Pagmulat pa lamang ng aking mga mata ay dinig na dinig na ang mga putok ng armalayt na nagmumula sa labas, ngunit hindi pa ba ako nasanay? Sa araw -araw na ginawa ng diyos ay puro ratatat na lamang ang naririnig ng aking mga tainga na para bang sasabog na ito ano mang oras, ratatat na puno ng pasaring, panunudyo at mga salitang tagos hanggang puso, ratatat na nagmumula sa kanya.
Sa kanya na gumigising ng maaga para ipaghanda kami ng pagkain bago pumasok sa eskwela, sa kanya na ginagawa ang lahat ng gawaing bahay araw -araw, sa kanya na hinaharap ang lahat ng hirap para sa amin, sa kanya na ginagawa ang lahat para sa amin, sa kanya na minamahal kami ng buong puso.
Tumayo na ako mula sa aking higaan at lumabas mula sa aking kwarto. Binuksan ko ang pinto ng aming sala at naroon siya sa labas, nakatayo at sandaling nakatitig sa akin ng mataman habang hawak ang kanyang paboritong armas saka itinutok iyon sa lupa sabay ikinahig sa ibat ibang direksyon at nagsimula na naman sa kanyang mahaba -habang litanya. Napangiti na lamang ako at napaisip
"Kailan ko kaya siya masusuklian? "
Ano na jan?! Sino naka relate? Comment your experiences with your mother's guyx!! hihi
BINABASA MO ANG
ANG AKING MGA DAGLI
RandomDagli -ay isang anyong pampanitikan na maituturing maikling maikling kuwento. Ang mga akda po ay orihinal ko pong gawa! ftc