Bakit kasi ngayon mo lang ako minahal ?

61 1 0
                                    

Kumain kami ng ice cream at pinilit kong kalimutan ang mga ipinakitang kilos ni Gary. Ayokong mahulog ulit ang loob ko sa kanya. Pero sadyang makulit ito.

" Yel tandaan mo ang sinabi ko , I Love You. " pag - uulit pa nito.
" Hahaha...ikaw talaga Bakit kasi ngayon mo lang ako minahal ? Naunahan ka tuloy ni Nel, kaya sorry ha, taken na ako hahaha." Pagbibiro ko na may halong tutoo.

" Hindi pa kayo kasal Yel , boyfriend mo pa lang si Nel." Sagot nito.
" Oo pero magpapakasal kami someday , ganun din naman kayo ni Glenda di ba ?" Mahinahon kong tugon.
Nabakas ang lungkot sa mukha ni Gary.

Siya namang pagdating ni mommy.

" Mabuti naman at hindi kayo nagaaway." Nakangiting sabi nito.

" Muntik lang mom haha, ice cream po O ! Sinuyo niya ako kaya peace kami hahaha." Pabiro kong tugon.

Kumuha ng cone si Gary at binigyan niya ng ice cream si mommy. Yun lang at nagpaalam na ito.

Kkkkkrrriiinnngggg...

Sinagot ko ang cellphone ko.
" Hello babe. Talaga this weekend uuwi ka ?" Sa masayang boses.
" Oo babe , walang maraming trabaho, at mis na mis na kaya kita , kaya bibigyan mo ako ng mainit na halik ha " Naglalambing na sabi nito.

Tuwang - tuwa ako dahil makakasama ko na ulit ang boyfriend ko kahit 2 days lang ok na, kesa naman sa wala.

Days passed. Nag impake na din ako ng mga gamit ko to bring in Baguio. Excited din ako kasi ito ang unang exposure ko as an Interior Designer kahit hindi pa professional kasi nga wala pa ang result ng board exam.

Saturday morning, maaga akong nagising at si mommy maaga ding nagpunta ng market dahil dito sa amin maglunch si Nel.

Nagwalis ako ng bakuran. Ako na din ang nagdilig ng mga halaman ni mommy.

Ilang minuto lang akong nakapasok ng bahay at nakatapos maligo ,

" Tao po, Babe , I'm here ." Si Nel nakatayo sa may tabi ng pinto at may dalang 3 Red Roses at isang box ng pulvoron.. paborito ko din kasing kainin ito maliban sa balitog na may asukal.

Sinalubong ko siya .

" Babe , halika pasok ka ." Paganyaya ko.

Pagkabigay ng dala niyang flowers at pulvoron siniil na niya ako ng halik.

" Babe I miss you so much." Habang hinahalikan niya ako sa labi ng walang patid. Mainit na halik.
" I miss you too babe ." Sagot ko at ginantihan ko na din ang kanyang halik.

Naglaro ang dila niya sa loob ng bibig ko , habang dinikit na niya ang katawan niya sa katawan ko. Nakapalupot ang. Mga kamay niya sa baywang ko ng ubod higpit.
Mainit ang tagpong yun. Naramdaman kong may bumukol sa harap niya.

" Babe , baka abutan tayo ni mommy." At natigil ang mainit na halikan.

" Mis na mis kasi kita , sobra babe." At naupo ito sa sofa habang nakaakbay sa akin.
" Ako din naman e ! Hirap pala pag malayo ang mahal mo ." Paglalambing ko.

Kwentuhan kami at nagplano na din para sa future namin na in two years magpapakasal na kami.

After ng lunch namin , ipinagpaalam niya ako kay mommy na sa bahay naman nila mag didinner.

Lumabas muna kami at nag malling. At sadyang mapagbiro ang tadhana ng papasok kami sa isang food chain para mag snack, nanduon sina Glenda at Gary. Hindi na kami pwedeng umurong dahil agad kaming nakita ni Gary.

" Hey guys , join us ." Malakas na tinig nito.
" Hello Glen , kumusta na ?" Bati ko kay Glenda.
" Hi Yel, ok lang medyo pagod at busy sa work ko. I heard you're going to Baguio. " sagot nito.
"Oo , sa Monday na." Habang naupo na ako sa tabi ng Glenda.
" Tol , you look great , medyo gumanda yatang katawan natin ." Bati ni Gary kay Nel.
" Dati namang looking great ang Babe ko ah ! " ako ang sumagot.
Inakbayan ako ni Nel at hinalikan sa pisngi bago nagsabing
"Babe ko talaga oo, kaya love na love ko eh ! Oo nga tol medyo nadagdagan ng timbang hahaha." Sagot ni Nel.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon