ZAC
"What the hell, Zac? Paalis ka na ng bansa pero ngayon mo lang sa amin sasabihin?"
Napabuntong-hininga siya sa boses ng kanyang Ate Camille. Pero kasalanan niya naman talaga. Ngayon lang niya in-inform ito tungkol sa pag-alis niya. Yes, he's flying to New York today.
Kinailangan niya na lang muna na umiwas at magpalamig ng sitwasyon doon. Seryoso si Igi sa pagbabanta nito sa kanya. Halos araw-araw simula noong insidente sa bar ay nakakatanggap siya ng death threat sa kanyang condo unit.
Sinubukan niyang hindi iyon pansinin. Alam niyang nananakot lamang ito. Pero nito lang ay nakita niyang basag ang salamin ng kanyang sasakyan sa parking lot sa bar na kanyang pagmamay-ari. Butas ang katawan no'n sa tama ng mga bala.
Natagpuan niya ang isang note sa loob ng sasakyan na nakabalot sa bato.
I'll kill you.
Wala siyang planong ipa-pulis ito. Alam niya namang itatanggi lang nito iyon. At sa dami ng mga naka-iringan niya noon, hindi matutukoy ang tunay na salarin ng ganoon kadali. Baka malamig na bangkay na siya oras na maipakulong ito.
Kaya kailangan niya na munang umalis. Siguro naman kung gagawin niya ito, kung lalayo na muna siya, ay makakalimot din ang Igi na iyon. Ni hindi na nga siya nakikipagkita kay Elisse!
"I'm sorry, Ate Cam. It's urgent."
"What is so urgent, Zac, na kahit ang tumawag at magpaalam ay hindi mo magawa?"
Napabuntong-hininga na lang ulit siya. "I'm already twenty-five, ate. Siguro naman ay pwede na ako'ng magpunta sa kahit saan ko gustuhin dahil matanda na ako."
"What kind of reasoning is that, Zackery? Kahit na twenty five ka na, kapatid ka pa rin namin. Bunsong kapatid! Hindi dahil matanda ka na mababago na 'yon!"
Napangiwi na lang siya sa pagtataas ng boses nito at hindi na nagsalita pa. When she's this mad, there's no amount of reasoning that can calm her down.
"Zac, tell me what is going on? May problema ka na naman ba dahil sa pambababae mo?!" sigaw nitong muli sa kabilang linya. "Sinabi ko na kasi sa'yo na tigilan mo na 'yan. You're already twenty-five. Bakit hindi ka maghanap ng babaeng pwede mong seryosohin para hindi ka napapahamak ng ganyan?"
"Walang nangyari ate. Please, just calm down. This is for...for business purposes," pagsisinungaling na lang niya. "Maghahanap ako ng ilang investors o 'di kaya bagong idea para sa pagkaing puwedeng ihain sa Victoriano's."
"Victoriano's is a Filipino Restaurant, Zackery. Bakit sa New York ka maghahanap ng ideya, may kare-kare ba sila diyan?"
Shit. Of course he cannot outwit his Ate Camille. She graduated Summa Cum laude and now works as a teacher in a prestigious school.
"Basta. Para sa negosyo ito. Saka na tayo mag-usap, ate. Tinatawag na ang flight ko," agad na binaba niya ang telepono bago pa man ito maka-angal.
Humugot siya ng malalim na hininga. One down. Two to go. Idinial niya ang numero ng kanyang Ate Viv. Unang ring pa lang ay sinagot na nito agad ang tawag.
"Ate Camille told me you're flying to New York today. Ano'ng gagawin mo do'n at bakit ngayon mo lang sinabi?"
Isinuklay niya ang daliri sa kanyang buhok. Bumaling siya sa kanyang harapan at nakita niya ang dalawang magandang babae na nagbubungisngisan habang nakatingin sa kanya. Kumaway ang mga ito sa kanya.
Ngumiti siya at kinindatan ang dalawa. Kinilig naman ang mga ito sa kanyang ginawa. Seryoso niyang ibinaling ang tingin sa iba.
"Punta lang ako doon para magbakasyon."
BINABASA MO ANG
OPLAN: Find a Girlfriend for Zac
FanficZackery Jalbuena is a known playboy. Date doon, date dito. Kali-kaliwa ang mga fling niya na madalas ay dahilan kung bakit napapasok siya sa maraming gulo. Dahil dito, nagpasya ang mga ate niyang ihanap na siya ng babaeng maaari niyang seryosohin. A...