CHAPTER FORTY FOUR :))

314 6 1
                                    

Chapter 44

"Ha? Bakit naman naging ganon ang desisiyon ng papa mo?"-tanong ni brayan sa akin. Tinawagan ko kasi siya agad pagkatapos ng away namin ni papa. Pinilit ko pa ring kausapin si papa kanina pero hindi siya pumayag sa gusto ko. Naiinis na talaga ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tinawagan ko si brayan para tulungan akong magpaliwanag kay Aira. Actually, si Brayan ang magpapaliwanag ng lahat kay Aira kasi nga diba hindi ko pwedeng tawagan si Aira?

"Hindi ko rin alam pre eh! Biglaan nga yung desisiyon niya eh. Kilala mo naman si papa diba? May isang salita siya at wala na akong nagawa sa desisiyon niya."-paliwanag ko. Narinig ko lang siya na nagbuntong hininga.

"Ano pre? Matutulungan mo ba ako?"-wala na kasi talaga akong maisip na ibang paraan eh. Si Brayan lang talaga ang naisip ko na tutulong sa akin. Si Michael kasi busy sa mga games niya eh.

"Oo naman! Pero hindi ko hawak ang emosyon ni Aira pre ah!"-wala ngang may hawak ng emosyon ni Aira. Pero...bahala na! Kahit alam kong masasaktan ko siya wala na akong magagawa eh. Sana talaga maintindihan niya. Sana talaga...

"Salamat talaga pre. Sige na, it-train pa ako ni papa."-at binaba ko na yung telepono. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni papa. Paano kung hindi maintindihan ni Aira at mag break kami ulit? Alam kong hindi ko yun kakayanin. Pero ang hirap kasi talaga ng sitwasiyon ko eh, alam kong may masasaktan na isa kapag pumili ako and I damn hate it! Naiinis ako kasi kailangan kong pumili. Hindi ba pwedeng wag na lang pumili? Pwede naman yun diba?

Dumiretso na ako sa CR para maligo pero iniisip ko pa rin si Aira. Ang gulo gulo na ng isip ko! Naiinis na talaga ako! Nung natapos na ako, sinuot ko na yung mga dapat suotin at balak ko ng dumiretso sa tennis field ni papa. Oo may tennis field talaga siya rito sa US. Ayun kasi yung una niyang ipinundar nung nag sunod-sunod yung panalo niya sa mga games niya. Malaki rin ito at kaaya-aya sa mata. Marami ring nagpupuntang tao rito dahil nag papa-autograph kay papa. Hindi na ako bago run dahil bata pa lang ako, sikat na sikat na si papa rito at syempre dahil anak niya ako, nahawa ako ng onti sa kasikatan niya. May iilang nag papa-picture sa akin. Pero iilan lang naman yun eh.

Mga 15 minutes bago ako nakapunta sa tennis field ni papa at as usual, marami ng tao rito. Nag papa-picture at nag papa-autograph kay papa.

Naglakad na ako papasok sa tennis field at nung nakita ako ni papa, agad agad siyang pumunta sa akin. Sinundan din siya nung mga taong nag papa-picture at nag papa-autograph sa kaniya. Shit! Bakit ang dami nila? Tapos karamihan pa ay mga teenagers. Teka? Pumunta ba sila rito dahil sa sikat si papa o dahil gwapo si papa? Mukha kasing mga 27 pa lang si papa eh. Hindi mo aakalaing may asawa't anak na siya.

"Hey everyone! This is my son Vincent."-at inakbayan pa ako ni papa. Hindi ako tinitignan ni papa. Galit pa rin ba siya? Ang unfair talaga! Diba dapat ako ang magalit sa biglaang desisiyon niya?

"Fuck!"-bigla akong napaatras nung biglang may humalik sa akin na babae. Agad agad ko siyang tinulak at agad agad ko ring pinunasan ng damit ko ang labi ko. Shit! Bakit niya yun ginawa. Na pa praning na ba siya? Narinig ko lang ang lahat na nagtatawanan. Anong nakakatawa run? Tangng mga tao yan! Ano bang trip nila sa buhay? Kung wala lang talaga si papa rito, baka nahampas ko na sila ng raketang hawak ko. Nakaka asar kasi eh! Anong klaseng trip ba yung bigla biglang nanghahalik? At bakit pati si papa, tumatawa rin? Anong problema nila? Shit talaga!

"Oh darling! You are so handsome and you're lips are really sweet."-kinilabutan ako sa sinabi niyang yun. At mas lalo akong kinabahan nung nakita kong papalapit ulit siya sa akin. Napapa atras lang ako. Shiit! Ano bang problema nito? At bakit ako napapaatras eh kayang kaya ko naman siyang itulak palayo sa akin? Ganito ba ang mga tao sa US? Parang baliw lang? Pervert?

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon