The Girl of my Dreams

38 2 2
                                    

Alam mo ba yung pakiramdam na pag nakikita mo yung taong crush mo? Yung susulyap sulyap ka lang sakanyan para hindi ka mahalata? Yung tinatago mo yung kilig. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Nagcocombine ang lahat ng nararamdaman mo. Excitement, happiness. Lahat. Yan ang nararamdaman ko pag nakikita ko si Taylor.

-----------------------------------------------------

Dumaan ako sa room nila. Nagbabaka sakaling makikita ko siya. Nalungkot ako. Wala siya. Naglalakad na ako papunta sa room namin.

"Hi Ed!"

"T-Taylor!?" Nagulat ako. Natulala ako! Kilala ako ng crush ko! Pano yan?! Anong sasabihin ko...

"Puwede mo ba akong samahan mamaya?"

"S-saan ba?" Nauutal kong pagtatanong.

"Sa PROM natin! Wala kasi akong kasama, halos lahat ng kaibigan ko may mga kasama na. Madalas din kitang nakikitang sumisilip sa room namin. Kaya, i took the chance to ask you. Ano? Payag ka?" Sabi niya.

"Si-sige ba." Sagot ko.

"Okay. Sunduin mo ako sa bahay namin. Eto ang address ko. 7pm sharp ah? Magpapogi ka. Bye! See you later!" Sabi niya.

Nakatulala parin ako! Alam niya ang pangalan ko? Paano?! Tapos, siya pa ang nagyaya sakin sa PROM! HINDI KO KAYA TO! Bilang lalaki, nakakahiyang ako pa ang niyaya ng babae. Crush ko pa ang nagyaya sa akin. Shit! Am I dreaming!? Yung kabog ng puso ko, sobrang bilis. Hihikain ata ako. Di ko pa ata dala ang inhaler ko.

"Riiiiiinnggggggg!!!!" Pagtunog ng bell.

"Uwian na. Wala pa akong isusuot. 7pm ko siya susunduin. Yung mga kaklase ko, may mga isusuot na. Mag isa lang ako sa bahay. Nasa America sina mom at dad. Walang madbibigay sakin ng advice. First time ko to! Di ko dapat biguin si Taylor."

"Kausap ko nanaman sarili ko. Mukha akong baliw." Bulong ko. Nang may biglang sumigaw.

"Ed!!"

Paglingon ko, si Taylor! Si taylor ang tumawag sakin! Ang ganda ng boses niya. Parang anghel na bumaba sa langit. Yung boses niya! Ughhhh! Kailangan ko itago kilig ko. Papalapit na siya.

"H-Hi Taylor. B-bakit mo ako t-tinawag?" Nauutal kong pagsasalita.

"May isusuot kana ba? Ako mayroon na. Yesterday pa ako nakabili." Sabi niya.

"W-wala pa eh. Nabigla ako s-sayo." Sagot ko.

"Tara. Sumama ka sakin. Hahanap tayo ng suit mo. Sagot mo meryenda ha?"

"S-sige. Magpapalit pa ba tayo ng damit? Kasi naka school uniform tayo." Pagtatanong ko.

"Hindi na! Diretso na tayo sa mall! Sa rockwell tayo." Sabi niya.
"Ang cute mo pala sa malapitan." Dagdag niya.

"H-huh? H-hindi ah!" Namumula ako. Fuck! Ano ba to! God! Thankyou!

"Bakit ka namumula Ed? May sakit ka ba?" Pagtatanong niya.

"W-wala to! Ano ka ba. Tara na." Sagot ko.

Naglalakad na kami papuntang Rockwell. Walking distance lang naman kasi mula sa Pio University. Ang layo ko sakanya. Di parin ako makapaniwala, nangyayari ba talaga to sa'kin? Nanaginip lang ba ako? Wag niyo na akong gisingin!

Nagsalita siya bigla.
"Ed, bat ang layo mo sakin? Wag kana mahiya, dito ka na sa tabi ko. Dali."

Dali dali akong lumapit siya kanya. "Handa akong maging alipin mo Taylor!" Sabi ko sa sarili ko.

May nadaanan kaming barber shop. Huminto siya, syempre, napahinto rin ako. Kasi sumusunod lang naman ako sakanya.

"Pagupit ka muna. Ang haba ng buhok mo. Sagot ko." Sabi ni Taylor.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon