High School...First Love

163 2 0
                                    

Nasa Junior level ako ng makilala ko si Jon. Classmate ko sya. First impression ng mga classmate ko sa kanya ay mayabang ang dating, bastos at pala-away, but when i met him personally, hindi pala sya ganun, may kayabangan man pero mabait sya at maasahan at kayang-kaya nya ipagtanggol ang mga kaibigan nya. Lagi kami magkatabi sa upuan tuwing may klase. Sa tuwing magkatabi kami alam ko na may mga oras na medyo nagpapalipad hangin sya, alam ko ng mga oras na yun may gusto na sya ipahiwatig.  Aaminin ko medyo nahulog din ang loob ko sa kanya, kahit alam ko sa kabila ng pagiging mayabang at lagi nasasangkot sa mga gulo hindi ko naiwasan matutunan syang mahalin.

 Masarap sa pakiramdam ang in-love lalo na nung mga panahon yun, dahil bukod sa pamilya ko isa sya sa mga naging inspirasyon ko, nakuntento kami sa naging set up namin na parang M.U. lang...yung feeling na kayo pero hindi naman, kasi kahit ganun ang naging set up namin lagi syang nasa tabi ko at lagi din sya nag-aalala.

 February 14, 1998, araw ng mga puso. Oras ng klase namin sa Math, bago nag-simula ng klase si Ma'am nagpalaro muna sya. Kumuha sya ng limang babae at isang lalake na magpaparticipate sa klase para sa palaro nya. Si Jon ang kinuha nya para sa lalake at nilagyan sya ng piring at nagulat ako ng isa ako sa mga kinuha ng aming guro, nakahalera kaming lima sa unahan at habang inaalalayan sya sinabi ng aming guro kung sino ang mapipili mo sya yung taong hinahangaan mo. Abot langit ang kaba ko ng mga oras na yun, kasi paano naman, pati ba naman ang guro namin mukhang alam nya yung tungkol sa amin...kaya lang nung pinapili na sya nagkamali sya ng pinili, hehehe, yung isang kaklase namin, kaya nung tinanggal yung piring nya medyo napahiya sya ng konti at sabay bulalas ng "ay sayang naman", kaya nagkantyawan tuloy sa loob ng klase namin. Ang saya-saya nung mga araw na yun.

 Lumipas ang mga ilang buwan, dumating din sa punto na nakakasawa din pala yung ganung set up lang walang formality kung gusto ka ba talaga nya or feeling mo lang. One time sinubukan ko sya kung magseselos sya, alam nya na may hinahanggan ako sa ibang klase si Bong at naging kaibigan ko din yun dahil naging classmate ko sya nung freshmen pa kami, minsan sinundo nya ako pagkatapos ng klase, at nakita ni Jon kung sino ang sumundo sa akin, ewan ko ba nung time na yun, dun ko sya nakita kung paano magalit ng harapan at padabog pa sya na nagyakad sa mga kaklase kong lalake na mag-sugal sa loob ng klase at panay pa ang parinig. Gusto ko sya harapin ng mga oras na yun kaya lang naisip ko sino din ba ako sa kanya? hindi naman kami mag-boyfriend.. kaya kahit gustong-gusto ko sya kausapin at tanungin sa ginawa nya naunahan na din ako ng takot na baka magkamali lang ako sa mga hinala ko sa kanya at ako pa ang mapahiya. 

 Nagtapat sa akin si Bong na gusto nya ako kaya kung pwede lang daw ba manligaw, hinayaan ko sya sa gusto nya kaya nung nalaman ni Jon yun hindi na nya ako pinapansin at simula nun lagi na nya ako iniiwasan, pero ang pinagtataka ko nuon, bakit kapag sinusundo ako ni Bong sya naman panay ang pagdadabog at nagpaparinig pa. Nasasaktan ako sa mga nangyayari dahil kahit baliktarin man ang mundo, nuong mga oras na yun mahal ko na si Jon kaya lang ang hirap pala itago ang tunay na nararamdam yung tipong ikaw lang ang nakaka-alam kung anu talaga ang nararamdaman mo para sa kanya at yung pakiramdam na laging nagtatanong ang isip at puso mo kung mahal din ba nya ako? or ako lang ba ang nag-mamahal sa kanya? ako lang ba ang may gusto sa kanya? ang hirap hulaan ng isang katulad nya kung anu ba talaga ang nararamdaman nya. 

 Hindi ko sinagot si Bong dahil may nalaman ako sa dati kong kaibigan na si Marife nanliligaw din pala sa kanya si Bong, halos pinagsabay nya kaming ligawan kaya nung nag-kausap kami ni Marife, nagkasundo din kami na sabay din namin babastiden si Bong. Pagkatapos nun, nalaman ni Jon ang ginawa ko kay Bong, kaya heto na naman sya naging sweet ulit sya sa akin, bumalik ulit kung anu yung dati naming pinag-samahan. 

 Senior level na kami, halos walang pinagbago sa naging sitwasyon namin, hanggang sa nakilala ko naman si Archie. Friend sya ng kababata ko, naging mag-boyfriend kami at aaminin ko hindi ko sya mahal, sinagot ko sya dahil umaasa ako na matutunan ko din syang mahalin para makalimutan si Jon. Nagbago si Jon sa akin nung nalaman nya na may boyfriend na ako, nakita ko kung gaano kalaki ang naging Gap namin at unti-unti na syang nawawala.

 Graduation Day, yun na ang huling araw na magkikita-kita pa kami ng mga kaklase ko at ng mga kaibigan ko. Habang nagkukuhaan kami ng mga litrato lumapit sya sa amin at humiling kung pwede din daw ba na magpapicture na magkasama kami, kaya pinagbigyan ko na sya. Tinititigan nya ako habang nag-papaalam sya. Sa mga sandaling iyon nangungusap ang mga mata nya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na may iba pa syang gusto sabihin ng mga oras na yun pero hindi nya masabi, kilala ko sya pagdating sa nararamdaman nya masyado syang malihim na tao at takot umamin sa totoo nyang nararamdaman.

 Nagpatuloy ako sa kolehiyo at wala na akong naging balita kay Jon, puro magagandang alaala nalang ang naging dala-dala ko ng mga panahon. Hindi din tumagal ang naging relasyon ko kay Archie dahil sa simula palang wala naman na talaga ako nararamdaman para sa kanya.

Sampung taon ang nakalipas, mula ng makapag-graduate kami sa high school, nag-tatrabaho na ako sa isang pribadong company dito sa alabang. Laking gulat ko nung nakita ko sya. Naglalakad sya malapit sa opisina namin pero naunahan na naman ako ng kaba at takot kaya himbis na tawagin at lapitan ko sya, mas pinili ko nalang na makuntento tingnan sya habang papalayo sa akin. makalipas ang ilang buwan, siguro talagang tadhana na ang nagpasya, papasok na ako sa aming opisina nun, nakasakay ako sa isang jeep, pumara ako at may nakasabay ako na pumara din, pagkababa ko dun ko ulit sya nakita, hindi ko napansin na nakasabay ko na pala sya, hindi ako nagpahalata na natataranta ako, habang papatawid kami sinubukan ko sya tawagin at kamustahin. Laking gulat nya na ako pala ang nakasabay nya (medyo iba na kasi ang naging itsura ko after 10 years lalo ako tumaba kaya hindi na din nya agad ako nakilala), pero sya kahit nagmukha na syang tatay sa itsura nya dahil tumaba na din sya hindi ko pa din makakalimutan ang mukha nya. Nagkamustahan kami ng mga sandali na yun, saglit lang kami nakapagkwentuhan dahil baka pareho kami mahuli sa mga trabaho namin. Pero pagkatapos ng mga araw na yun hindi na kami muling nagkita pa.

 Isang taon lumipas mula ng huli kaming nagkita, may natanggap ako na tawag galing sa ibang bansa, nung una hindi sya nagpapakilala, tinanong ko ang kausap ko sa kabilang linya kung sino sya ang sabi nya "first love mo nung high school", bigla ako namula sa narinig ko at nagtanong ulit ako sa kanya "sino ka ba, wag mo nga ako pinagloloko", laking gulat ko nung nagpakilala na sya "si Jon ito". Nasa Riyadh sya ng mga oras na yun, kinamusta nya ako at kung dun pa din daw ako nagtatrabaho. Bigla syang nagtanong sa akin kung bakit hindi pa din daw ako nag-aasawa, sabi ko sa kanya busy ako sa work at bread winner ako eh kaya wala pa akong time about sa ganyan, bigla nya ako tinawanan at sabay sabi na "siguro hanggang ngayon mahal mo pa din ako no, kaya hindi ka makapag-move on", nung mga oras na yun para akong binuhusan ng malamig na tubig at talagang gusto ko sumabog sa galit, kasalanan ko ba kung wala pa din ako boy-friend or asawa ng mga panahon na ito? kaya sinabi ko sa kanya "kapal naman ng mukha mo, kung yun ang dahilan malamang hindi ikaw yun dahil may naging boyfriend ako nung college na talagang mahal na mahal ko kaya lang nag-break kami dahil sa pagiging imature ko".. taz talagang ng-aasar pa sya sabay sabi nya na "cool ka lang, ito naman o hindi mabiro, hehehe"...nagtanong ulit sya sa akin kung minahal ko daw ba sya nuong high school, sabi ko "oo minahal kita", taz nagtanong din ako sa kanya "kaw minahal mo din ba ako",...sabay sagot nya "oo, mahal na mahal kita nung high school tayo", bigla ako nghina sa narinig ko at napaiyak, dahil matagal ko ng inaantay ang sabihin nya yun sa akin para mawala ang lahat ng bumabagabag sa aking isipan tungkol sa mga nararamdaman ko, kung mahal ba nya ako? pareho lang kaya kami ng nararamdaman? tinanong ko sya kung bakit ngayon lang sya nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sa akin yun, ang sabi nya "naunahan ako ng takot ng mga panahon na yun, dahil mahal kita at takot ako na masaktan kita...masaktan na baka hindi mag-work yung relationship natin at ang ending hindi na masaya kaya mas pinili ko nalang na itago ang lahat kaysa aminin sayo kung anu ang totoo atska isa pa nagkaroon ka na din ng boyfriend nung mga panahon na yun kaya lalo ako nawalan ng pag-asa na magtapat sa nararamdaman ko"...pagkatapos ko marinig ang mga sinabi nya ng mga oras na yun, halos mapaiyak ako sa sobrang lungkot at panghihinayang na sana pala naglakas loob ako na tapatin sya ng mga panahon na yun, hindi ko pala dapat inisip kung ano ang magiging resulta dapat naging wala akong paki-alam kung mapapahiya ba ako sa kanya or hindi, dapat pala ang inisip ko nung mga panahon na yun malaman kung anu ang totoo, naging duwag din kasi ako, naging ma-pride din ako, kaya heto ang naging resulta nauwi lang sa panghihinayang ang lahat...kung maibabalik lang ang lahat gusto ko balikan yung mga panahon na nasayang, para maituwid ang lahat at masabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal nung mga panahon na yun....pero huli na ang lahat, may asawa at anak na sya...magsisi man ako huli na...isa nalang syang magandang ala-ala ng aking buhay high school...maraming salamat sa magagandang memory Jon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School...First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon