang bigla. Kakatapos sa assignments e. Geh. Salamat sa pagbasa. Vavoooo. ;)
a/n: *11/2/13 SALAMAT SALAMAT READERSSS SA PAGPAPA-1K NETO. Tyinaga niyo talaga ang korni nito. Hahaha. Chalamattt :):)
sheisDaisylyn at your serbis!
BINABASA MO ANG
Sa ganitong paraan
Non-FictionAt sa ganitong paraan, humanda ka. Dahil unti-unti ka na niyang makakalimutan. (c)sheisDaisylyn