Spring

70 1 0
                                    

“ Harvie ! gising na bibili ka pa ng pandesal !” Umaga na naman. Pero ok lang bakasyon na. mag sasawa na naman ako sa pag lalaro ng computer, ayosssss

          Badtrip ako lage pag nagising ng umaga. Pero habang nababa ako ng hagdan mararamdaman mo na talaga ang bakasyon. Nakakatangal ng init ng ulo ung ambiance na walang naliligo ng ma-aga, walang mauusok na tricycle ang humaharurot at walang mga swagger na studyanteng sobrang tataas ng buhok at may mga pabangong new arrival pa ata ng San Ramon.

          Matulog, kumain, mag computer, tumambay at matulog ulit. Routine ng mga kabataang lulong sa katamaran tulad ko.

          Ready natalaga ako sa bakayson dahil marami-rami ang naipon ko pang computer, malakas at madiskarte kasi ako sa pangungupit, buti na lang ay walang cctv camera sa loob ng bahay namin.

          Planado na ang lahat ng gagawin ko sa bakasyon ng biglang sumigaw na ang naturang armalite ng bahay  “Harvie! Mag enroll kana hangat ma aga. Mas masarap mag enroll pag wala kang kasabay”. Yari na tayo nan brad! Pag hindi ka agad sumunod e uusok na ang mga butas ng ilong nito at wala pang ilang minuto e migrated kana sa Iraq. So no choice sumunod na lang ako dahil ayako matalsikan ng madaming shrapnel.

          Lumipas ang mga araw na naubos na ang oras at pera ko sa pag eenroll. Nag aantay ako mainterview habang nag eenjoy ang mga tropa ko sa pag lalaro. Walang tatawa! Hindi masaya! Bukod kasi sa unti unting pag kaubos ng oras ko e nalaki na din ang itlog ko sobrang tagal ng proseso sa pag eenroll. Interview lang naman, kung san titingnan ang mga nalalaman mo at ang muka mong haggard sa mag hapong pag kakaupo.

“hindi na kayo highschool”                                                                               

 “mag aral kayo mabuti”                                                              

“hindi biro ang maging college”                                                                    

  Kalimitan maririnig ito sa mga concern na studyante ng pamantasan at maririnig mo din sa ibang nakadanas na ng markang singko. Sabi kasi sa akin singko daw ang ika pupuwing ng mga mata mo pag nakita mo ito, may pramis pang kasama na mag tutubig daw talaga sila, pero ito ay para lang sa mga studyanteng may hiya at awa sa mga magulang nila. Pero dahil nabuhay ako nang pumapasa habang naka upo, dinedma ko ang mga ito at tumawang naka yuko.

          Hindi sulit ang bakasyon. Natauhan na lang ako nung oras na nag susuot ako ng sibilyang pamasok. College na pala ako pero parang highschool lang.

          First day of the school! Grabe ang saya . . . . . . . . . .ang saya talaga. Hay nako ang sarap pumatay. Pero buong sigla akong humingi ng baon at pumasok na para bang galing sa matinding sakit. Hindi ko din naman mahanap ung room ko nun kaya sabi ng isip ko malamang walang masipag na professor ang papasok ng ganitong unang araw kaya nag computer na lang ako.

          Sa wakas ay nahanap ko na ang room ko. Ok naman sya, may dalawang electric fan kaso dispalinghado ung isa. Ung isa naman halos wala na din hangin ang nalabas dahil sa sobrang kapal ng alikabok nito. Na alala ko tuloy nung highschool ako, palaging malinis ung mga efan namin. Hindi kasi ito pinapalagpas ng mga kaklase kong luko. Pag medyo makapal na ang dumi nito e babatuhin nila ito ng sapatos para mag buga ng tipak tipak na alikabok. Dahil taga tawa lang ako, papanoorin ko na lang magalit ung mga mabibiyayaan ng dumi sa ulo at kung minsan e sa bibig. Da best.

          Pawang mga propesyonal lang ang nagawa nito. Dapat kasi tamaan mo ung bandang gitna nung efan, bukod kasi sa solidong solido ang alikabok giving e may chance pang makalas ung elisi nung efan dahilan para tumalsik ito at ikamatay nang isa sa mga kaklase mo. Da best.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon