Seatmate (One Shot)

16 1 7
                                    

Happy Ending?

Kelan nga ba naging happy ang ending?

Ending.

Ibig sabihin tapos na. Wala ng kadugtong.

Kaya paano naging happy ang ending?

Lalo na kung..

Hindi pala sa kanya babagsak ang ending mo.

Na..

Hindi pa rin pala siya naka-move on sa past niya.

Na..

Isa ka lang palang pampalipas oras niya.

O..

Rebound.

Kaya ang ending ay hindi happy.

Dahil ikaw ang nabigo,

Nasaktan.

Nagsimula ang aming storya noong 3rd year highschool. Noong nilipat siya ng upuan. Pinalipat siya sa tabi ko. Maraming may gusto sa kanya dahil.. Di ko na ipagkakaila, Oo, Pogi siya at mapang-asar.

Alam kong ang pagmamahalan namin ay puppy love lang. Ni hindi ko nga alam kung pati ba siya ay minahal din ako..

Naalala ko pa noong panahong inaasar niya pa ko. Na.. Lagi akong asar talo sa kanya. Mahirap mang aminin. Oo. Dahil sa mga panunukso at mga mapanuyang ngiti niya kaya ako nahulog sa kanya.

"Huyyy! Galit ka ba?" pangungulit niya sa akin.

"Tss. Ano sa tingin mo?" sabay irap ko.

Tinusok niya ang tagiliran ko. Nakakainis dahil doon ako may pinakamalakas na kiliti. Dahil doon napalingon tuloy ako sa kanya na nakakunot ang noo at nakangiti. Para kong galit na kinikilig.

"Ano ba?!" sigaw ko sa kanya.

"Yieee! Sorry na di na ulit kita aasarin! Pramis!"

"Hmp! Naka-limampung promise ka na pero di mo matupad-tupad! Akala ko ba New Year's Resolution mo ang magbago?" sabay taas ng isang kilay.

"Sorry na. Labyu!" sabay nguso sa akin.

Umarte ako na parang nandidiri pero ang totoo. Kilig na kilig na ako. 'Di ko pinapahalata dahil baka mag-assume.

"Huy! Ba't namumula ka? Hala! Anong nangyayare sayo? May allergy ka ba? Ay teka! Hmmm... Nagbablush ka noh?" tukso niya sakin.

Lumaki mata ko at tinakpan ko ang pisnge ko.

"H-hoy w-wag ka ngang feeler! Kadiri ka!"

"Naku! Alam ko namang may HD ka sakin eh! 'Wag ka mag-alala crush din naman kita!" sabay kindat sakin.

"'Che! 'Wag mo nga kong lokohin! Baka patayin kita diyan!"

"Eh? Patay na patay na nga ko sayo eh!"

"Ewan ko sayo! Wag ako!"

Hanggang sa tumagal ng tumagal nagkaaminan na din kami. O baka ako lang. Dahil hindi ko sigurado kung may nararamdaman din ba siya sakin.

"Will you be my girlfriend?" naka-luhod niyang sabi sakin. Sa gitna ng classroom namin.

Naiiyak ako. Alam kong oa pero at the same time nakakalungkot. Dahil 1 month nalang bakasyon na. At di na kami muling magkikita. Pero may social media naman diba? Magkakausap pa rin kami. Kahit pag bakasyon nasa probinsya ako.

"Hi."

"Kamusta ka na?"

"Ok lang naman. Medyo nakakainip lang dito sa probinsya tsaka minsan walang signal."

"Hayaan mo na 1 month nalang pasukan na. Sige na! Bye na! Labyu." sabay kiss sa webcam.

Sasagot pa lang ako ng 'labyutoo' pero pinatay niya na agad. Baka naiihi na. 3 months na kami next week. Hindi ko tuloy alam kung anong surpresa gagawin ko. Kapag nag-skype kami. Kada monthsary kasi lagi niya kong sinusurprise ng bagong teddy bear na kasing laki niya. Kahit di ko naman nahawakan yung pangalawa dahil nasa probinsya na ako nung 2nd monthsary namin.

Hanggang sa nagpasukan na. Excited na akong pumasok kaya naligo agad ako at pumasok ng maaga. Gusto ko na siyang makita. Sa wakas! After 3 months!

Biglang nagvibrate ang phone ko. Kinilig ako nung makitang galing sa kanya.

'Usap tayo.'

Napakunot ang noo ko. Parang ang ikli naman ng sinabi niya? Tsaka wala man lang 'Good Morning'. Napailing nalang ako. Baka importante.

'Saan? :)' reply ko.

Maya-maya nagvibrate ulit.

'2nd floor sa corridor ng 4th year building. Mamayang lunch.'

Napataas ang kilay ko. Bakit parang ang cold naman ng text niya? Hays.

Hanggang sa tumungtong na ang oras para sa lunch. Nagmadali agad ako lumabas. Naisip ko na baka isa lang 'to sa pakulo niya dahil Monthsary na namin sa isang araw.

Napaangat ang tingin niya sa akin. Napangiti siya ng tipid ng makita ako. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Nakakainis kasi dahil hindi kami magkaklase.

"I miss you!"

"Na-miss din naman kita." sabay ngiti ulit ng tipid.

"May problema ba?"

"Uhh. May gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano?" nakangiting tanong ko.

"Uhm." bumuntong hininga pa siya. "Ano... L-let's.."

"Let's what?" nakangiting tanong ko ulit. Kahit ang totoo parang naiiyak na ako at sasabog na ang dibdib ko na pilit kong kinakalma dahil alam ko na ang kasunod. "Date?"

Nakagat niya ang ibabang labi niya at parang kinakabahan siya. "Alam mo sa apat na buwan na relasyon natin naging masaya ako kahit papaano... Pero.."

"Ano?! Pero ano?!" sagot kong maluha-luha na. "Diretsuhin mo na!"

"Let's break up." sabay tingin niya sa akin.

Nagsimulang tumulo ang luha ko at napahikbi nalang ako.

"Nagkulang ba ako? Bakit? Dahil 3 months tayong nagkahiwalay? Nabobored ka ba sakin? May nakita ka bang iba?" kalmadong tanong ko.

Pinunasan niya ang luha ko at pilit akong pinapatahan.

"Sorry. Pero mahal ko pa rin siya."

Napatawa ako at napailing. Oo nga naman! Ano nga bang panama ko sa 5 years na pagmamahal niya 'diba?

"Minahal mo ba ako?" tanong ko.

"Ginusto kita." sagot niya na di makatingin sakin.

"Sabagay. Alam kong isa na ako sa panakip butas mo."

Sabay takbo ko palabas ng building. Ayoko siyang makita! Ang sakit! Napakasakit! Masakit malaman na ang taong una kong minahal ay di pa rin nakakalimutan ang una niyang minahal. 'First love never Dies' nga naman. Ang tagal ko siyang minahal ng patago. At tuwang tuwa ako nung malamang may gusto rin pala siya sakin. 4 months and 28 days. Sapat na rin naman ang oras na 'yon. Sapat na para sakin yun.

Basta naramdaman ko lang ang mahalin pabalik ng taong minahal mo. Kahit walang kasiguraduhan. Alam kong may forever. Forever itong nakatatak sa isip ko. Ang mga memorya naming dalawa kahit sa napaka-iksing panahon.

Kahit masakit ang naging ending namin. Kahit nasaktan ako ng sobra. Basta ang mahalaga.. Nagkaroon din kami ng storya.

Seatmate (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon