crush kita kuya ! ( One shot )

56 3 1
                                    

" Hoy babae! Ano kaba! kanina pa ako dakdak ng dakdak dito!! wala namang nakikinig! hay nako nakakaloka! " sigaw sakin ni Elliza  sabay hampas sa akin.

"Ano ba! bakit ka ba nanghahampas!!?? " sigaw ko rin sa kanya. Nakakainis , Im having a moment pa naman :p

" Eh kasi naman po... LUTANG NA NAMAN KAYO!! " hay nako pag ako hindi naka pag pigil, pasalamat siya bff ko siya.

" Teka lang bes ha, bakit ka ba sumisigaw, eh nasa harap mo lang naman ako? "

" Ahh, Hehe.. pasensya na bes, bakit ka ba kasi lutang dyan? At sino ba kasi hinihintay natin dito? kanina pa tayo dito ..." sabi nya sakin sabay kain ng kanyang cheetos.

"Ah kasi .... hinihintay ko si....si-John, may ibibigay daw siya sa akin " si John ay cousin ko at schoolmate namin. Mahirap na kasing sabihin sa kanya na si Kuya Daniel ang hinihintay ko, baka sumigaw ulit to at kulit-kulitin pa ako.. (-.-)

  Oo, si Kuya Daniel ang hinihintay ko, siya ang CRUSH NA CRUSH ko simula nung una ko syang makita.

Flashback.....

   Transferre kami ni bessie, nag migrate kasi ang family namin dito, matagal na kaming mag kaibigan, since childhood at magka business partner din ang parents namin.3rd year Highschool na kami ngayon.

   Ngayon ang registration of clubs ng school namin. Nandito ako naka linya kasama ng ibang students.. ayan, malapit na ako, ok.. dalawa nalang ... " hoy! bakit ka ba singit ng singit ha? " sigaw ng babaeng nasa likuran ko,kaya nagtinginan kaming lahat sa kaniya. " Kung maka sigaw to! bakit sino ka ba? " sigaw nung babaeng sumingit ata, at ayun may mga lumapit na na mga Boy Scouts at pinigilan silang nag aaway. " Miss,miss...." may kumalabit sa akin. Pagtingin ko sa harap ko.... 

^___^ - Siya

O.O -  ako

Oh mhaaayyyy gulaaayyy! ! !  Sino tong napaka gwapong anghel sa harapan ko??!!! 

" M-miss ikaw na, pakisulat nalang ng pangalan mo sa registration paper

"Miss, ikaw na daw! " sigaw nung babaeng nasa likuran ko. Kailangang sumigaw??!!  =.=

Agad naman akong nata uhan ng may inabot siyang ballpen sa akin! Ay gwapong palaka! Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya, nakakahiya! promise! siguro pulang-pula na ng mukha ko. Kinuha ko kaagad ang ballpen "S-s-salamat.." hay naku ! nautal pa ako!pahiya talaga!sinulat ko ang pangalan ko sa papel at agad na tumakbo . Feeling ko, gusto nang kumawala ang puso ko sa katawan ko, kanina pa kasi ito hinihingal sa kakatakbo! HAHA corny.. :P 

Anong tawag dun?  LOVE AT FIRST SIGHT? O.O

" Gabby! ayan ka na naman eh.... umuwi na tayo! " hinampas niya ako ng libro. Kakaibang best-friend din ito no? Nanghahampas. Mabuti nalang hindi gaanong makapal yung libro. Hay... pupunta kaya siya ng school ngayon? Wala kasi silang klase ngayong hapon. tinignan ko ang wrist watch ko, 5:05 PM. Patay! papagalitan na naman ako nito ni papa, matagal na naman ako umuwi. Hanggang 4 lang kasi ang pasok namin. " Sige, 10 minutes nalang bes, pleasssee.. ' with matching *puppy eyes* .

" He! pasalamat ka, bff kita! " sabi niya. " Thank you bes!! Ang bait mo talaga! nanghahampas lang lagi.. " "Ha? ano yung huling sinabi mo?" "Maganda ako sabi ko."mabuti nalang hindi ako narinig baka hampasin na nman ako neto. "Ikaw na ang susunod na Rapunzel!! teka,kung i-text o tawagan mo nalang kaya si John baka kasi hindi pumunta dito yun" " Ha? eh,wala yung cellphone bess eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

crush kita kuya ! ( One shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon