"Princess" tawag ko sa bata na agad naman na lumingon.
Lumakas na ang loob ko para lapitan ito.
"Gusto mo laro tayo?" Tanong ko dito saka pinakita ang mga barbie at stuffed toys na nasa bag.
Tinignan ni Princess ang mga ito at ako naman ay pigil ang paghinga habang hinihintay ang sagot nito.
Tumango ito at nakahinga talaga ako nang maluwag.
"Lika dito sa sala inayos ko na ang paglalaruan natin" anyaya ko dito at kinuha na ang kamay nito para marahan na akayin.
Nang makarating na kami sa salas ay sinimulan ko nang ikalat ang mga laruan.
Naupo naman ito at kinuha ang manika at hinawakan ang damit nang barbie at nang di nya makuha ay sumibi na ito saka tumingin sa akin.
Napangiti naman ako at kinuha ang barbie at kinuha ang maliit na brush.
"Princess ayaw ni Barbie na hubadin mo ang dress nya kasi gusto nya na i brush mo ang hair nya para pareho na kayong pretty" sabi ko dito at saka sinuklay ang buhok nang barbie.
Nakanganga naman ito na tumingin sa ginagawa ko.
After na ma demo ko na sa bata ang ginawa ko ay binigay ko na dito ang maliit na brush para ito naman ang magsuklay.
Malaki naman ang ngiti na nakapaskil sa bata at kinuha na nito sa akin ang brush at ibinigay ko dito ang barbie.
"Themarie...." napalingon ako nang tinawag ni Manang Dolor ang pangalan ko.
Nakita ko si Manang na palapit sa akin.
"May kailangan ka Manang?" Tanong ko agad dito na kaagad naman na tinanguan nito.
"Eh may ipapatikim sana ako sa iyo eh, kaya lang busy ka ata" sagot nito at tinignan si Princess.
Lumingon din ako sa bata.
"Wait lamang po Manang" ani ko dito at saka binalingan si Princess.
"Princess honey" tawag ko dito at lumingon naman agad ito sa akin.
Ngumiti ako dito at saka hinaplos ang malambot na buhok nito.
"Sama ka sa amin Princess ni Manang Dolor" wika ko dito pero nakasibi na umiling ito.
Nagkatinginan kami ni Manang.
Napabuga na lamang ako nang hangin at hinaplos ulit ang buhok nito.
"Okay pero dito ka lang ha? Wag kang masyadong maglilikot at baka mauntog ka ha" malambing na bilin ko dito.
Ngumiti naman ito at pumalakpak.
At kapwa na namin iniwan si Princess sa salas.
"Okay naman na po Manang ang lasa pakidagdag nyo na lamang po nang konti pa pong paminta para umanghang yun po kasi ang gusto ni Jasper" sabi ko kay Manang Dolor after na matikman ko na ang niluluto nyang Adobong Manok at Baboy.
"Sigurado ka?" Nakangiting tumango ako dito at tila nakahinga naman ito nang maluwag.
"Salamat Themarie, ngayon na lang kasi ako magluluto eh lagi kasi na ikaw ang nagluluto nang pagkain para kay Jasper" dagdag pa nito."Pasensiya na Manang ha, kasi kailangan na alagaan ko si Princess habang wala pang nakukuhang nanny si Jasper para sa bata" sagot ko dito.
Nakangiting umiling ito sa akin.
"Kuh, ikaw talaga hija, trabaho ko ito at saka bilib nga ako sa iyo anak at nagagawa mong alagaan yan anak ni Jasper sa Mikaela na yun"
Napatawa naman ako nang mahina dito.