Transferee

17 0 0
                                    

WALANG ALINLANGAN...

yan dapat ang lagi nating tandaan kapag tayo ay nasa isang relasyon.. sa isa PAG-IBIG.  Dahil baka mauwi ka sa pagsisisi at maghihinayang ka nalang.

Isang babaeng nagngangalang Lyn, 

kalagitnaan ng highschool year nang biglang pumasok ang isang transferee student na nagngangalang Stephen mula sa US sa section nina Lyn.

Kinaibigan sya ni Lyn dahil nakakaawa itong si Stephen, Paano naman.. kabago bagong student walang kaibigan kahit galing pa ng US may pagka SUPLADO kasi. Di nagtagal, nagkatext na si Stephen at si Lyn at di nagtagal naging close. Nagkukuwentuhan sila lagi ni Lyn at madalas na si Stephen ang naguusap tungkol sa mga bagay bagay na kahit minsan ay di naman inaasahang ikwento kay Lyn.

Hanggang sa isang araw ay nagising na lamang si Lyn na bigla na lamang nyang naramdaman na may pagtingin at napupusuan na niya si Stephen. Nakakapagtaka nga lang dahil kahit wala pa silang relasyon o anuman ay alam na ng mga kaibigan at kaklase ni Lyn na may gusto sya kay Stephen, kaya tuloy nagkailangan sila ni Stephen.

Minsan, kapag tinatabihan ni Lyn si Stephen sabay sabi ng, "WHat's up Stephen?", "I'm fine".. Ayiee agad hiyaw ng mga classmates. Tuoy, nagwalk out si Stephen... Pagkakataon nga naman, SAYANG, dahil yun pa naman yung oras na ipagtatapat na sana ni Lyn ang tunay na nararamdaman niya pra kay Stephen. Di maiwasang isipin kung yun na kaya ang Last chance? Wala na bang ibang pagkakataon na maaring ipagtapat ang lahat nang wala nang ilangan? 

Sa paggiging pala-kaibigan ni Lyn ay naisipan niya ipagpatuloy at muling sumubok, na hindi pa iyon ang huling pagkaktaon. Tumuloy si Lyn sa silid-aklatan at nakita si Stephen.. nag-iisa at walang kasama sa isang gilid. Upang matapos na ang kabog sa dibdib ay agad nang nilapitan si Stephen nang walang alinlangan. Tinabihan at sabay sabing...

Lyn: Stephen?, Stephen: Yes? ..saktong biglang nagring ang bell na paaralan na humudyat na oras na. Kaya't biglang umalis na si Stephen.

Kinabukasan, abalang abala si Lyn at di maipaliwanag ang kanyang nararamdaman pagpasok ng guro sa unang klase ay nagsalita ito tungkol sa mga biglaan pangyayari na mgaganap, sabi ng guro ay babalik na si Stephen sa US.... SA pagkarainig ng balitang ito ay parang gumugunaw na ang mundo ni Lyn. dapat pala noon pa, dati pa, inamin ko na nang di sana ako naghihirap at nasasaktan na parang sawi ng ganito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon