"Sino ka?ba't ka nandito?at bakit ka umiiyak?"
Unti unti akong lumalapit sa lalaking umiiyak. Pagtingin nya sakin malabo ang itsura nya at di ko mamukhaan kung sino yung lalaking yun ..
At bigla na lang akong nahulog sa kung saan at nalunod. Pinilit kung tagalan ang paghinga pero hindi ko na talaga kinaya.
Michelle's POV
"Aaaahhh!" Sigaw ko sabay bangon sa higaan ko.
"Arghh!! naman...panaginip lang pala" sabay hilamos ko ng kamay ko sa mukha ko.
"Anong nangyari 'nak?" Sabay pasok ni mom sa kwarto ko. Ang OA din nya ha!.
"Wala nanaginip lang ako ng masama,yung palagi kung naikukwento sa inyong napapaginipan ko palagi.Hindi ko alam kung bakit paulit ulit ko na lang napapanaginipan yun?"
"Ano ka ba naman Mac..Malamang panaginip nga tawag kasi hindi totoo diba?!"sabay ngisi nya sakin.
" E pano pagnagkatotoo?sabi kasi ng iba minsan daw nagkakatotoo ang mga panaginip"
"Naniwala ka naman? imahenasyon mo lang yan,sige na't mahuhuli kana sa school mo" tinapik nya ko sa balikat at tuluyan ng lumabas.
Tiningnan ko ang orasan at nanlaki na lang ang mga mata ko ng makitang late na pala ako .
"Argh!ba't kasi hindi na naman gumana ang alarm clock ko kakabili ko lang nito kahapon ah" sabay tayo ko at naligo ng mabilis.
"Nak bumaba ka na dyan at mag agahan at ihahatid kana ni mang ben." Sigaw ni mommy sa baba.
"Ok mom!ayusin ko lang gamit ko at bababa na rin ako" pasigaw kung sinabi.
Ako nga pala si 'Michelle Ataska Coleen Villente'.Hay!nakakapagod talagang bigkasin ang pangalan ko ang haba eh.Iwan ko ba basta mahilig talaga si mommy mag combine ng names.'Wag nyo ng tanungin kung san kinuha ni mom ang ipinangalan nya sakin. Dahil sasabihin ko rin naman e. Pangalan lahat yan ng mga tita ko. Una kasing nagkaanak si mom kaya nag-away-away pa silang magkakapatid para lang sa pangalan ko. Kaya napagdesisyunan na lamang na e combine ang mga names nila para daw fair.Para hindi kayo mahirapan just call me 'Mich' or 'Mac'. Mich ang tawag sakin ng mga kaibigan at kaklase ko. Habang Mac naman ang tawag ng mga kamag anak at pamilya ko.19 years of age at nag-aaral sa private school.Third year college na pero ang ugali ko para pa ring bata.Eh sa masaya ako kapag ganito eh.
"Ay sandali baka may makalimutan ako.. Hmmm! Sandali yung pants ko pala baka makalimutan ko na naman." Sabay lagay ko ng pants ko sa bag ko.
May kapatid akong kambal si zach at zoey nasa elementarya pa lang. Si zach ang pinakamakulit at si zoey naman ang mabait at mas responsable sa kanilang dalawa.
Pagkababa ko sa dining umupo at kumain na agad ako.
"Ate ayos ka lang ba?" Sabay ngisi ng nagpapainosente kung kapatid na si zach.
"Alam ko na kayo na naman ang may kinalaman kaya di umalarm ang alarm clock ko nuh? Ano ba! sanay nako sa trip nyong dalawa ano?" sabay tawa ng dalawa.Ha!akala nyo ako lang maiisahan nyo ha.
"Ah mom sa totoo lang po tinatamad nakong gumawa ng mga assignments. Siguro mas mabuti na rin na sila na lang mismo ang gumawa ng mga assignments nila kasi minsan nakakaabala na po sakin eh!" at bigla silang tumahimik.Akala nila maiisahan nila ako?tss.mas mabuti na rin siguro na sila na mismo ang gumagawa ng mga assignments nila. Lumalaki na sila kaya dapat lang na maging responsable sila at hindi inaasa ang lahat sakin.
BINABASA MO ANG
Stalking my crush
Novela Juvenilwhat is love? Love is blind ang sabi ng karamihan satin. Pero for me panggulo lang yan sa buhay ko. Kasi nagsisimula muna yan sa tinatawag nilang "CRUSH" Maniniwala ka ba kung ang crush ko ang dahilan kung bakit ako nagbago? Ang isang NBSB na katula...