I remember I was not feeling well that time. I can feel that I already have back-pains and some muscle pains.
*Flashbacks
Hmmm?
Ouch.. Ang sakit naman ng buong katawan ko..
Dinilat ko mga mata ko. Nasan ako? Kunot noong tanong ko sa sarili.
Umupo ako para ilibot ko mga mata ko sa buong kwarto. Ganda naman dito. kaninong kwarto ba ako?
Hmmmmmmm...
Aissssh! sumasakit lang lalo ulo ko kaka-alala. Di ko tuloy mapigilang mapakamot sa ilong ko. Kati eh.---
"Hey! Gising ka na pala.." Sabi ng lalaking nakaupo sa sofa na katabi ng bed ko.
---saka ko narealize na may dextose pala ako. "Ah? Obvious ba?" Pagtataray ko. Syetness. Sobrang sakit kasi ng katawan ko.
Napatingin ako sa mga sugat ko sa katawan "Ahmmm. Ayos ka lang ba? Gusto mo ba tawagin ko Nurse?"
Umiling ako. "Sa'n galing 'tong mga sugat ko na to?" Tanong ko. Napatingin ako sa lalaking kausap ko.
Syet. Ang pogi!! fafaable.
"Ahmmm.. Naaksidente ka." Nag-aalalang sagot nya.
"N-naaksidente? Anong klaseng aksidente naman? Ba't wala akong maalala?!"
"Car accident. Ang sabi sakin ng doctor, nag kaamnesia ka daw. Boyfriend mo 'ko. Dapat magpapakasal na tayo that day before the accident. Sira daw preno ng sasakyan mo.." Biglang nalungkot mukha ni Boyfriend daw, "Sorry ha? Ahmm, Wala ako sa tabi mo nung time na yun kaya di kita naprotektahan.." Hinawakan nya kamay ko na may dextose. Ang init; sarap sa feeling ng kamay nya.
"O-okay lang.. Ang mahalaga buhay ako at nandito ka sa tabi.. ko" Medyo naiilang na sabi ko. Ang pogi naman kasi neto eh!
Saka ang hirap naman neto. Nangangapa ako ng maaalala. Kaso wala talaga..
Bigla nya ako niyakap. "'Di na kita papabayaan. Sakin ka lang."
"Hah?" Di ko kasi masyado naridig yung huling bulong nya.
Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin saka pinisil ilong ko. "Wala. *Ehem* Pomal akong magpapakilala sayo" Sabi nya. Tumayo na sya sa gilid ko. "Ako nga pala si Zack, ang booyfriend mong pogi na hindi ka na makakakita ng ganito kahit sa ibang planeta pa" Ngumiti sya ng bongga saka inabot kamay nya sakin.
Medyo natawa ako. Conceited pare. Haha. Di ko na sya kinontra, totoo naman eh. Inabot ko na kamay nya "Ah, It's nice to meet you my boyfriend. Ako nga pala si..." Napatigil ako. May inaalala.
"Phoebe pangalan mo. Bee tawag ko sayo" Saka nya hinalikan kamay ko.
Medyo natatangahan ako saming dalawa pero I feel comforatable sa kanya. Sana bumalik na ala-ala ko para hindi na ko nangangapa. Malay ko na naaksidente ako kasi nag-away kami at echos lang yung nawalan ng break yung car? Hehe. Jk lang.
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
Present OR Past? (Ongoing Series)
Teen FictionIto na nga bang kinakatakot ko.. Ano ang ang pipiliin ko.. Ang Present O ang Past?