Row 4 (ONE SHOT)

475 14 8
                                    

"Uy anong oras na ba?"

"Sana absent yung prof para uwian na!"

"Girl nagtext sakin si Beyv, magkita daw kami mamaya!!"

"Penge ngang pulbos!"

"Uy dali may ikekwento ako.."

Hay. Ganito na lang lagi ang naririnig ko sa mga kaklase ko pag walang prof or free time. Ang iingay! Kelangan pang sumigaw e katabi lang naman yung kausap!

Ugghh! Ang boring naman! May klase pa ba talaga after lunch? Di ba pwedeng umuwi na lang? Nakakaantok kaya.

"Hoy bruhaaaa!! Bat mo ko iniwan sa canteen? How dare you!"

Isa pa 'to. Ang ingay talaga!

"Araaay ko!" At nanghila pa siya ng buhok! "Quiet nga please!" Sabi ko na lang sa kanya at kinuha yung phone ko.

"Quiet daw! Hinahanap kaya kita dun yun pala wala ka na!"

"Oo na! Tama na sigaw ano ba. Sasabayan mo pa 'tong mga blockmates natin e! Kasi naman di ba inuna mo pa yung jowa mo kesa sakin kaya iniwan kita. Ha ha ha"

"Sus! Umiiral na naman yang pagka-man hater mo. Best.." At lumapit pa siya sakin. Ano na naman ba?!

"Bakit ba kasi ayaw mo pang magkalovelife ulit para di ka na mukhang aburido dyan lagi!"

"E kasi po di pa dumadating yung lalaking para sakin kaya ayoko muna. Gets?" At nginitian ko siya ng ngiting nakakaasar.

"Weh? Baka naman kasi.. Umaasa ka pa rin dun sa super crush mo? Hahaha!"

"Ang yabang mo talaga! Tigilan mo na nga ako."

At umalis na ko sa upuan niya dahil dun pala ako nakaupo mula pa kanina di ko namalayan.

"Ayan buti naman at umalis ka na sa upuan ko."

Sungit. Ganyan kami ni Erin. Normal na samin yan. Bestfriends nga kasi kami.

Bumalik na ko sa upuan ko na nasa 2nd to the last row sa may tabi ng bintana. Kasi naman di ba alphabetically arranged ang seats at letter O ako. Medyo may kalabuan pa naman 'tong mga mata ko. Tiis tiis din.

Ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na ang prof namin. Simula na ng pagtulog.. Este pakikinig.

Teka, nasan yung ballpen ko? Mahalaga yun sa buhay ng tao. Hinanap ko sa bag ko, sa bulsa ko, sa I.D. lace ko. Wala.

Pagtingin ko sa sahig.. Huli ka balbon! Pinulot ko yun at nauntog pa ko sa arm chair ko. Umangat yun at..

May papel na nakaipit. Nakatupi pa siya ng sobrang liit na parang ayaw atang pabuksan nung naglagay.

Pero dahil pakialamera at chismosa ako, binuksan ko yun. Baka may pera sa loob e! HAHAHA.

Ang boring talaga! Kung pwede lang matulog sa klase kanina ko pa ginawa! @&$%

Di naman kaya galit si kuya? Well, alam kong lalaki 'to. Medyo pangit kasi yung sulat tsaka sa sentence pa lang mismo halata na e.

Teka nga masagot nga 'to, trip trip lang tutal nagsusulat pa lang naman sa board si ma'am e.

Don't say bad words. :) Okay lang naman matulog no, gawain ko rin yan minsan. Basta wag ka lang papahuli. :)

Row 4 (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon