Freshmen College ako nuon...halong takot at kaba ang nararamdaman ko nun..kasi parang napaka-seryoso na ng dating para sa aking ang buhay kolehiyo, dahil para sa akin dito na nakasalalay ang magiging kinabukasan ko..Hindi mahirap para sa akin ang magkaroon agad ng mga friends kahit pihikan ako sa kaibigan hindi naman ako ganun kasuplada
Si Eva, Carmela at Marj ang mga naging kaibigan ko nun..si Eva, prangka at masungit pero may kabaitan naman na taglay. Si Carmela naman, friendly ang dating at laging naka-smile. Si Marj naman, mabait at pala-kwento. Lagi kami magkakasama lalo na kapag nag-aantay kami ng klase. May isang guy na lumapit sa amin at nakipag-kaibigan, si Rolando. Isa syang mayabang at perfectionist na tao. Kapag nagkamali ka ng nabigkas na salita walang habas ka nyang itatama sa salitang nabanggit mo...halimbawa kung bisaya ka magsalita at nabanggit mo ang word na pa-bisaya tulad ng "Ten" nabigkas mo ng "Tin", tatawanan ka nya at sasabihin sayo kung ano ang tamang bigkas para duon, pero sa kabila nun may talento din sya sa pagtugtog ng gitara at maganda ang boses nya, sa katunayan nga may banda sya at bass guitarist sya sa grupo nya. Kapag vacant time namin sa mga lilim ng puno kami nag-papahinga at habang nagpapahinga kami dun, natugtog sya ng kanyang gitara at kami naman ay kumakanta.
Busy ang lahat sa School dahil next month foundation day na. Marami mga pa-contest ang gagawin sa school namin. May dance contest, battle of the band, at marami pa..At syempre sumali ako sa dance contest, nag-audition ako at ang sinayaw ko nun ay yung sinayaw ko nung high school (buti nalang saulo ko pa ang mga steps)..
Nakapasa ako sa audition..atlast kasama ako sa mga magpe-performed sa aming foundation day..Mga ilang araw pagkatapos ng audition nagkaroon agad kami ng practice. Medyo ginabi na kami sa aming practice ng hindi ko inaasahan na may sumabay sa akin sa pag-uwi si Rolando, galing din daw sya sa pratice ng malaman nyang may practice din ako, naisipan nalang din nyang antayin ako at sabay na kaming umuwi. Nung una wala lang sa akin yun kasi alam ko naman na classmate ko sya at wala lang malisya para sa akin yun, pero nung kinuha nya ang mga dala kong gamit at nag-sabi sya na sya na lang ang magdadala, medyo napa-isip ako bigla, nanliligaw ba sya? Iba na kaagad ang naramdaman ko nung mga oras na yun. Mga ilang gabi din nya yun ginagawa. Tinapat ko sya kung nanliligaw ba sya sa akin. Umamin naman sya at nagtapat ng nararamdaman nya.
Umabot ng 2 weeks ang panliligaw nya, sinagot ko sya nung September 21, 1999. Aaminin ko hindi ko sya mahal nung sinagot ko sya, dahil umaasa ako na made-develop din ako sa kanya at matutulungan nya ako makalimutan ang first love ko na si Jon. Medyo hindi maganda ang unang buwan ng aming pagiging mag-boyfriend, aaminin ko parang madami din ata nainis sa akin nung nalaman nilang mag-boyfriend na kami. Halos nawala ang mga kaibigan ko, tulad ni Eva, dahil dun ko lang nalaman na may gusto din pala sya kay Rolando. Kaya simula nun iniwasan na nya ako. Hindi lumaon pati yung mga barkada ni Rolando na sina JC at Faith medyo may galit din sa akin, huli ko na din nalaman na bago sa akin, nanligaw din pala sa kanya si Rolando, hindi lang nya sinagot kasi hindi pa sya ready magka-boyfriend.
Simula nun sa kanya lang umikot ang mundo ko. Sya lang ang naging bestfriend at boyfriend ko nung mga panahon na yun, ika nga nila may sarili kaming mundo. Yung mundo na kami lang ang nakaka-alam at nagkakaintindihan. Kahit ganun lang ang naging mundo namin naging masaya naman kaming dalawa.
Pagkatapos ng aming klase maaga kami umuwi at nagkayakaran na mamasyal muna sa kami sa festival mall. Habang naglalakad kami palabas ng campus, sila Rolando at ang mga barkada nyang babae nag-aya na magpicturan muna, kaya biglang nag-iba takbo ng mood ko (aaminin ko bigla ako nakaramdam ng selos sa kanila, yung tipong pakiramdam ko bigla ako nabale-wala sa kanya). Kaya sa inis ko bigla niyakad ko si Marj at Carmel na iwanan na sila at sumakay na kami ng jeep. Nauna kami sa festival habang sila papunta palang.
Nasa festival na kami ng magyaya si Carmela na bumili muna ng makakain, para habang nag-hihintay sa kanila may mga pagkain na kami. Pagkatapos namin mamili ng mga pagkain dumating sila at hindi ako pinapansin ni Rolando, halatang galit na galit sa ginawa ko. Aaminin ko mali ang ginawa ko dahil hindi ko man lang sya sinabihan na naiinis ako, kaya bigla ako umalis. Para mawala ang galit nya sa akin, nilambing ko sya at niyayang kumain.."Roland sabay na tyo kumain, inantay talaga kita para sabay tayo kumain, pasensya na kung iniwan ko kayo", pagkatapos ko mag-salita, nakita ko na bigla syang ngumiti at nag-iba ang aura ng mukha nya, kung nuon ay galit ngayon ay mukhang kalmado na. Pagkatapos namin kumain, nagpa-alam muna ako na pupunta ng rest room.