Dahan dahan kong dinilat ang isang mata ko para abutin yung alarm. Myhad! Antok na antok pa talaga ako.
Papatayin ko lang sana yung alarm at nagbabalak na matulog na ulit kung hindi ko lang aksidenteng nalingunan ang oras. Mabilis akong napabalikwas at biglang nabuhayan. Shit! Alas sais na ng umaga, Late na ko.
Bumangon na ko agad at saka mabilis na dumiretso sa banyo para maligo. First day of class late ako! What a start!
Nang matapos ako sa pag aayos at nakontento na sa itsura ko sa salamin ay mabilis na kong lumabas ng kwarto bitbit ang aking bag at cellphone na ngayon ay dead batt, magdadala nalang ako ng charger at sa school na lamang ito icha-charge.
My name is Gabriela Alvarez 16 years old. Huling taon ko na ngayon sa senior high school.
"Hoy! ate anong oras na ah? papasok ka pa ba? Ayan kasi nag d-daydream nanaman"
Nakakabwiset mang aminin pero kapatid ko yang palakang nagsalita. Inirapan ko lang siya at saka umupo sa upuan sa lamesa.
"Tsk. Sino bang may kasalanan ha! Hindi ba't kayo ang dahilan? lalo kana! kung hindi mo ko pinuyat kagabi sa pagco-cover ng mga notebooks niyo na sana kayo ang gumagawa hindi ba?! Edi sana ngayon naglalakad na ko papasok"
Sinamaan ko siya ng tingin habang sinusubo yung ham, Nakakagigil talaga tong mga kapatid ko. Ngumisi lamang siya ng mapang asar at saka tinuloy yung pag susuklay.
Broom! Broom!
Napakaingay ng palengke ng napadaan ako. Marami naring mga estudyanteng katulad ko ang naglalakad patungo sa kanya kanya nilang eskwelahan, pero alam kong hindi ako makakakita ng kaschoolmate ko rito dahil masyadong out of place ang lugar na ito para sa school na pinag aaralan ko ngayon.
"Oh Abby, ikaw pala yan. Halika na at sumabay kana sa akin, madadaanan ko rin naman iyong eskwelahan mo"
Tiningnan ko si Mang Ben habang tinatanggap ang bayad nung pasahero saka bumaling ulit sakin ng nakangiti.
Si Mang Ben ay malapit na kaibigan ni mama kaya't kilang kilala niya kami at ganon rin kami sakanila.
"Nako! Maraming salamat po Mang Ben!"
Nginitian ko siya nang malawak at saka tumungo sa loob ng tricyle niya. Ilang minuto lang at nakarating narin kami sa tapat ng aking eskwelahan.
"Maraming salamat po ulit!"
Tinanguan lamang ako ni Manong Ben ng nakangiti at saka niya muling pinaandar ang tricycle niya. Pinagmasdan ko lamang iyon bago ko napagpasyahan ng lingunin ang mataas na gate sa harap ko, sa itaas nito'y ang sementong ikinorba ang bawat letra na "St. John's Academy"
Pumasok na ko sa loob at doon ko muling napagmasdan ang malaking paaralan ng St. John's. Kilala ang eskwelahan namin bilang isa sa mga pinakatanyag na eskwelahan dito sa buong Quezon. Halos lahat ng mga makapangyarihang tao at mayayaman sa lugar namin ay dito nagtapos at ngayon pati ang kanilang mga anak ay dito rin nag aaral kung kaya't ang hindi na bago sa akin ang mga brat at maarteng estudyante rito. Iyong mga mapagmataas at wala ibang ginawa kundi ang magwaldas ng pera ng mga magulang nila.
Ngumiti ako ng mapagtanto na napakaswerte ko parin dahil natanggap ako sa ganitong klaseng paaralan kahit na alam kong iba ang antas ng buhay namin sa mga taong narito.
Hindi kami mayaman, hindi rin naman kami mahirap, kung baga'y nasa gitna kami.
Apat na taon na akong scholar sa school na to at ngayon ang huling taon ko rito. Hindi nga ako makapaniwala nung una na pasado ako kaya't sa sobrang saya ng aking ina ay nagdaos pa kami ng maliit na salo salo kasama ang mga matalik na kaibigan ng pamilya.
BINABASA MO ANG
I'm Stupidly Inlove with Mr. Manhid
RomanceMahirap magmahal sa taong iba ang gusto. Mahirap magmahal sa taong kaibigan lang ang turing sayo. Mahirap magmahal sa taong alam mong imposibleng mapasayo, Pero ano nga bang magagawa mo kung siya at siya parin ang tinitibok ng puso mo?