forty-seven

1.8K 50 4
                                    

Sorry kung natagalan na naman ako. Huhu wag kayo mag-alala, magiging active na rin ako soon! Very soon after March 21, promise aayusin ko na talaga. Goodluck niyo na lang ako sa defense ko. Sa 21 na yun eh. Malapit naaaaa!

Anyways, sana magustuhan niyo 'to kahit feeling ko palungkot ng palungkot ang bawat chapters na nagagawa ko.

Thanks!

KIM

"Miks, okay ka lang ba?" Tanong ko.

Bigla kasing nagpassed out si Mika habang nagttraining kami. Agad naman namin siyang dinala sa clinic. Namumutla na lately si Yeye lately. Akala ko nga magiging maayos na kami once na magising si Vic pero lalong lumala ang nangyari sa amin lalo na kay Mika.

Kagabi nga lang, pinanood niya yung nirecord naming video noong araw na nagpropose-kuno si Vic sa kanya. Natatawa nga ako sa kanya dahil akala mo parang drama yung pinapanood niya.

Sa bagay mala-teleserye nga ang love story nila. Parang hindi nga totoo ang nangyayari sa kanila eh. Dati, may lihim na pagtingin si Vic kay Yeye tapos yun pala girlfriend ng bestfriend niya. Tapos nagbreak si Mika at Kiefer at na-fall naman si Mika kay Vic tapos gumawa kami ng surprise at napasagot ni Vic si Yeye tapos bumalik si Kief galing US at nalaman niya na ipinagpalit siya ng ex niya sa bestfriend niya at yun, war-war sila at sa hindi inaasahang pangyayari, naaksidente si Vic. Dahil sa aksidenteng yun, nagkapatawaran na si Mika at Kiefer at gumising na si Vic galing sa coma niya at nagkaroon naman ng amnesia. Jusko grabe talaga yung lovestory nila. Pwedeng-pwede ilagay sa FEUSF o kaya sa USTSF. Haha! Nagbabasa kasi ako ng ganun mga pards. Meron naman yung La Salle ng ganun kaso di sikat haha.

At eto na nga gising na si Mika. Binigyan namin siya ng makakain niya. Naloloka ako sa babaeng 'to. Grabe lakas talaga kumain.

"Yung totoo Ye? Wala na bang pagkain sa dorm mo?" Tanong naman ni Cienne.

"Ano ka ba Kambal, depressed nga yung tao eh. Paano kakain ng maayos 'yan." Sabi naman ni Camille.

Tinignan ko nga ulit si Mika ng malapitan. Parang panda na si Mika, ang lalim ng eyebags.

"Ano ba Kimmy, alam kong may eyebags na ko. Wag mo ng pansinin." Sabi niya at nifacepalm pa ako ng lola niya.

"Ano pala nangyari sa training?" Tanong niya.

"Ayun, kinansela na ni Coach. Wala raw kasi tayo sa mood. Dapat bukas todo bigay daw tayo sa training. Jusko, malapit na ulit game natin uyy!" Pang-aalarma samin ni Carol.

"Oo dapat nasa kundisyon na tayo." Dagdag ko. "Alam kong masakit ang pinagdadaanan mo Miks kasi kahit kami rin naman eh, nasasaktan sa nangyari kay Vic pero amnesia lang 'yun. Hindi Alzheimers--"

"Huwaw Kimmy. Ano spelling non?" Natatawang tanong naman ni Cienne. Lechugas talaga to eh. Binelatan ko lang siya at nagbalik ako kay Mika.

"Tandaan mo, matagal o hindi man ngayon, matatandaan tayo ni Vic. Babalik siya sa atin lalo na sayo. Tsaka naaalala mo ba yung movie ni John Llyod tsaka ni Toni Gonzaga?" Tanong ko naman at tumango siya. "Di ba sa huli nagka-amnesia si John Llyod pero alam ng puso niya kung kanino tumitibok ang puso niya."

"Pinapaasa mo ko Kimmy eh." Sagot naman ni Yeye at pinalo pa ako. "Sa movies lang 'yun!"

"Atleast may pinanghahawakan ka." Sabi naman ni Carol.

Langya talaga 'tong babaeng 'to eh. Lately, may pinanghuhugutan lahat ng sinasabi niya eh. Natatawa ako.

"Wow naman. Sayo pa talaga nanggaling yan noh?" Pang-aalaska naman ni Cienne.

Tumawa naman kaming lahat pati na rin si Mika. Natutuwa ako kahit sa mga ganitong kalokohan lang napapangiti namin si Yeye.

"Dahil wala namang training labas tayo guys!" Masaya naming pangyaya ni Camille.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon