Chapter 23

8 1 0
                                    

"Ah! Ipis!"

"Ipis na patay?! Ipis na panget! Ipis si Jaxon?!"

"Hoy grabe ka! Mukha ba kong ipis?!"

Napasapo si Kiara sa noo nya ng hindi nya mahulaan ang pinapahulaan ni Topher sa kanila. Kanina pa nagsimula ang laro pero wala pang nakakasagot. Naglalaro kasi sila ng Charades.

"Ang hirap naman!!! Sino ba kasing nagsulat ng mga yan?!" Singhal ni Kate.

"Ano ba kasi yan?!" Mark.

Umakto si Topher na parang lumilipad kaya agad humula ng kung ano ano ang mga ito.

"Butterfly?!" Hailey.

"Snake?!" Ayana.

"Gaga, may snake bang lumilipad?!" Kate na umirap pa.

"Kung lilipad ka meron!" At umirap si Ayana pabalik.

"Catterpilar?!" Kane.

"Hayuff Kane walang lumilipad na catterpillar!" Candy.

"Ibon!" Xavier.

"Agila?!" Argel.

"Ipis!!!" Alec.

Agad namang napatango tango si Topher at sunod na tinuro si Alec na ipinagtaka naman nito.

"Ipis si Alec?!" Kiara.

"Grabe sya oh" Brayden.

"Ipis man?!" Jared.

"Ipis na kumakain?!" Hannah.

"Ipis na mag-isa?" Chloe.

"Ipis na transferee? Hehe" Tracy

"Ipis na gwapo!! Ipis na gwapo!!" Anika kaya nagtatalon sa tuwa si Topher.

Sumunod namang tumayo si Yuki para magpahula. Kung ano ano pang salita ang pinahulaan na naging dahilan para magmurahan ang mga ito sa sobrang hirap. Pano ba naman kasi may naglagay ng, Ipis na beastmode. Butiking lumilipad. Pagong na pinawisan. Isdang nalulunod. Kane mukhang Ipis. Jaxon mukhang aso. Blake kamukha ni Jared. At kung ano ano pa.

Halos maluha na sa kakatawa ang dalawang gurong kanina pa sila pinapanood.

"Hindi ba naten sasawayin ang mga bibig nyan?" Sir Torres.

"Hindi na ... part ng highschool life yan." Nakangiting sagot ng guro.

"Gaano ka ba katagal na kasama nila?" Curious na tanong ng guro.

"Hmmm, simula pagkabata ng mga yan ako na ang tumayong pangalawang magulang nila." Saad nito.

"Hindi ka nakapag asawa, sir?"

"Hindi, kasi para sakin sapat na sila sakin para maging anak ko." Nangingiting wika nya. "Nakakatawa lang isiping nakatagal ako ng sila ang kasama ko. Binata ako 'nun ng ilagay akong adviser nila, akala ko hindi ako makakatagal pero dumaan ang maraming taon na nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak at ngumingiti ng kasama sila."

"Mababait naman ang mga yan ... makukulit lang. Sila yung iiyak ng magkakasama, tatawa ng magkakasama at kapag nakikita ko silang ganun gumagaan ang pakiramdam ko. It takes years para makilala mo ang totoong ugali ng 4-F." Dugtong nito.

Nagsalita pa ang guro pero hindi na nya ito naintindihan dahil sa naalalang nangyari noong nakaraang araw bago sila makarating aa tagaytay.

~

"Yes Mam? Bakit nyo raw po ako pinatawag?" Magalang na tanong ng gurong si Mr. Ramirez sa Principal.

Pilit na ngumiti ang Principal. "Alam mo naman siguro ang mga kalokohan ng klase mo Mr. Ramirez at alam ko rin na matagal ka na rito."

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon