CHPTR 4

227 3 1
                                    

Hyrant's POV

Ano itong nakikita ko ngayon? Masamang panaginip lamang ba ito?

Hindi.

Imposible.

Pero bakit parang magkaclose sila agad? Bakit parang may gusto na sila isa't isa?

Hindi kaya...

No. Scratch that.

Masakit, sobra. Parang nagunaw yung mundo ko ng makita ko sina Kerk at Phia na magkayakap.

Sa totoo lang, sa lahat ng minahal ko, kay Phia yung pinakamatindi. Isa kasi siyang extraordinaryong babae. Kahit bakla, tomboy, babae o lalaki ang kasama niya, kaya niyang sakyan ang trip ng bawat isa. Kaya niyang makisalamuha sa ibang tao.

Nung maalis yung pagkakayakap nila sa isa't isa, nakita ko naman si Qwerty na nakatingin sa kanila.

Doon lang pumasok sa isip ko na baka nag-akapan lang sila para mapaselos nila si Qwerty.

Hay. Ano ba kasi itong iniisip ko? Siguro, masyado ko ng mahal si Phia kaya ganun.

Pero, paano kung mangyari nga ang kinatatakutan ko? Kaya ko bang pakawalan si Phia at ipaubaya siya kay Kerk? Kaya ko ba na huwag na siyang mahalin? Makakaya ko kaya yung sakit na mararamdaman ko? Sana hindi naman yun mangyari.

"ARAAAY DRE!" sigaw ko bigla.

Sampalin ba naman ako ng lokong Jags na 'to.

"Naluluha ka na kasi. Bakla ka tol 'no?" sabi niya sabay pataas-taas pa ng kilay na may halong kagat labi pa.

"Naluha ka na ba dati?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Yung iniwan ako ng first love ko." sagot niya.

"Oh, bakla ka pala eh." sabi ko naman. Hinampas niya naman ako sa ulo.

"Ulol 'to. Hindi ako bakla!" -Jags

"Aba, mas lalo na rin ako!"

Bwiset na Jags 'to.

Napatingin na lang ulit ako sa kinaroroonan nina Kerk at Phia.

Masaya sila habang naglalakad sa hallway. Hindi siguro nila iniinda na late na sila.

"Ahh. Kaya naman pala. Nagseselos." rinig kong sabi ni Jags.

Hindi ko na lang siya inintindi. Sa halip, tinawag ko na lang yung dalawa.

"PHIA! KERK!" sigaw ko.

Okay lang naman sumigaw sa loob ng campus kasi soundproof lahat ng mga rooms dito.

Napatingin sakin yung dalawa at pumunta sa kinatatayuan namin ni Jags.

"Hello Phia!" bati sa kanya ni Jags.

"Hello din!" sabi niya sabay ngiti.

Please lang Phia, palagi ka lang ngumiti. Nawawala yung sakit kapag nakikita kitang masaya.

"Ano name mo? Hehe. Si Kerk at Hyrant lang kasi ang kilala ko sa grupo niyo eh." dagdag pa niya.

"Ah. Hehe. Ako nga pala si Jay Dregs pero tawagin mo na lang akong Jags." pagpapakilala niya sabay shakehands.

"Kerk!" tawag naman ng pansin ni Jags kay Kerk. "Ano yung nakita namin kanina?" tanong ni Jags na namumula. Kinikilig ang loko.

He's a DANCER,She's a SINGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon