"Hindi ako makapaniwala, ang babaeng pinapangarap ko lang dati ngayon kaharap ko na siya sa altar. Grabe ganito pala feeling nun". Ito ang mga bagay na nasa isip ko habang nakatitig ako sa mga mata ng magandang bride sa aking harapan.
"And you may now kiss the the bride"
"Sa wakas makakasama ko na siya panghabang buhay."
Heto na malapit ng dumampi ang aking labi sa labi niya
ng bibiglang...
"Marco! Marco! Gising na anak mahuhuli ka na sa klase mo".
"Opo Nay."
Panaginip nanaman pala yun. Ilang beses ko na naopapanaginipan ang eksenang yun. Hay.
Teka unang araw na pala to ng pagiging high school student ko. Kaya kailangan ko ng kumain at maghanda para hindi ako mahuli sa unang araw ng pasukan.
"Oh anak kumain kana, kumusta naman tulog mo?"
"Maayos naman po. Napanaginipan ko nanaman po si Suzy hahaha."
"Naku ikaw talaga, hindi mo na makikita yang crush mong yan kasi magkaiba na kayo ng school na papasukan. Oh siya, bilisan mo na dyan at maligo kana pagkatapos, mauuna na ko sayo sa tindahan."
"Opo nay ako na po bahala dito ingat po kayo."
Nang makaalis na si inay natapos na din akong kumaen at naghanda na din ako para pumasok sa bago kong paaralan.
Habang nasa sasakyan ako madaming mga bagay ang nasa isip ko, isa na dito ay yung magiging buhay ko sa bago kong paaralan, kung may mga magiging kaibigan ba ako, o baka may mga makaaway ako dun. Hay basta bahala na.
Eto na nasa harap na ko ng eskwelahan. Dahil sa pagmamadali ko hindi ko namalayan ang isang estudyante ang nabangga ko.
"Aray!" ang nasambit ng babae sabay ng pagkahulog ng kanyang mga gamit."
"Naku miss pasensya kana" tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niya.
Sa pagmamadali niya hindi ko na nakita ang kanyang mukha.
"Angela?" may nakita akong bracelet sa sahig at nakasulat ang pangalang iyon, dinampot ko ito baka nahulog nung babaeng nagmamadali kanina. Itatago ko na lang muna ito.
Kkkrrriiinnnggg!!!
"Naku nagbell na magsisimula na ang flag raising ceremony kailangan ko ng pumila."
YOU ARE READING
The Life of a Nerd
Teen FictionLove? May iba't ibang klase yan: merong love para sa sarili mo, love para sa pamilya mo, at love para kay God. Pero syempre iba yung love na mararamdaman mo kapag natagpuan mo yung taong nakalaan sayo. Pero sa nerd na katulad ko, may matatagpuan pa...