RANZ'S POV
Hindi ko alam kung sang ayon ba talaga ko sa plano ni Oliver nung isang araw. Parang ang hirap naman magpanggap para sa amin nila Jubail, Shane at Owy. Tch. Bahala na nga.
I can't tell to everyone na nakamove on na ko. Pero hindi ko na siya gaanong naiisip. Minsan syempre namimiss ko siya. I really do. And I still love her. Ako kaya namimiss niya? Mahal pa din kaya niya ko?
Since gusto ko din naman makabonding ang barkada, makikisama nalang ako para sa kanila. May kakaiba akong nararamdaman sa plano na yon eh. Parang may hindi magandang mangyayari. Tch. Paranoid na naman Ranz!
"Kuyaaaaa!!". Napatakip naman ako ng tenga sa sigaw ng makulit kong kapatid.
"Ano ba Andrea!". Pinaningkitan ko siya ng mata. Ay, singkit na pala ko haha!
Nandito pala kami ni Andrea ngayon sa mall. Nagde date kami. Idea lang naman ito ng magaling kong kapatid. Nabobored na daw kasi siya sa bahay kaya magdate nalang daw kami, since bored na din naman ako pumayag na ko. Nako! Hindi kaya ganito din si Andrea sa magiging boyfriend niya? Siya pa ang mag aaya na magdate? Aba! Hindi ata tama yon. Kailangan ko siyang pagsabihan. Mamaya isipin pa nung boy, easy to get yung kapatid ko. Tch. Baka di ko siya matantsa, basagin ko mukha niya.
"Hello! Date natin 'to, pero lutang ka! Ano ba kuya magfocus ka naman sa maganda mong kapatid!". Napapoker face ako sa sinabi niya. Ayos din 'tong kapatid ko. Makabuhat ng sariling bangko.
"Tch. Oo na, ubusin mo na yan. Mag Quantum pa tayo.". Nag smile naman siya at nag okay.
Seeing her like this? Napapangiti ako. Atleast napapasaya ko yung baby sister ko. Kahit ayaw niyang tinatawag ko siya 'baby'. But still, she's my baby princess. Kamukhang kamukha niya talaga si Mom. Parehas gorgeous.
-Quantum..
Nakabili na kami ni Andrea ng tokens. Hinila niya ko sa kumukuha ng stuffed toys, ano nga ba tawag don. Tch.
"Kuyaaa! Kuha mo ko ng cutie bear, yung pink!" Sabi niya na parang bata.
Naghulog na ko ng token. First try, wala akong nakuha. Pero second try, nakakuha na ko. Hanggang sa nakailang try ako. Nakakuha tuloy kami ng five na bears. Sa sobrang tuwa ng kapatid ko niyakap pa niya ko. Sunod na pinuntahan namin sa basketball. Gusto daw kasi niya magbasketball, kaya hayaan na. Padamihan daw kami ng mashu shoot, oara namang mananalo siya. Magaling kaya ako magshoot.
Iginala ko yung mata ko, kung saan may vacant na pwede namin paglaruan. Pero iba ang nahagip ng mata ko. Isang babae na may kasamang lalaki, naglalaro sila ng basketball na masayang masya at sobrang sweet..
Lumapit kami sa kanila, napatigil naman sila sa pagtatawanan nang makita nila kami ni Andrea.
"R-ranz!". Bati niya sakin. Ngumiti naman ako sakanya at tinitigan yung lalaking kasama niya.
"Yo bro!". Bati sa akin ng lalaking kasama niya. Tinanguan ko lang siya.
"Hi ate Irish! Waaah! Namiss kita!". Lumapit si Andrea kay Irish at nagyakapan sila.
Akala niyo si Jubail yung nakita ko ano? Haha.
"Nagde date din kayo?". Napapoker face naman ako sa tanong ng kapatid ko. hindi ba obvious?! Tch.
"Yep. Si Rupert nga pala! Anyway, kumain na ba kayo? Tara para double date tayo.". Nakangiti niya sabi. Ang ganda talaga niya, lalong gumaganda si Irish. Masyadong inlove, pero bakit sakin non? Haha joke!
"Actually, tapos na kami. Next time nalang, alam kong gusto niyo magsolo. Sige na.". Ngumiti ako sa kanila. No hard feelings.
"Sige bro thanks. We have to go, my girlfriend is gutom na.". Conyo! Tinapik niya ko sa balikat.
"Aww, sayang naman. Sige next time nalang. Bye Andrea! Bye Ranz!". Nagbeso lang sila ni Andre at umalis na.
"Kuya..". Tiningnan niya ko na may halong pang aasar. Tch. Alam ko na ibig sabihin nito.
=__=
"Stop! Tch. Tara na't maglaro.".
Tawa lang siya ng tawa don. Psh! Kung hindi ko lang 'to kapatid binatukan ko na 'to. =__=
----------------
Heeey! Happy New Year! vote and comment! :'D@SuperJubsBell

VOCÊ ESTÁ LENDO
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Diversos-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...