Ako si Zaye. At sya si Raffy. Nakatwo years na kami noong aug 17, 2011.
Ito ang story ng aming LDR.
Ang papa ko naassign sa Riyadh noong october 2010.
Noong closing na namin sa school, nagdesisyon ang mama ko na magbakasyon sa Riyadh. Kaya't Nasa Riyadh na kami, masaya ako nun pero parang kinakabhan ako kasi parang pakiramdam ko na dito kami patitirahin ng Papa. :|
Ang bf ko, hindi narin nagpaparamdam noong time na nasa Riyadh na ako. Isang araw, nagonline sya. Nagpaalam sakin dahil pupunta sila ng al khobar at dammam bukas. Kaya hindi muna sya makakapagol, makakatawag.. For short makakapagparamdam. Syempre ako, nag "oo" nalang. Kahit na masakit dahil LDR na nga kami, hindi man lang niya magawang makipagusap sakin. At sabi ko nalang sakaniya, "happy trip. Ingat kayo" At yung araw na yun, monthsary namin.. Pagkatapos niya sakin yun sabihin, nagpaalam na sya sakin at sinabing "Mahal, alis na ako ha. Last ko na tong makipagchat sayo. Lagi kang magiingat ha. Happy monthsary! :*"
May tinatype palang ako nung time na yun, pero bigla nalang nagpaalam at nagoffline. And I was like, OUCH. Di man lang inantay rep ko. :'|
Naniwala na sana ako nun, kaso kinabukasan may kaibigan akong nagsumbong saakin at sinabing "nakita ko ang Bf mo sa school" Ako naman nagulat at nasaktan na ng sobra dahil bakit niya saakin nagawang magsinungaling.. Akala ko pa naman nasa Al khobar na sila, nasa Dammam na sila. Pero yung time na yun, hindi muna ako nagsalita. Pero sunod-sunod ang mga nagsusumbong sakin na ang bf mo nasa labas naglalaro ng dota, ang bf mo nakita kong nagtatambay..
Kaya dahil dun, araw-araw na akong napapaluha kaya nagtext na ako kay Raffy, sabi ko "Mahal, bakit nasa Jeddah ka parin? Akala ko ba nasa Dammam at Al khobar ka na? At kung hindi kayo natuloy, bakit nagawa mo parin na hindi saakin magparamdam? Nagloloko ka na ba? ;'|"
Simula dun sa text ko, biglang nagonline ang Bf ko. NagPM sya sakin, pero hindi ko nasagot dahil naiwan kong ol yung YM ko.. Nagalit sya sakin dahil di ko sya nireplyan.. Imbis na ako ang magalit sakaniya ng sobra. Hanggat sa nagiba narin ang sim ko, dahil barred na ang luma kong simcard..
Unti-unti ng nagbabago ang pagmamahal niya saakin noong nagbakasyon kami ng Riyadh..
Napagdesisyonan ng mama at papa ko na dun nalang kami tumira.. Sinabi ko ito sa mga kaibigan ko, at lahat sila nagulat.. Ayaw nilang maniwala hanggat sa sinabi ko na sakanila na nakahanap na ng bahay ang papa ko malapit sa school.
At nalaman ni Raffy tungkol rito at ATLAST! Nakita ko syang nagonline at piniem ako..
Raffy: Bakit di mo sakin ito sinabi na dyan pala kayo titira??!
Zaye: Bakit di mo rin sakin sinabi ang nalaman ko?
Raffy: Nawawalan kasi kami ng net kaya di ko sayo masabi-sabi!
Zaye: GANUN? Ang babaw ng rason mo. Kahit text man lang, di mo magawa! :|
Raffy: ..(Wala na syang masabi)
Zaye: OH? NGAYON? WALA KA NG MASASAGOT?! DAHIL GUILTY KA!
Raffy: Nagoffline *
Nakakabadtrip lang kasi nakaone month, di niya nagawang magparamdam. Nagparamdam lang sya nung nalaman niyang magkakalayuan na kami. ;-< At nalaman ko sa kaibigan niya na ayaw niya rin daw maniwala. Dahil baka niloloko lang daw kami, pero hindi. Hindi kami niloloko ng parents ko dahil nakahanap na ng bahay malapit sa school..
Bumalik na kami ng Jeddah para kunin ang mga gamit namin dun. Noong nandun na kami, ang mga kaibigan ko ang una kong sinurprise at hindi kay Raffy dahil hindi pa kami nun nagaayos.. Nagonline si Raffy, at kinausap ulit ako..