Kaira's POV
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga, tulala sa kisame. Hindi matanggal sa isip ko ang tanong ni Viel kay Jesler kanina.
FLASHBACK
Tahimik lang akong kumakain nang biglang ipaalala ni Jesler yung about kay Rika. Oo nga pala! Buti pinaalala niya.
"Ahm ano--" sasagot na sana si Rika pero biglang nagsalita si Viel.
"Ah! James kumusta na nga pala ang mga sugat mo? Magaling na ba? Tsk, I heard it was pretty bad huh?" agad akong kinabahan kahit medyo nagtataka pa ako. Nilingon ko si Jesler na nakatingin kay Viel ng masama.
"Jes anong sugat??" nag-aalalang tanong ko. Napaiwas siya ng tingin sakin nun.
Lumingon ulit ako kay Viel. "Dimples anong sugat yun? San galing? Saang parte? Kelan pa yun??" sunod sunod na tanong ko.
"Saan galing? Ahahahaha! Ba't di siya ang tanungin mo little princess?" nakangising sagot ni Viel. Lumingon ako kay Jes at kitang kita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa kutsara niya. Hindi pa rin siya makatingin sakin. -_-
Dahil mukhang walang balak magsalita si Viel, at pag-iwas palang ni Jesler ng tingin, alam ko ng di siya sasagot, humarap ako kay Dustin na katabi si Spencer at seryoso silang tinignan.
"May nangyari ba kay Jesler bago kayo umuwi huh?" seryosong tanong ko.
"Ahh ehh" nagkatinginan sila tapos sabay silang napatingin sa katabi ko pero sabay ring napayuko at sabay na sumagot. "Wala naman eh"
"Eh ano ngang sugat yun?!" sigaw ko.
"It's nothing Kiane. Viel's just fooling around" sabi ni Jes.
"It doesn't seem like he's just fooling around Jesler James Villanueva" nakakainis! Bakit di ko alam na nagkasugat siya? At anong klaseng mga sugat?! Bakit sabi ni Viel malala yun??
Huminga ng malalim si Jes bago ulit magsalita. "Do you see any scars on me? Wala naman diba?" sabi niya. Natahimik naman ako nun.
"Pero--" napatigil ako nung magsalita si Joss.
"Walang sugat si JJ!! Hindi ko siya pinababayaan noh! Wag mo akong itulad sayo na puro sarili ang iniisip"
"Joss" awat ni Jes kay Joss.
Puro sarili ang iniisip? Ako?? Oo minsan napapabayaan ko ang ibang tao dahil nafofocus ako sa isa pero ang isang yun ay laging si Jesler! Napabayaan ko rin ba talaga siya??
"Kiane don't mind her--" naputol yung sinasabi ni Jes nang tumayo ako, nakayuko pa rin ako at walang tinitignan maski sino sa kanila.
"Wala na kong gana" mahinang sabi ko. Naluluha ako sa inis!! Gusto kong sumagot kay Joss pero may point naman kasi siya! Ni hindi ako sigurado kung may nangyari ba talaga kay Jes o wala.
"Kiane/Little princess" sabay na tawag nila Viel at Jesler pero wala akong nilingon sa kanila.
"Kai" tawag ni Dustin at Spencer pero tulad kila Jesler, hindi ako lumingon.
"Little sis?" napatigil ako nang tawagin ako ni kuya pero di ako lumingon. "San punta?" casual lang na tanong ni kuya na para bang di narinig ang pagtaas ng boses ko kanina.
"Room, don't want to see anyone, SO DON'T BOTHER ME" madiing sabi ko at umalis na ako.
END OF FLASHBACK
Hanggang ngayon wala pa rin naman ngang umiistorbo sakin dito. Grabe, after kong kumalma kanina pagkaalis ko dun, halos pagsisihan ko yung inasta ko! Para kasi akong sinaniban ni kuya nun! Nainis lang naman talaga ako nung para bang pakiramdam ko wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
JugendliteraturMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...