\\Chapter Eight

207 6 0
                                    

Dedicated sayo. Thanks sa pag-fan mo. :) Enjoy.

---

Behind the Mask is a Deeper Secret. 

[Chapter Eight]

Point of View: 

[Third Person]

[A/N: Third person na po ulit ang mag nanarrate. Mas nadadalian din ako sa ganitong proseso e. :"D Keep reading, enjoy. :D]

 

"Honey, gumising ka na..." Sabi ng isang boses kay Harvey. Pagka bukas nya ng mga mata nya ay nakakita sya ng isang anghel sa harap nya. Nakatingin sa kanya habang natutulog sya. Kumikinang ang puting pakpak at bilog nito sa ulo.

"Sinusundo mo na ba ko? Hindi ba parang maaga pa?" Tanong naman ni Harvey sa anghel.

Biglang nawala ang ngiti nito sa muka dahil sa tanong nya. "Baliw ka ba?" Biglang nagbabago ang mukha nito, naging kamukha sya ng isang babaeng kilala ni Harvey, si Bree. "Male-late ka na kaya!!" Bigla na lang itong sumigaw at hinampas hampas ang kanang binti at braso ni Harvey.

"Aray ko!" Sigaw ni Harvey kay Bree. "Ano bang problema mo?! (@___@*)" Tanong nya kay Bree.

"IKAW!" Pasigaw ding sagot ni Bree. "Mukhang ewan sa labas, katok ako ng katok, tulog ka pa pala? Male-late na tayo." Pagpapatuloy nya na may kasama pang nakakaawang ekpresyon.

"Haaaay!" Bumugtong-hininga lang si Harvey at tinakluban ng kumot ang mukha nya. "Hayaan mo silang mag-hintay, hindi naman sila magsisimula kung wala ako e." Dagdag nya.

Hinampas ulit sya ni Bree kahit hindi nya alam kung anong tatamaan nya.

"Yun na nga e!" Sabi ni Bree. "Aray!" Sabi naman ni Harvey. They said in unison.

"Nag-aaway ba kayo?" Tanong ni Mr. Bautista na nasa pinto lang pala ng kwarto ni Harvey. Narinig naman sya nang dalawa kaya napatigil sila.

"Hindi po. Ayaw lang pong gumising nito." Sagot ni Bree sabay turo kay Harvey.

"Ako pa ngayon?" tanong naman ni Harvey kay Bree.

"Eh sino pala dapat? Ako?" Sarcastic na sagot ni Bree kay Harvey.

"Harvey, hindi ba may schedule ka ngayon?" Tanong ni Mr. Bautista habang naglalakad sya palapit sa dalawa.

"Sino naman ang nag a-update sayo?" Tanong ni Harvey kay Mr. Bautista, pagtingin naman nya kay Bree ay nakangiti lang ito na nakakaloko. Ngiti nang batang may ginawang kasalanan. "Tch!" Dun pa lang alam nya na.

Bumangon na sya sa kama nya at pumunta sa banyo. Ilang minuto nya munang tinignan ang sarili nya sa malaking salamin ng banyo bago sa tuluyan naligo. Lagi syang ganun, nakasanayan nya na, proud sya sa mukha nya, at alam nyang dapat naman talaga syang maging proud.

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon