ika-apat na Kabanata

484 17 0
                                    

Wendyl

Narating na ako sa silid ni Al pero patay ang ilaw at parang walang tao sa loob. May narinig akong natumba sa loob kaya pinilit kong buksa ang pintuan sa harap ko.

"We-Wendyl..." taging nasambit ni Al ng bigla syang sinunggaban ni Rhianna.

Bakit nya yun ginawa kay Al? Ano nanaman bang kasalanan nitong lokong to?

Inalis ko sa pagkakahawak ni Rhianna si Al at bahagya syang tinulak sa may kama.

"Ano nanaman bang ginawa mo Al? Pano na 'to? Alam na nya na lalaki ka. Mapapaalis na tayo dito!" halos pasigaw kong sabi sa kanya.

Napatingin ako sa mga mata nya na ngayon ay may namumuong luha.

"Sorry di ko naman sinasadya. Huwag kang mag-alala. Natutulog sya ng atakehin nya ako kanina kaya hindi nya alam na lalaki ako."

Napatingin ako sa gawi ni Rhianna at totong natutulog lang sya. Tumayo ito at lalapit muli sa amin buti na lang naagapan ko at sumigaw ako ng malakas. naglabasan naman ang ibang estudyante at pinigilan nila si Rhianna.

"Tawagin nyo si Miss Karen!" sigaw nung isa at tumakbo naman yung ilang babae palabas ng silid.

Tiningnan ko si Al na hanggang ngayon ay nakaupo doon at.....

....

.......

...............

umiiyak??

"AL!" sabi ko na nangangamba at nilapitan ko agad sya. "May masakit ba sa'yo?" Ang tanong na dapat ay hindi na lang lumabas sa bibig ko.

"Oo... dito..." sabi nya at tinuro ang parte kung nasaan ang puso nya.

"A-ano bang... pinagsasabi mo Al?"

"Ang sakit Wends... ang sakit ng ginawa mo sakin. Bakit kaylangan mong sabihin ang mga ganoong bagay... si Ro na lang ba talaga ang mahalaga sayo!?"

Galit sya.... galit sya dahil nasigawan ko sya at si Ro na lang lagi ang nasaisip ko at hindi ko na sya napapahalagahan. Pero ngayon ko lang sya nakitang magkaganyan dahil sa ganoong bagay.

"Huy Wendy, ano bang nagawa ni Alwina para magalit ka sa kanya?" tanong nung isang babaeng tsismosa sa likuran ko.

"Adik mo naman. Ba't mo pa kailangang paiyakin ang lover mo? Mabuti nga at may nagmamahal sa'yo."

"Ha? nagkakamali kayo. Hindi kami ni Al..."

"Huwag mo nga syang ipagtabuyan. Lalo mo lang syang sinasaktan sa ginagawa mo e."

"Oo nga! Di naman ipinagbabawal ang lovers dito e."

"Ha?" Hindi ako makapaniwala sa mga impormasyong naririnig ko.

"Pwede ba wag ka ng magkunwari pa."

"Al, help. Kailangan mo tong ipaliwanag sa kanila." Tumingin ako sa kanya pero nakatagilid sya at ayaw akong tingnan.

"Ano, magsorry ka na." Sulsul pa nung isa. Maton ata to e bakulaw ang itsura.

Wala na akong nagawa pa. Alam ko namang kailangan kong magsorry pero wala ako sa mood ngayon e.

Tsk lumapit na lang ako at lumuhod ng konti para magkapantay kami.

"Al," panimula ko. Hinawakan ko ulo nya at inilapit ang noo ko sa kanya. Magkalapat na ang noo namin. "Sorry na Al. Please forgive me. Nalimutan kita dahil kay Ro pero, mahal naman talaga kita. Kaya nga ng tumawag ka kanina agad akon pumunta dito." Ngumiti ako ng makita kong tumigil na sya sa pag-iyak.

Minsan talaga nagkakaaway kami at dahil nga mas bata sya sakin ako ang agad humihingi ng pasensya. Mahal ko talaga tong si besplen alam kong alam nya yun ganun din sya sakin e. Pero once again sinasabi ko sa inyo STRAIGHT kami ni Al. mas straight pa sa pole.

Ilang sandali lang ay dumating na sina Karen at Niña na may dalang isang timba ng tubig at isang baso ng gatas.

Binuhusan ni Niña si Rianna ng tubig galing dun sa timba. Napaiktad naman sa gulat at lamig si Rhianna at nagising ito.

"N-Nangyari nanaman?" sabi nya ng mapatingin sya kay Al na may takot sa mukha. Napatungo sa hiya si Rhianna habang itinataboy na ni Karren ang ibang istudyante.

"Tapos na ang Show. Makakabalik na kayo sa mga silid nyo!" Sigaw nya at sumunod naman yung mga girls. Nanlaki yung mata namin ni Al kasi noon lang namin narinig ang pagpapasunod powers ni Karren kakatakot promise.

Lumapit si Karren kina Rhianna at Niña tapos bahagyang lumuhod.

"Ayos ka lang?" tanong nito kay Rhianna at tumango na lang ito.

"Teka nga, ano bang nangyayari?! Bakit nagiging murderer si Rhianna pag nakatulog?" matigas kong tanong sa kanila habang binibigyan ni Niña ng gatas si Rhianna bigla namang humawak si Al sa braso ko. Oo alam kong mali ang pagkakasabi ko pero ayokong mamatay na lang si Al.

"Sa totoo lang Ms. Cañezares lahat ng babae sa school na 'to ay may kanya- kanyang Attitude Problem o di naman kaya ay pilit na itinatagong problema." Paliwanag nya.

"Ang Dean mismo ang nakausap nyo ng magenrol kayo hindi ba? Kung gayon sya mismo ang nakakita sa kalagayan at problema nyo kaya nya kayo tinanggap kaagad kahit na alam nyan kailangan ito ng masusing pagsasaliksik." Dagdag pa nya.

Ewan ko ba pero natatakot ako sa mga sinasabi nya. Pakiramdam ko kasi sa sarili ko may dapat nga akong malaman sa sarili ko. Lihim man yun o problema. Pero, may problema nga kaya saming dalawa ni Al kaya kami tinanggap nung Dean? Malaking porsyento ng utak ko ang naniniwala sa sinasabi ni Karen. Ilang minuto pa kaming nagusap tungkol sa bagay na iyon. Nalaman namin na Sleep Walker si Rhianna at dahil sa nakaraan nya, halos makapatay sya.

Ipinaliwanag nya rin kay Al ang dapat nyang gawin kapag nangyari ulit ito. tumango naman si Al at lumabas na ako ng silid. Palalampasin ko na lang siguro ang mga kaartehan ni Al kanina. Ginamit lang pala niya ang acting skills niya kanina para makalusot kami sa sitwasyon.

Nasa tapat na ako ng room namin ni Ro at bubuksan ko na ito ng bigla na lang may nagbukas nito mula sa loob at iniluwa nito si Ro.

"ANAK NG TOKWA'T BABOY NA MAY BANGS!!!!" Sigaw ko dahil sa gulat.

Patay, nagalit ata. Sumama yung itsura ng mukha e. Ano bang nasabi ko?

____________________________

rune saito: patay ka na Wendyl sabihan mo ba naman syang baboy. patay ka talaga.

Wendyl: nu ka, parang yun lang e. bat sya magagalit e nagulat lang naman ako nun.

Rune: ewan, bahala ka na. Next chapter ko na lang sasabihin kung bakit sya galit sayo halata namang dahil yun sa sinabi mong baboy sya!!!!

rune saito out.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon