I'mmortal

271 6 3
                                    

Sa isang payapa at tahimik na bayan, may isang pamilya. Ang pamilyang ito ay binubuo ng isang siyentista, kanyang asawa, at kanilang anak.

Madalas na abala ang ama ng bata. Laging nagkukulong sa kanyang laboratoryo ang siyentista. At minsan lang siya makipag-usap sa kanyang asawa at anak.

Pero isang araw, lumabas siya ng kwarto. Makikita sa mukha niya ang matinding kaligayahan. Natapos na niya ang kanyang pagsasaliksik. Tumakbo siya sa kusina at masayang sinabi sa kanyang asawa na nagtagumpay na siya. Habang abala ang mag-asawa sa pag-uusap, lihim na pumasok ang kanilang anak sa laboratoryo ng kanyang ama. Nagtataka siya kung ano ang matagal nang gusto matuklasan ng kanyang ama.

Napakaraming kemikal at mga libro sa loob ng kwarto ng kanyang ama. Pero may isang bagay na talagang tumawag ng kanyang pansin. Sa isang babasaging lalagyan na puno ng kakaibang kemikal, may nakadikit na piraso ng papel.

"Huwag iinumin"

Nakakapagtaka ang paalala na iyon. Napakaraming kakaibang kemikal sa paligid pero iyon lang ang may papel na nagsasabing Huwag iinumin. Dahil sa matinding pagtataka, kinuha ito ng munting bata at tinikman.

" . . . . . "

Nabalot ng matinding lamig ang kanyang katawan at unti-unting sumakit ang kanyang ulo. Lumamig pa lalo ang kanyang pakiramdam. At nanlalabo na ang kanyang paningin nang makita niya ang ilang libro sa paligid.

"Immortality"

Puro tungkol sa pagkaimortal ang mga libro na natagpuan niya sa silid. Lalong tumindi ang nararamdaman niyang sakit ng ulo. Sinubukan niyang lumabas ng kwarto pero wala na siyang lakas. Natumba siya ng hindi niya namamalayan at natabig ang iba't ibang kemikal.

BOOOOOOOOOM!!!

Naghalo ang ilang kemikal na natabig niya at nagdulot ito ng isang napakalakas na pagsabog. Habang kinakain ng apoy ang mga pader at ibang mga bagay sa paligid, nawalan ng malay ang munting bata . . . 

Nang imulat niya ang kanyang mga mata, wala na ang kanyang tirahan. Puro abo na lang ang natira. Tumingin siya sa paligid para hanapin ang kanyang mga magulang. Habang sinusuri niya ang buong paligid, bigla na lang siyang napatigil. Nanlaki ang kanyang mga mata at unti-unting naluha.

Ilang sandali lang ang lumipas at humagulgol ang kawawang bata. At humihingi ng tawad sa harapan ng kanyang mga nasunog na magulang.

At simula ng araw ng iyon, nalaman niya kung ano ang matagal nang pinag-aaralan at sinasaliksik ng kanyang ama.

"Immortality"

Wala siya sa sariling katinuan habang naglalakad papalayo sa kanyang dating tirahan. Hindi niya matanggap na wala na ang kanyang mga pinakamamahal na magulang, at wala na siyang mauuwiang tahanan.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita niya ang isang puno. Naalala niya kung paano siya nahulog mula sa punong iyon. At naalala niya rin kung papaano siya inalagaan ng kanyang nanay nang mapilayan siya dahil sa pagkakahulog niya roon.

Naiyak na lang siya habang nagbabalik ang mga alaala ng nakaraan.

Umiiyak siya nang nag-iisa. Nag-iisa sa mundong ito.

Pero may narinig siyang tinig. Nang tumingin siya sa paligid, may nakita siyang dalawang matanda.


"Bakit ka umiiyak?"


Kahit na napakaamo ng boses ng matandang babae, hindi siya sumagot. Ngumiti lang ang matandang babae at nagpaalam. Nang umalis na ang dalawang matanda, naiwan na naman siyang mag-isa.

I'mmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon