Nasasaktan parin ba ko dahil sa nangyari noon? Bakit ba hindi ko parin sya makalimutan..
*FLASHBACK*
Elementary palang ako non. Sobrang mahiyain ako at hindi mahilig makipag usap o makipagkaibigan sa kahit na sino. Loner kung baga. Hanggang sa isang araw, Naglalaro ako mag isa sa playground malapit sa school namin. Wala ng mga batang naglalaro non kasi malapit ng Dumilim. Mas gusto ko kasing maglaro ng ako lang mag isa at walang ibang mga bata sa paligid. Ewan ko ba pero takot ako makipagkaibigan kasi nasanay akong mag isa lang. Naiinggit kasi ako sakanila dahil sila may mga papa at nabully ako noon ng dahil don. Sabi nila napulot lang daw ako sa basurahan kaya wala akong tatay. Kaya simula non hindi na ko nakipag usap sa kahit na sino sa mga Classmates ko at mga kapatid ko lang ang nakakalaro ko minsan kapag nasa bahay dahil mga bata padin sila non. Grade 4 ako non. 8 years narin pala ang Lumipas.. Hindi ko makakalimutan yung araw na yun. Ang araw na una ko siyang nakilala.
Tahimik lang akong nakaupo sa duyan ng may tatlong batang lalaki na lumapit sakin at sinabing
"Hoy! Bakit ka nandito ha?! Amin tong playground na to! Batang napulot sa Basurahan! Hahahaha" Sabi nung Matabang bata na nasa unahan. Hindi ako iiyak. Tinignan ko lang sila ng masama. Lumapit ang isa pa nyang kasama kasama at tinulak ako sa duyan, napaupo ako sa batuhan kaya naiyak na ko sa sobrang sakit dahil tumama yung pwetan ko sa batuhan. Pinagtatawanan lang nila ako. Ang sama nila! Iyak lang ako ng iyak ng bigla nalang may dumating na isang batang lalaki at itinulak nya rin yung batang tumulak sakin kanina. Pagkatapos ay pumorma naman sya sa dalawa pang Bata na parang susuntukin nya yun. Tumakbo naman ng mabilis yung tatlong batang lalaki na takot na takot.
"Okay kalang ba? Halika itatayo kita."
Inabot ko yung kamay nya.
*Dug*Dug. Bakit ganito nararamdaman ko? Bat parang kinakabahan ako?
"T-thankyou" Sabi ko sakanya habang nakayuko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Ito yung unang beses na may nagtanggol sakin.
"Hehe ang cute mo naman".
Nagulat ako nung bigla nyang iangat yung mukha ko at pinunasan yung mga luha sa pisngi ko. Mas nagulat ako nung bigla nyang kurutin yung pisngi ko. Ramdam ko naman na namula ako sa ginawa nya.
"HAHAHA Ang cute mo talaga. Anong pangalan mo?"
"G-gabriela.." nakayukong sabi ko sakanya. "Wag ka ngang yumuko jan. Ako nga pala si Hm. Puppy! Tama ako si Puppy ^_^ Hehehe".
"Ha? Puppy ? Eh diba tuta yun?"
"Hahaha Oo ^_^ Mahilig kasi ako sa tuta kaya ayon nalang itawag mo saken! ^_^" .
"S-sige.. Puppy ^_^".
Iyon ang unang beses na napangiti ako ng isang batang lalaki. Simula nung araw na yon palagi na kaming naglalaro ni Puppy sa playground at hindi narin kami binalikan nung tatlong lalaking tinakot ni Puppy. Hehe hero ko nga sya eh! ^_^. Natuto akong makipagkaibigan at makisalamuha sa kapwa ko mga bata dahil kay Puppy. Naging masayahin narin ako at nakikiisa na sa mga activities sa klase. Araw araw akong pumupunta sa playground para makalaro si Puppy. Hanggang isang araw, Masaya akong naglalakad papunta sa playground, Lumulukso lukso pa ko at pakanta kanta. Napatigil ako sa paglukso nung makita kong wala si Puppy sa duyan kung saan nya ko hinihintay. Nakaramdam ako ng lungkot dahil simula nung unang beses kaming magkakilala ni Puppy, walang araw na pumunta ako dun na wala siya.
"Asan na kaya sya".
Malungkot na tanong ko sa sarili ko. Naupo nalang ako sa duyan at naghintay ng tahimik. Matagal akong naghintay pero walang Puppy na dumating. :(
Mag gagabi na kaya umuwe narin ako. Kinabukasan, Excited akong pumunta sa playground dahil baka nandun na si Puppy at hinihintay ako. Sa sobrang excitement ay tinakbo ko na para lang mabilis na makarating doon. Ngunit agad ring nawala yung ngiti ko nang makita kong wala padin sya. Ano bang nangyare sakanya?
Umupo ako ulit ako sa duyan at tahimik na naghintay ulit doon. "Hayy.. ang tagal mo naman Puppy" Sabi ko sa sarili ko.
May napansin akong papel na nakaipit sa kadena ng Duyan. Kinuha ko yon at binasa kung anong nakasulat.
Dear: Abby,
Ako to si Puppy. Sorry kung hindi na ko nakapagpaalam sayo ng personal ha? Aalis na kasi kami ni Mommy. Ang sabi Mommy pupunta nadaw kami sa Ibang bansa at doon na titira. Mag iingat ka palagi ha? Pag may nang away ulit sayo gawin mo lng yung itinuro ko sayo na pagsuntok ha? Wag mo kong kakalimutan ha? Hahanapin kita pag uwi ko. Pangako yan :) Dito kita hihintayin sa playground na to".
*END OF FLASHBACK*
"Ate? Okay kalang? Bat ka umiiyak?" -Nasiah
Nabalik ako sa realidad nung marinig kong magsalita yung kapatid ko. Teka, umiiyak ? Ako? Hinawakan ko ang pisngi ko at Oo nga umiiyak ako.
"Ah-h Haha wala napuhing lang ako". Sabi ko sakanya habang pinupunsan ang mga luha sa pisngi ko. "Sigurado ka ate? Bat nga pala tayo dito dumaan sa playground na to? Eh malayo naman to dun sa Ice Cream parlor eh". -Nasiah
"Haha wala lang, gusto ko lang maglakad lakad din".
"Ahm Okay"
Nadala nanaman ako ng emosyon ko. Hindi ko namalayan na naiyak nanaman pala ko. Ang tagal na pero hindi ko padin sya makalimutan. Sa tuwing maaalala ko sya hindi ko maiwasang malungkot. Hanggang ngayon na sakin parin yung sulat na yun at talagang tinago ko yun para ipakita sakanya kapag nagkita kami ulit. Yun ay KUNG magkikita pa kami.
Dito sa playground na to ko sya unang nakilala, Wala paring pinagbago to, Nandun parin yung duyan kung saan palagi kaming naglalaro ni Puppy. Kapag may oras ako ay pumupunta ako dto at tumatambay, Umaasa na baka isang araw bigla nalang nya kong kalabitin at sabihing "Hi Abby! Ako to si Puppy" Haha Sabi nya babalikan daw nya ko at sa lugar na to nya ko hihintayin kapag bumalik na sya. Namimiss ko na sya. Nasan kana ba Puppy? Ang tagal mo naman bumalik.
Valerie's POV
After namin dalawin si Abby sakanila ay dumiretso muna ko sa Mall para bilhin yung New collection ko ng Bags. Yiee so pretty talaga! *u*
Pagkatapos kong bayaran sa Cashier ay umuwe narin ako.
"Hi Dad!" Bati ko sa daddy ko na Busy parin sa pagbabasa ng mga Files nya. Hays He look so tired na yet tuloy parin sya sa pag wo'work.
"Nanjan kana pala Sweety kumain kana jan". Sabi ni Daddy habang tuloy sa pag babasa.
"Tapos na po ako Dad. Akyat na po ako sa room ko. Goodnight Dad" Nagkiss na ko sa cheek nya at umakyat na.
Wala na kong Mommy, Namatay siya nung pinanganak ako. Kaya si Dad nalang ang nag alaga saken. Inispoil ako ni Dad but it doesn't mean na I'm Bad. Actually I'm a good girl naman. Spoil lang ako sa mga material na bagay dahil lahat ng gusto ko ay nabibili ko. And I am also a Little bit maarte. Just a Little ^_^v Hehe
*Vibrate*
Ahm, si Kurt? Binasa ko yung message nya
"Hi Val :) Can I get Erika's #? "
Yiee *u* Hinihingi nya # ni Erika. My god ibibigay ko ba? Well. Sge na nga! Hahaha "Yeah of course Here 09******".
"Thanks Val" "Yeah. No prob :)".
Nagpalit narin ako ng damit at nagready na para matulog. Nakita ko yung Laptop ko na nakabukas kaya Nilapitan ko. Err naiwan ko palang nakabukas Fb ko. Ay oo nga pala may ise-send sakin si Cindy buti naalala ko. Yiee! Tinignan ko agad yung Messages at Great! Meron na ngang Sinend na Link sakin si Cindy kyaaah! "Thanks Cindy girl Loveyah :*" Message ko kay Cindy bago iClick yung Link ng Fb ni Vlad na sinend sakin ni Cindy. Waaah He's so Hot talaga! *u* Nag stalk lang ako ng mga Pictures nya and ang Cute nya nung bata pa sya Gosh! Yiee nag save ako ng ibang mga pics nya sa Laptop ko at nag out narin. You will be mine Soon Vlad.
*END OF CHAPTER 5*
SimpleDreamGirlLike.♥
BINABASA MO ANG
I'm Stupidly Inlove with Mr. Manhid
RomanceMahirap magmahal sa taong iba ang gusto. Mahirap magmahal sa taong kaibigan lang ang turing sayo. Mahirap magmahal sa taong alam mong imposibleng mapasayo, Pero ano nga bang magagawa mo kung siya at siya parin ang tinitibok ng puso mo?