Various Friends

24 0 0
                                    

Kung ang Love ay madaming definition, well, madami namang klase ng friend. At natripan ko i-define silang lahat. Base sa aking nalalaman. :)

Kaibigang kakilala - ito ‘yung mga taong tinatawag na common friend. Or pwede din ‘yung mga taong hindi mo naman ganun nakakausap pero pag nagkita kayo eh nag-hhi tsaka pag may mga situation na nagkakasama, kwentuhan to da max, walang ilangan pero after nun, parang okay lang di magpansinan lagi, kung anjan okay, kung wala okay din.

Kaibigan - ito ‘yung mga taong friends talaga kayo at nagkakasama lagi, pero hindi ganun kalalim ang samahan, kasama mo lang sa kalokohan pero ‘di niya alam ‘yung emo na side ng iyong buhay. May mga ayaw siya sa’yo at ganun din ikaw sakanya pero hindi niyo yun sinasabi sa isa’t-isa. Masaya siya pag masaya ka pero minsan naiinsecure din siya kaya ginagaya ka niya. Pang-7th ka sa priority list niya. Kaya ka niyang iwanan basta-basta. Buti nga priority hindi waiting. Haha

May iba’t-iba pang klase yan:

Nerd Friend: kaibigan kung sa’n nabu-bully mo siya. At okay lang sakanya. ‘yung niluto ng nanay niya para sakanya eh ikaw ang nakain, Assignments niyo eh carbon-copied. At siempre, eto yung mga  forever alone kahit gusto mo siya isama sa gimik, di pwede kasi strict ang parents. at may quiz kayo bukas so siya na magrereview for you.

Orocan friend: Plastik na kaibigan, mabait pero pag nakatalikod ka daig pa ‘yung sinasaksak ka. ‘yung tipong pag pinag-uusapan ka ng grupo kapag may nagbabago sa’yo eh siya ‘tong halos alam pati loob ng bituka mo. Sabi nga, someone has something to say. At siya yung someone na yun. Magaling mag-compare. Kahit bf/gf mo eh may standards siya. Malay natin, share pala kayo ng feelings kaya may nasasabi siya. I mean, karelasyon din pala siya kaya alam niya. Matutuwa yan sa’yo kapag may new kang gamit, CP, Bag, Sapatos or mga achievements. Pero deep down, iniisip niya na he/she can do better than you. 

Psychic Friend: Eto ‘yung mga tipo ng kaibigan na tahimik lang. Walang shinishare masyado. Pero pagdating sa lablayp at ikaw ay problemado, astig yan makapayo. Minsan nga nagsisimula palang kayo ng nobya/nobyo mo sasabihin na niya kung kailan kayo magbbreak at paano. Mysterious. Pero pagdating sa gimikin di rin siya papa-huli.

LMFAO friend: eto ‘yung walang alam kundi, Tara! tayo ay mag-party! at walang alam kundi mag-yaya gumala sa manila, out-of-town or kahit jan lang sa makati. Kung titingnan isang word lang ang kaya niyang i-define at yung ay ang GIMIK. pero kapag finals na at puro requirements, ‘di mo na siya makikilala dahil term papers ang dala niya at hindi kahit anong  bar VIP tickets

Perfectionista: Madaming uri to. Pwede sa Academics, grade conscious. sa Lovelife, yung daig pa standard electric fan. sa Buhay, dapat madami siyang achievements. at sa Ugali, seryoso siyang tao kadalasan. Actually konti lang disadvantages kapag may ganito sa grupo, maiinis lang kayo kasi napaka-perfectionist niya lalo na sa Thesis niyo na naghahabol na kayo ng deadline tapos gusto pa niya ipabago ‘yung kalahati nun kasi panget or hindi niyo maddefend kasi may kulang. Pero, madami ka matutunan sa kanya. Kasi nga seryoso siya. Kapag nilapitan mo siya sa problema mong financial, hindi ka niya bibigyan ng pera, bagkus ay bibigyan ka niya ng pagkakakitaan. Masasama mo din siya sa mga Gimik. pero wag araw-araw kasi maiisip niya, ang BI mo teh. 

Emo: sa circle of friends, di na ata mawawala ‘to. eto yung mga taong minsan kausap ng mga nerd friends natin at psychic. usapang lablayp lagi ang bukambibig nito. Keso nag-aaway nanaman sila ng jowa niya kasi na-late siya mag-reply ng 3 seconds. Haha. Minsan boring din kasama pero wala tayo magagawa emo nga eh. Kaya dapat magpaka-clown ka pa mapasaya lang siya. At pag tumawa siya, dre, naka-jackpot ka. Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Various FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon