Sabi nga nila pangalawang bahay na ng mga estudyante ang paaralan. Syempre kung may pangalawang bahay meron ding pangalawang magulang, at sila ay ang ating mga guro.
Tara basahin natin 'to! :)
--------------------------------
Unang klase ng guro ang
The Stricts - mga teacher na sobrang higpit. Sa sobrang higpit nga eh hindi ka na makahinga, sila yung tipo ng guro na kahit konting ingay pa lang ang naririnig ito ay magsesermon agad.
Pangalawa
The Megaphone - mga teacher na may built-in megaphone sa lalamunan. Malakas mag discuss parang laging puputok ang bulkang Mayon pag magsalita. Sa sobrang lakas nga nito eh magsisi ka kung bakit ka pa nilagyan ng tenga.
Pangatlo
The Storytellers - mga teacher na inuubos ang 45 minutes sa mga kwento nila. Iba-ibang kwento merong kwentong pwede ilagay sa wattpad, may nakakaiyak, nakakainis, nakakatuwa, at kwento ng sila ay mga bata pa.
Pangapat
The Mother - sila yung mga teacher na parang ang ating mga nanay. Mahilig silang mang sermon. Sermon doon, sermon dito, sermon everywhere! Nauubos ang oras nila magturo dahil sa kaka sermon.
Panglima
Pet Lovers - mga teacher na may favorite. Kadalasan isa o dalawa lng ang estudyante sa paningin niya. Ang mga paborito lang nila ang tinatawag nila sa recitation. Hindi buo ang school kung walang ganitong guro.
Panganim
El Presidentes - mga teacher na ang boreeeeeng magturo. Parang laging may SONA. Mga teacher na nakakaantok magturo.
And last but not the least
Gloc 9 - mga teacher na kabaligtaran ng "El Presidente". Kung yon nakakaboring, eto kailangan buhay ang dugo mo dahil para kang naghahabol ng Cheetah sa sobrang bilis magsalita.
--------------------------
Yey tapos na! Susubukan ko tungkol sa mga estudyante para quits naman Haha!