Nag aUpload ako ng pictures nang mag message sya sa akin
"Hai :) " sabi nya.
binaliwala ko lang sya..ako pa naman yung tipong tao na hindi basta basta nagrereply sa mga hindi ko kilala personally.
nagtaka nga ako at friends kami sa facebook.
after how many minutes nag message na naman ulit sya "hey, musta?"
nacurios ako sa kanya, feeling close kasi sya sa akin. Nang dahil sa curiosity ay tinignan ko ang profile nya specifically ang picture nya; Matangos ang ilong, manipis ang lips, hindi malaki ang mata pero hindi naman singkit at maputi ang kutis nya at muka syang mabait.
Habang tinitignan ko ang ibang pictures nya, narealize ko na nakita ko na pala sya sa personal, same pala kami ng province and we have a common friends .
nagreply ako sa kanya "helo! kilala mo ako?"
"aaah hindi pero nakita na kita personally, pero di pa tayo na intoduce sa isa't-isa" maikling sabi nya.
nag chat lang kami ng nag chat. getting to know ang peg naming dalawa.
Naging constant na ang communication namin hindi lang sa facebook , through txt and call narin.
Tinatawagan nya ako tuwing vacant time ko sa school at bago matulog boses nya ang huli kong narirnig.
Naikukuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa akin sa school at sa bahay and vice-versa. masasabi kong "close" na nga kami .
Habang tumatagal unti unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya, hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang boses nya or hindi sya nakakatxt.
Isang araw habang naguusap kami bigla syang nagtapat sa akin.
"Gusto kita, ai hindi Mahal na ata kita"
hindi agad ako nakasagot sa sinabi nya. Napanganga ako literaly kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Halo-halo ang nararamdaman ko, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, biglang sumakit ang tiyan ko pero hindi naman ako natatae.
"h-huh?! ss-sigurado kaba? hindi pa nga tayo nagkita ng personal m-mahal mo na ako agad?" tarantang sagot ko sa kanya.
"sigurado ako sa nararamdaman ko, handa akong mahintay kung hindi kapa handa para tanggapin ang pagmamahal ko sayo" bakas sa boses nya ang pagkadismaya.
More weeks have pass, at mas naging malapit pa ang loob namin sa isa't-isa.
One week before final examination noon nagtxt ako sa kanya na mag lie-low muna sya sa madalas na paguusap namin, gusto ko kasing mag focus muna sa studies ko at gusto ko rin nag mag focus rin sya sa pag-aaral nya. pumayag sya sa sinabi ko.
Weeks have pass noong natapos ang final exam namin pero hindi parin sya nagpaparamdam sa akin. Sinubukan ko narin syan etxt, tawagan at i-check sa fb kung online sya pero WALA. Nag aalala ako sa kanya baka kasi may nangyaring masama sa kanya. another one week..2 weeks.. 3weeks pero hindi parin sya nagparamdam.
MASAKIT (T____T)...
Kung kelan tulyan nang nahulog ang loob ko sa kanya saka pa sya nawala pa saluhin ako.
kung kelan handa na akong bigyan sya nag pagkakataon saka pa sya naglaho.
Lumipas ang isang buwan ay umaasa parin akong kokontakin nya ako, araw-araw kong tinitignan ang fb account nya, nagbabakasakaling online sya or may new update sa kanya. Sa mga araw nayun ay malungkot at pakiramdam ko ay may kulang sa buhay ko.
Isang araw may nasagap akong balita galing sa common friend namin. Nabalitaan kong nagpakasal na daw sya.
Hindi ako naniwala agad kasi baka tsismis lang yun. Patuloy parin ako sa paghihintay sa kanya.
Nag aUpload ako nang pictures sa fb nang mapansing kong Online ka.. ang saya saya ko.
nagtatype na ako para e-message sya nang mapansin ko sa taas ng chatbox na 'mokong' added new photo. Agad kong tinignan ang photos nya.
Hindi ako makahinga, naiiyak ako, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang mouse.
Hindi tsismis ang narinig kong balita, kinasal na nga sya.
binura ko ang sana'y message ko sayo at pinlitan ng...
CONGRATS
-END-
A/N: May na experience ka narin ba sa facebook?
share mo na.. :)