Anong gagawin mo pag ayaw na sayo ng taong mahal mo?
Lalaban ka pa ba?
Kung hindi na ikaw ng pinaglalaban nya.
May magagawa ka pa ba?
Kung sa piling ng iba na sya masaya.
Ang sakit diba?
"Kalimutan mo na ang nakaraan Jason."
Ang sakit tanggapin ng mga salitang binitawan ni Mae.
"Hindi na ba natin pwedeng ayusin to?"
"Akala ko nagkita tayo para magpaalam sa isa't isa?"
Akala ko rin.
"Bigyan mo pa ako ng pagkakataon Mae."
"May sarili na akong buhay Jason"
Ang sakit talaga.
Pagkatapos ng matagal na pagsasama,mapupunta rin pala sa wala. :(
"Sana masaya ka sa desisyon mo Mae."
"Di lang ikaw ang nahihirapan Jason at i'm sorry pero masaya na ako kay Dino"
"May nagawa ba akong mali para ipagpalit mo ko?"
Alam ko kasi wala.
Ginawa ko naman ang lahat.
Minahal ko naman sya ng buo.
Siya lang ang babae sa buhay ko.
Lagi ko siyang iniisip.
Mahal na mahal ko talaga sya.
Bakit kulang pa yun sa kanya?
"Wala kang ginawang mali,Nawala lang talaga ang pag-ibig ko para sayo."
"I'm sorry Jason."
Ano ng gagawin ko?
Ang tagal naming nagkasama.
Wala to sa plano ko.
Hindi ko ineexpect to.
Hindi na ba maiibabalik?
Ang tamis ng yakap at halik?
"Mahal mo pa ba siya Mae?"
Nakatingin lang sya sakin.
Hindi ko alam kung malungkot o naaawa lang sya.
"Siguro" sagot nya.
"Siguro?" tanong ko.
"Naalala mo nung masaya pa tayo Jason?"
Biglang nagflashback yung isip ko nung kami pa.
Noong parehas pa kaming masaya.
Kumain ng icecream.
Nanunuod ng sine.
Nag-aaway pero bati agad.
Puro masasaya yung alaala ko sa kanya.
Pero bakit ako nalulungkot sa twing naaalala ko sya?
"Ganoon din kami ni Dino."
"Sino ba kasi sya?"
Mas mahal ka ba nya?
"Ano bang meron sa kanya Mae?"
"Sweet kasi si Dino."
"Lagi nya kong tinatawagan bago matulog.Hindi nya ibababa yung tawag hannga't di ko binababa."
"Lagi sya pumupunta sa bahay at kinakausap ang family ko."
"Lagi nya ako sinosorpresa."
Sino ba siya?
Kaya ko naman gawin yung mga ginagawa nya.
"Tatawagan naman kita kung alam ko lang hindi ka busy."
"Pupuntahan naman kita sa inyo kung alam ko lang na hindi ka magagalit."
Paano nya nagagawa yang mga yan?
"Mas maganda sana kung makikilala mo si Dino."
"Hindi na Mae,ok na ako."
Tumalikod na ko tapos nagsimulang maglakad.
"Wag ka nang lumingon Jason" sabi ni Mae.
Kaya ko ba?
Nung makalayo na ko lumingon ako, at nakita ko si Mae.
Nakita ko yung distansya namin sa isa't isa.
Napaisip ako.
Kaya ko to.
Siguro.
Sana.
Fin.