“Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, often hot and fierce, but still only light and flickering. As love grows older, our hearts mature and our love becomes as coals, deep-burning and unquenchable.”
Nagsimula sa pagkakaibigan, nauwi sa pagmamahalan. Iyan ang tampok sa ating kuwento ngayong araw na ito.
Si Kean, isang 2nd year college student sa isang institusyon sa Quezon City at Electrical Engineering ang kanyang kurso, isang DJ sa kanilang radio station at isang mabuting kaibigan. Sabi nila may pagka-weirdo pero mabait at friendly.
Noong 1st year, 2nd semester, may isang babae siyang nakita sa study area ng kanilang eskwelahan, nakasalamin, maganda, at cute lalo nakapag tinanggal niya ang salamin niya. Tuwing umaga niya nakikita ang mysterious girl na iyon, hindi niya alam ang pangalan niya at kung ano ang kurso niya sa kanilang eskwelahan. Kaya nasabi na lang ni Kean sa kanyang sarili niya, “Balang araw makikilala din kita ng hindi ko inaasahan”. At nangyari nga iyon. Noong ika 22 ng Mayo, 2013. Nagbukas si Kean ng kanyang Facebook account at tumambad sa kanya ang napakadaming “notifications” at nakita niya ang pangalang E’lynne, anime ang profile picture nya, may dalang axe tapos duguan na kung ano. Si Kean kasi hindi ganun kahilig sa anime kaya medyo di niya na-appreciate iyon. Nag post si Kean sa Timeline ni E’lynne na “TFTAccept DJ Kean” at doon na nagsimula ang kanilang conversation nila. Habang si Kean ay abala sa kanilang usapan nagpunta siya sa mga photos ni E’lynne, at tumambad sa kanya ang nakasalamin, maganda at cute lalo na kapag tinanggal ang salamin, naalala niya ang mysterious girl na lagi niyang nakikita sa study area nila noong 1st year, 2nd semester. At nasabi niya sa isip niya, “Yes! Nakilala din kita, hindi ko inaasahan toh.”
Habang nagcha-chat sila naisip na rin ni Kean na kunin ang number ni E’lynne at iyon na nga, nakuha niya ang number niya. Madami na ring nalaman si Kean tungkol sa knya, habang tumagatal ang usapan, lumalalim ang friendship nilang dalawa. Noong ika-5 ng Hunyo, ilang araw na at pasukan na nila. Nag-pm si E’lynne kay Kean at eto ang kanilang conversation.
E’lynne: Kuyang DJ:( Amishoo na:(
Kean: Pati rin ako ahh :’( di mo na ako tinetext eh :(
E’lynne: Eeee.. Busy po kasi e. Ang dami pong pinupuntahan ng Lola ko ee hindi ko po kayang umalis po mag-isa yun kasi baka po mapano. Kaya po yun.
Kean: Hmm nice ^^ mabait ahh :) gusto ko yan :)
E’lynne: Hm. Siyempreee po. Lola ko po yun e. :) Magugutom ako kapag wala siya:D
Kean: HAHAHA :D teka palitan mo yang dp mo -_- panget eh
E’lynne: Hala!:( Ang ganda nga po e:( Crush ko po kasi yan:( !week lang po:)
Kean: dapat yung peys mo :3
E’lynne: Hindi ko krash sarili ko e:D
Kean: ako... crush kita :D
E’lynne: Alam ko na po:) Sinabi mo po saki e:P
Kean: palitan mo na
E’lynne: Next week po:)
Kean: ngayon na :D HAHAHA
E’lynne: Eeee:(
Kean: sige na pls
E’lynne: Eeee:'(
Kean: sige na pls :* Hihihi
E’lynne: Wala po akong ipapalit:'(
Kean: ako pipili :)