Curse and Reverse

1.5K 66 9
                                    

Curse and Reverse

One Shot

Category: Fantasy/ Romance

"Pakisabi sa kaibigan mo, pangit siya at hinding-hindi ko siya magugustuhan. Ang kapal ng mukha, nagpadala pa ng chocolates sa bahay namin. Kadiri siya kamo!"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses ay siya nanaman. Si Hunter Dela Montes, na walang lumalabas sa bibig kundi kayabangan at panlalait. Ang biktima niya ngayon ay si Rochelle na nagbigay ng loveletter kay Hunter galing sa bestfriend niya na taga ibang section.

Simula nang magtransfer ako sa school na ito at maging kaklase siya ay hindi pa ako nakakarinig ng ikakatuwa ko sakanya. Napaka-yabang , at oo gwapo siya, may kaya sa buhay pero namumuro na talaga siya saakin.

Napatingin siya sa gawi ko at mas lumapad ang ngisi,

"Oh, Jillian. Anong tinitingin-tingin mo saakin? Naglalaway ka nanaman ah."

Nagtawanan ang mga kaklase naming lalake at ilang mga babae sa sinabi niya.

"Ang yabang mo Dela Montes!" hindi ko na napigilan ang sarili kong sagutin siya.

Dati ay iniirapan ko lang siya at papalampasin ang mga pang-aasar niya saakin pero ngayon talagang sumagot na ako. Though totoo namang tinititigan ko siya kapag nabwibwisit ako, iyon lang 'yon!

May bolang papel na tumama sa ulo ko at nalaglag sa aking desk. Alam kong siya ay may gawa nun.

"Oy, Jillian. Wag kang magsungit diyan, kahit anong gawin mo hindi pa ako na-iinlove sa pangit. Hindi uubra yang pagsusungit mo saakin!"

Ininda ko ang mga tawanan nila. Hindi ko na lang siya pinansin dahil lalo lang siyang magmama-epal kapag sinasagot-sagot.

"Ang pogi niya sana 'no, kung hindi siya super mean.." bulong saakin ni Daisy, ang nag-iisang kaklase ko na nakipaglapit saakin.

Tumango nalang ako bilang tugon. Hindi ako mahilig makipagkaibigan kaya nakakatuwa na nag-eeffort siya para mapalapit saakin. Hindi naman ako pangit eh. Hindi lang talaga ako pala-suklay ng buhok ko at hindi ako nag-aayos. Hindi rin ako ngumingiti dahil ang sabi ni mama ay mabuti iyon para hindi magka-wrinkles.

Pinalagpas ko uli ang araw na iyon at nang makarating sa bahay ay nadatnan ko si mama na gumagawa nanaman ng dream catcher.

"Oh, hija. Kumusta ang school." kumunot ang noo niya ng makita ang nakasimangot kong mukha, "Bakit? May nang-away sayo, anak?"

"Wala, ma. May nakaka-bwisit at mayabang kasi akong kaklase, gusto ko ngang turuan ng leksyon kaso-"

"Anak, hindi pwede yang iniisip mo. Tandaan mo, lumipat tayo para magbagong buhay. Para mamuhay bilang normal na tao."

"Naiintindihan ko mama, pero sumusobra na talaga siya! Alam mo 'yon, gusto ko siyang.. ugh, basta ma.. sobrang pagtitimpi na 'yong ginagawa ko para hindi ko siya patulan."

"Halika dito.." tinapik ni mama ang espasyo ng sofa sa tabi niya.

Lumapit ako at umupo doon, pinagmasdan ko ang dream catcher na ginagawa niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinaplos haplos niya yun habang nakatingin saakin.

"Anak, ang mahika ay ginagamit sa mabuting paraan. Sa pagtulong sa kapwa hindi para sa sariling interes na makaganti sa iba."

Oo, hindi kami normal na tao. May kakayahan kami na hindi maipapaliwanag ng siyensya. Maari kaming tawaging witch, gypsy, babaylan, albularyo o kung ano-ano pa pero ang kapangyarihan namin ay hindi biro. Matagal na panahon na itong nananalaytay sa dugo namin dahil sa pagpapasa ng aming mga ninuno. Ang dahilan ng paglipat namin dito sa Maynila ay dahil masyadong mapamahiin ang mga tao sa probinsiyang pinanggalingan namin, ayaw ni mama na isang araw ay may makabisto sa lihim ng angkan namin kaya nagpasya siyang ilipat kami dito. Matagal ng patay si papa at kaming tatlong magkakapatid nalang ang kasama ni mama sa buhay. Kalat kaming mga magkakamag-anak dahil gusto naming mabuhay ng tulad ng ibang tao, at hindi iyon mangyayari kung magkakasama kami.



Curse and Reverse (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon