Abby"Ang pogi nya nuh?"
Mabilis akong napabalikwas ng makita kong ang lapit ng mukha ni Cindy sa akin. Gulat ko siyang tinignan. She chuckled with my reaction.
"H-Huh?"
Painosente kong tanong sakanya kahit na alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Classmate kami ni Cindy nung 3rd year. Mabait siya at tahimik lang.
Nagkakausap narin kami noon pero hindi kami talagang ganoon kaclose kaya nagulat ako ng bigla niya kong kausapin, at tungkol pa dito.
"Iyon oh"
Alam ko na kung ano yung nginunguso niya pero tinignan ko parin ng dahan dahan, at tama nga ako. Yung kasama nga ni Kurt ang siguro tinutukoy niya.
"Ah, si Kurt ba? Oo tama ka nga hehehe"
Kunyareng natatawa kong sagot sakanya kahit wala naman nakakatawa. Shit!
"Hindi si Kurt. Iyong kasama niya. Hmm"
"A-Ah"
Tumikhim ako para maiayos ko ang pagsasalita ko. Tinignan kong kunot noo si Cindy habang pinagmamasdan ako. May mapaglarong ngiti rin sa mga labi niya nagbigay ng ibang pakiramdam sakin.
"Pwede na"
Sagot ko na lamang sakanya at saka binalingan na ng tingin ang board.
"Vladimir Ocampo"
Muli ko siyang sinulyapan nung marinig ko yung sinabi niya. Nakatingin siya ngayon sa gawi nila Kurt. Alam ko na agad kung sino yung tinutuloy niya.
"Vladimir pala ang pangalan niya. Transferee?"
Tanong ko sakanya. Huli ko ng napagtanto ang sinabi ko kaya napakagat ako sa labi ko. Kita ko namang napangiti si Cindy. Ano bang nginingiti ngiti nitong si Cindy? Bigla bigla nalang akong kakausapin ng tungkol dito tas ngingingitian ako, baliw.
"Yeah, galing siya sa Blue Eagel's Academy."
Napaawang ang bibig ko ng marinig ko ang sinabi ni Cindy. Galing siyang Blue Eagle's Academy? Tanyag ang St. John's, ganoon rin ang Blue Eagle's, ang dalawang school na ito ang mahigpit na magkalaban lalo sa sports.
Tahimik lang akong nakikinig kay Cindy. Nagtataka lang ako bakit masyado ata siyang maraming alam sa lalaking yun, May gusto rin ba siya sakanya? Siguro ganon nga.
"Hahaha! Baka iniisip mo may gusto ako kay Vlad ha? Marami lang talaga akong alam sakanya, kaibigan kasi siya ng kuya ko na sa Blue Eagle's rin nag-aaral. Hindi ko nga alam bakit bigla siyang lumipat dito eh.
Ang ganda ganda na nga ng school niya eh! Pero aksidente ko kasing narinig sila nila kuya na nag uusap. May babae ata siyang gustong makita."
"Bakit nga pala nasa blue eagle's ang kuya mo at ikaw ay nandito? Ayaw mo ba doon?" Tanong ko sakanya.
"Mas feel ko rito eh. Masyado kasing boring ang mga tao doon"
Paliwanag niya. Tumango naman ako sakanya at medyo natawa rin sa sinabi niya. Sino naman kaya iyong babaeng gusto niyang makita? Teka, bat ko ba iniisip yun? Pakealam ko ba sakanila.
"GOODMORNING CLASS"
Nakuha na ang atensyon naming lahat nang pumasok na ang prof namin. Tumayo kami at naghintay sa susunod niyang sasabihin. Maam Yapo. Well, halos lahat ng teacher dito ay kilala ko narin dahil madalas rin ako sa mga faculty nila.
Pinaupo na niya kami ng nakarating na siya sa mesa at nilapag ang mga dalang gamit. Umayos narin ako ng upo at bago yun nagawi pa ng onti yung tingin ko sakanya. At nakita ko syang napatingin din sa gawi ko kaya agad kong iniwas ulit ang tingin ko. Hays. Ano ba nangyayari sakin?

BINABASA MO ANG
I'm Stupidly Inlove with Mr. Manhid
RomanceMahirap magmahal sa taong iba ang gusto. Mahirap magmahal sa taong kaibigan lang ang turing sayo. Mahirap magmahal sa taong alam mong imposibleng mapasayo, Pero ano nga bang magagawa mo kung siya at siya parin ang tinitibok ng puso mo?