His unexpected confession (one shot)

2.3K 89 21
                                    

hi sa inyong lahat,,,bago pa po ako dito at first story ko po to.. sana magustuhan nyo.. :).. hi ateh yoseyna...

____________________________________________________________________________

NATALIE-

Nakangiti ako habang naglalakad sa pathway ng school. Binabati ako ng mga nakakasalubong ko.

"Good morning Natalie."

"Ganda natin ngayon ate Nat, ah."

"Lagi naman, eh."

"Morning Natty."

"Hi ate Natalie."

Panay ngiti at tango lang ang naging sagot ko sa kanila, parang artista lang. Nakangiti parin akong umakyat ng hagdan papunta sa classroom namin. Nakarinig ako ng tawa at hagik-ikan sa likuran ko kaya lumingon ako sa likod, biglang nangasim ang mukha ko nang makita ang dahilan ng pagkakaganon ng mga studyante na bumabati sakin kanina. Si Bryle Natividad lang pala.

Nakarating na ko sa room ko at pumunta na sa upuan ko. Hindi pa nanginginit ang puwet ko sa upuan nang pumasok naman si Bryle. Hindi ko siya tinignan dahil bwisit ako sa kanya. Bakit ba?! Nilabas ko nalang ang notes ko para aralin uli ang graded recitation mamaya.

Ako nga pala si Natalie Flores, sixteen years old, simpleng studyante lang. Hindi maarte sa katawan pero hindi rin naman marumi. Malinis lang to be exact. Naka-eyeglass ako, laging nakatali ang buhok, at tanging pulbo at suklay lang ang pampaganda sa bag. Nasa middle class ang pamumuhay namin at nasa huling taon na ko sa high school.

Yong lalaki kanina ay si Bryle Natividad. Si Mr. calm and silent sabi nila. Gwapo daw, matalino, mayaman at tahimik lang. Sikat siya dahil kaka-transfer lang niya noong unang buwan at halos lahat ay gusto siya, pero ako, ayoko sa kanya kasi....kasi...fine! Dahil matalino siya. Kahit gaano pa siya kabait ay ayaw ko parin sa kanya. Naiinis ako sa kanya kapag halos napeperfect niya ang lahat ng quizzes namin minsan, which is ako lang ang nakakagawa. Lalo na pag may mahirap na tinatanong ang teacher at dalawa na kaming nagtataas ng kamay, feeling ko inaagawan ako. Lage siyang may bitbit na libro at lagi mong makikita na nagbabasa magisa. Approachable din naman siya pero ayoko parin sa kanya.

Hindi kami nagpapansinan sa school pero hindi ibig sabihin non ay magkaaway na kami. Ramdam siguro niya na inis ako sa kanya kaya kahit minsan ay wala pang nakakakita na nag-uusap kami. Wala din naman kaming dapat pag-usapan kaya bakit kami mag-uusap, 'di ba? Maldita ba? Hindi ah! Mabait naman talaga ako tsaka friendly pa. Marami akong friends at wala akong hater. Wala nga lang akong close friend dahil mas focused ako sa studies ko.

"Kriiiiinnngggggg.........kriiiiinngggg........krrrriiiiiiiiiiinnnnnnngggggg........"

 

Bell na para sa first subject. Tiniklop ko na ang notes ko at ready na para sa graded recitation. Kada tanong ni maam ay nagtataas ako ng kamay at pansin ko na ganoon din si Bryle. Hanggang sa nagtanong si maam ng essay at pansin ko na ako lang ang nagtaas ng kamay napangiti ako, pero napalis din nang makita ko si Bryle na itinaas rin ang kamay niya. Nainis na naman ako.

"Yon oh," sabi ng isa sa mga kaklase ko nang mapansing kami lang ni Bryle ang nagtaas ng kamay.

"Okay ms. Flores," tawag ni maam sa akin.

'YES,' hiyaw ko sa aking isipan. Tumayo ako at sumagot. Natahimik ang lahat habang nagsasalita ako. Nilibot ko ng tingin ang lahat dahil feel na feel ko ang pagsagot. Nagawi ang tingin ko kay Bryle. Mataman siyang nakatingin sakin at bahagya pang nakangiti. Nailang ako bigla kaya binalik ko kay maam ang paningin ko. Napahanga ko na naman sila sa sagot ko.

His unexpected confession (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon